TWENTY NINE

181 8 0
                                    

BASTE

Nasuntok ko ang manibela ng kotse ko pagkapasok na pagkapasok ko dito. She's really getting into my nerves. Kanina pa ako nagpipigil ng galit. Ano bang pinanggagalingan ng galit ko? Oo. Dahil sa kapatid niyang winalangya ako. Oo dahil yun dun.

Sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko lahat ng sakit. Nahampas ko ulit ang manibela ko. Bakit sa lahat siya pa? Nakapirma na ako ng kontrata at wala na akong magagawa pa.

Ilang sandali pa ay nagdesisyon na akong umalis. I drove fast. Hanggang sa makarating sa bahay ko. Hindi na ako nagulat ng makita ko si Amber. Nasa sala ito at nanunuod ng TV. Dumeritso naman ako sa kusina saka uminom ng tubig.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong nito na sumunod pala sa akin.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Jaecee's the writer of sea of clouds. The story that we are going to produce." Kwento ko dito. Nagulat naman ito sa mga sinabi ko.

"Kaya ganyan ang itsura mo? Kasi nakita mo na naman siya at makakatrabaho mo pa?" Walang kagatol gatol na tanong nito.

Hindi ko siya inimik at pumunta sa kwarto ko para magpalit ng damit. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

"Bakit ba galit na galit ka? Tungkol parin ba 'to kay kuya niya? Tungkol pa rin ba 'to sa kasalanang siya ang pinagbabayad mo, kahit hindi naman siya ang may gawa? Okay na Diba? Nasaktan mo na siya. Bakit parang ikaw pa ang naagrabyado?" Galit na sermon nito. Alam ko na mali ang ginawa ko pero kinain na ako ng galit. At nagawa ko na rin and mga nagawa ko.

"Ako naman talaga ang naagrabyado di ba?!" Sigaw ko dito.

"Alam ko! Alam na alam ko! Pero hindi naman si Jaecee ang may kagagawan non di ba? Bakit siya ang pinagbubuntunan mo ng galit mo?! Hindi ka ba naaawa sa kanya? Isang taon niyang pinagdusahan ang kasalanan ng Kuya niya at patuloy niya paring pinagdudusahan hanggang ngayon dahil sa trato mo sa kanya!" Hindi na rin napigilan ni Amber ang sumigaw. Galit na din siya. Hindi ko siya masisisi kasi kung iisipin, mali naman talaga ang ginawa ko. Pero anong gagawin ko? Kung sa mga oras na yun, yun lang ang alam Kong bagay na makakapagpatahimik sa akin?

"Kulang pa yun sa pitong taong pagdurusa ko" madiing turan ko.

Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga.

"Walang alam si Jaecee! My God Baste! Nagawa mo na nga siyang sirain hindi ba? Isang taon na siyang hindi nagpakita sayo dahil sabi mo galit at pandidiri lang ang nararamdaman mo sa tuwing makikita mo siya. Pero bakit ganun? Lumipas na ang isang taon pero ganun parin ang nararamdaman mo?! Saan ka ba talaga nagagalit? Sa ginawa ng Kuya niya o sa katotohanang mahal mo ang kapatid ng taong bumaboy sayo?! At ngayon bumalik ang galit mo, hindi dahil sa nakita mo siya, kundi dahil sa nakikita mong pagbabago niya, sa pag asta niya na wala na siyang pakialam sayo, at nagagalit ka dahil kahit na anong pigil mo, kahit na lumipas na ang isang taon, siya pa rin ang mahal mo?! Mamili ka dun Baste" mahabang litanya nito na ikinatahimik ko.

No. Hindi ko siya mahal. Hindi ko siya mamahalin.

"Aminin mo na kasi Baste, minahal mo siya! At hanggang ngayon minamahal mo pa din siya!" Sigaw nito.

"Stop." I warned.

"O baka naman kasi natatakot ka, natatakot ka na baka hindi ka na niya mahal, kasi galit na galit siya sayo dahil sa ginawa mo sa kanya. Kaya naman idinadaan mo nalang sa galit." Pagpapatuloy nito.

"I said stop!" Sigaw ko. Hindi ko na napigilan.

Tumahimik naman ito. Pero matapang parin siyang nakatingin sa akin. Matagal dumaan ang katahimikan hanggang sa binasag niya ulit ito.

"Alam mo, kaibigan kita eh. Mahal kita. Pero nakakapagod ka rin palang intindihin" yun lang at umalis na ito at iniwanan ako.

Bumuhos ang mga luha ko. Bakit ang sakit? Di ba dapat manhid na ako? Oo minahal ko siya. Kaya nahihirapan din ako.

Nung malaman kong kapatid niya ang lalaking bumaboy sa akin ay napuno ako ng galit. Sobrang galit. Lalo na at hindi ko na makukuha ang hustisya dahil patay na siya.

Yung pagmamahal na meron ako para Kay Jaecee ay natabunan ng galit ko para sa kapatid niya. Kaya nakagawa ako ng isang desisyon. Gusto kong maranasan ng kapatid niya ang sakit na naranasan ko noon. Kinausap ko si Brianne. Nung una hindi siya pumayag sa plano ko pero sa huli ay sumang ayon din siya. Plinano ko ang makita niya kami sa ganoong sitwasyon. At sinabi sa kanya ang lahat ng masasakit na salita.

Simula ng araw na yun ay hindi ko na siya nakita pa. Hanggang sa nabalitaan ko nalang ang pagresign nito sa trabaho. Nasasaktan din ako ng mga panahong yun. Dahil yung kaisa isang babaeng minahal ko ay kapatid pa ng taong nagwasak sa pagkatao ko. Pinalabas ko na hindi ko siya minahal, na plinano ko lang lahat mula sa simula para makaganti.

Sinubukan ko siyang kalimutan. Itinuon ko ang atensyon ko sa trabaho. I became a professional director. Kaya mas naging busy ako. Hanggang sa nakita ko ulit siya. Ibang iba na siya. She's a drunkard. She makes out in front of us. Dahil doon umusbong ulit ang galit ko. Galit sa nakikita ko sa kanya. Yun ang ipinagtataka ko. Dapat nagagalit ako dahil nakita ko ulit ang kapatid ng taong kinamumuhian ko pero hindi. Nagagalit ako makita siyang ganun. Kaya Hindi ko naman napigilan ang mga lumabas sa bibig ko.

At ngayong magiging magkatrabaho kami mas nababahala ako sa hindi ko alam na dahilan.

Itinatatak ko sa isip ko na galit ako sa kanya. Galit dapat ako sa kanya.

O baka naman kasi natatakot ka, natatakot ka na baka hindi ka na niya mahal, kasi galit na galit siya sayo dahil sa ginawa mo sa kanya.

Parang naririnig ko ulit ang mga katagang binitawan ni Amber.

No. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa ng kapatid niya. Wala na akong pakialam sa kanya.

Aminin mo na kasi Baste, minahal mo siya! At hanggang ngayon minamahal mo pa din siya!

Nang maalala ang mga katagang yun ay biglang may tumulo na luha sa mga mata ko.

Bakit ganun? Bakit pakiramdam ko sobrang sakit? Bakit ako nasasaktan? Bakit ako umiiyak?

Then I break down.

I hate feeling this. I hate myself for feeling this.

Bakit? Bakit pakiramdam ko mahal pa rin kita?

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon