FORTY SEVEN

212 4 0
                                    

BASTE

In some stories and movies, after the main characters made love they will wake up hugging each other, still naked under the blanket. But our story was different from other stories.

I woke up alone in bed. I search for her inside the room but she's nowhere to be found. I decided to wear my clothes. Baka nasa baba na siya.

Parang lumilipad parin ako dahil sa nangyari kani kanina lang. She gave herself to me. She gave me her first. Hindi ko mapigilang mapangiti. That very magical moment. Walang paglagyan ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

Nagdesisyon na akong lumabas ng kwarto. Medyo okay na din ang pakiramdam ko. Hindi parin maalis alis ang ngiti sa mga labi ko.

Bumaba na ako. Pero imbis na si Jaecee ang mabungaran ko ay si Gigi ang nakita ko. Nginitian ko ito ng mapansin nitong bumaba ako. Gumanti din ito ng ngiti.

"Gi, kumusta? Bakit ka nandito?" Tanong ko dito.

"Ay wow, sayo ba 'to?" Pamimilosopo nito saka dumiretso sa kusina na sinundan ko naman. Binuksan nito ang stove saka parang may ininit. Umupo ako sa upuan saka tiningnan ang ginagawa niya.

"Hindi naman sa ganun. Diba pwedeng nagtataka lang?" Natatawang sabi ko. Natawa din ito.

"Kumusta pakiramdam mo? Ano ba kasing pumasok sa mga kokote niyo? Paguntugin ko yang mga bumbunan niyo eh" naaasar na sabi nito. Napatawa naman ako.

"Mag kaibigan nga talaga kayo ni Jaecee. Nasan nga pala siya?" I laughingly said.

Naghain ito at nakita Kong sinigang pala iyon. Sarap naman.

"Kumain ka muna. Mukhang napuruhan ka" She said not minding my question.

"Kasi naman yang girlfriend mo. Sineryoso ba naman" pagsusumbong ko habang kumakain.

"Halata ngang sineryoso niya. Tingnan mo naman yang mukha mo. Kaya nga ang ginawa ko, dinagdagan ko galos niya at hindi siya ginamot" sagot nito habang tinitingnan lang ako habang kumakain.

"But if it wasn't because of her baka hindi kami naging okay. Baka ngayon nagmumukmok ako. So yeah, I should be thanking her. Ay, Hindi mo pala sinagot ang tanong ko kanina. Nasan ba ang kaibigan mo?" Tanong ko ulit saka luminga linga.

Napabuntong hininga ito.

"Umalis muna siya. Kailangan niya daw mag isip" Sagot nito.

Natigalgal ako. Sa isang iglap parang biglang nawala ang sayang nararamdaman ko kani kanina lang. Akala ko okay na kami? Pero bakit ganito? Bakit umalis siya? Ano yung nangyari samin? Wala lang ba yun?

Tumayo ako saka dali daling umakyat sa kwarto niya. Narinig ko pa ang tawag ni Gigi pero hindi ko na pinakinggan. Binuksan ko ang kwarto niya at dumeritso sa closet. Tumambad saakin ang walang laman niyang closet.

Napaupo ako saka napahagulhol. She can't do this to me. No she can't. Naramdaman kong may yumakap sakin kaya naman ay mas lalo akong napahagulhol.

Ilang sandali pa ay tumayo ulit ako at hinanap ang cellphone ko.

"Where is my phone?" Tanong ko sa kawalan.

"Baste, hey, calm down. Hayaan na muna natin siya makapag isip. Marahil naguguluhan lang iyon." Si Gigi na pinapakalma ako.

"No! Hindi ko siya hahayaang umalis at iwan ako. Not this time. Hahanapin ko siya kahit anong mangyari" Pinal Kong tugon.

Bumaba ako at nakita ko ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Agad ko itong kinuha saka idinial ang numero ni Jaecee.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon