BASTE
"Para sayo" abot ko Kay Jaecee ng isang bungkos ng bulaklak.
Kumunot ang noo nito habang palipat lipat ang tingin sa bulaklak at sa akin.
"What's that?" Clueless na tanong niya.
"Bulaklak?" Pilosopo kong sagot. Napapoker face naman ito dahil sa sinabi ko.
"Alam ko. Ang ibig kong sabihin para saan?" Pikong pahayag nito.
Napangiti naman ako. Kahit kailan talaga ang sarap niyang asarin. Akala ko pa naman, Hindi na niya ako susungitan pagkatapos ng nangyari sa resort. Nung nag Zip Line kasi kami. Nakita ko siyang ngumiti. Yung totoong ngiti.
"Para nga sayo" sagot ko naman. Nagsalubong ang kilay nito na para bang mas nainis pa sa tinuran ko.
"Bakit mo ko binibigyan ng bulaklak?" Mataray na namang kwestyon niya.
"Kasi gusto ko?" Ano ba dapat ko isagot?
Lalo namang nairita ito dahil dun.
"Ewan ko sayo, bwisit ka! Wala kang kwentang kausap!" Singhal niya. Bakit ba? Dapat ba sinabi kong mahal ko parin siya? Syempre ayoko naman siyang madaliin diba?
Nagdeclare kasi ako ng break kaya may time ako ngayong landiin siya. Hahaha.
"Tanggapin mo nalang kasi" sabi ko nalang.
"Hindi ako patay na kailangan bigyan ng bulaklak" seryosong saad nito.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Bakit? Patay lang ba binibigyan ng bulaklak? Sige na, kunin mo na. Nangangawit na ako eh" Pagpapaawa ko dito. Kasi naman kanina pa ito nakataas.
Pero sa halip na kunin niya ay tiningnan niya lang ito at umalis sa harapan ko. Umupo ito saka nag cellphone. Nandito kasi kami ngayon sa tent.
Napabuntong hininga ako.
"Fine. I wanted to court you" I finally burst out.
Agad naman itong napatingin sa akin saka kumunot ang noo na para bang may nasabi akong masamang bagay. Tsk. Galit na naman.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?!" Nakasinghal na naman po siya.
"What? May mali ba sa sinabi ko?" Maang na tanong ko.
Marahas na napabuntong hininga ito.
"No. You can't court me. Ayoko. A-YO-KO. Got it?" Pagmamatigas nito.
Nginitian ko naman ito ng matamis.
"I'm not asking for your permission. I will do what I wanted to do. So, you can't stop me. Whether you like it or not. I'm going to court you" Pinal na sabi ko.
Ilang sandali itong natahimik. Bago na naman ngumiti, yung ngiti niyang walang gagawing tama.
"Ganun? O di sige. Gawin mo ang gusto mong gawin. At gagawin ko rin ang gusto kong gawin" She rolled her eyes after.
Kahit na kinabahan ako sa kung ano ang ibig niyang sabihin ay ngumiti nalang ako.
"Okay" sagot ko.
Saka naman ang pagpasok ni Danielle na may hawak ding bulaklak.
"Babe? Oww" tawag nito pero nagulat ng makita ako. Napatingin din ito sa hawak Kong bulaklak.
Maka'Babe parang sinagot na. Ingudngod ko kaya ang nguso nito sa semento? Nang di na makapagsalita?
Inabot nito ang bulaklak kay Jaecee. Na tinanggap naman nito. Napabusangot ako. Yung saakin, hindi tinanggap pero yung sa kumag na 'to walang tanong tanong na kinuha? Napaismid ako. Nakita ko namang nginisian pa ako ng loko. Pigilan niyo ko, baka maghanap ako ng kutsilyo at hiwain ang labi nito sa sobrang selos.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.