JAECEE
Pagewang gewang ako habang hinahanap ang susi ng unit ko. Nasaan na ba yun? At dahil hindi ko mahanap ay napaupo nalang ako sa labas ng condo unit ko. Hindi ko na kaya ang sobrang kalasingan. Dito nalang siguro ako matutulog sa labas. Umiikot na talaga ang pakiramdam ko. Makakatulog na sana ako ng may biglang humawak sa braso ko.
"Ano na naman bang ginawa mo? Hindi ka ba napapagod? Isang taon ka ng ganyan! Sisirain mo ba talaga ang buhay mo?" Sermon nito sa akin pero hindi ko ito pinansin sa halip ay sinubukan kong tumayo. Muntik na akong matumba pero mabuti nalang at nasalo niya ako. Napangiti naman ako saka tinapik ang pisngi niya.
"Salamat" sabi ko dito saka pumasok sa loob. Mabuti nalang at nabuksan na niya. Agad kong binagsak ang katawan ko sa couch.
"Jae, walang mangyayari sa buhay mo kung ganyan ka. Iniwan mo ang pagtuturo pero sinisira mo naman ang buhay mo" pagtutuloy nito sa naudlot na sermon.
"Gi, I'm not wasting my life. Nagcelebrate lang kami dahil nagpublished na naman ako ng bagong libro. Are you not happy for me?" Sabi ko dito. Straight pa naman akong magsalita. Sadyang umiikot lang talaga ang paningin ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.
Hanggang sa naramdaman ko nalang na inalis na nito ang sapatos ko. At ilang sandali pa ay naramdaman ko ang bimpo na humahaplos sa mukha ko.
"Kailan ka ba magkakaroon ulit ng buhay?" Huling narinig ko bago ako makatulog.
_____________________________________________
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Kaya naman ay hinay hinay akong bumangon habang hawak ang ulo ko. Napalingon ako sa paligid. Nasa couch ako nakatulog. Tiningnan ko ang oras sa wall clock at alas nueve y media na ng umaga. Hawak parin ang ulo ay pumunta ako ng kusina para uminom ng malamig na tubig ng biglang tumunog ang cellphone ko. Si Gigi. Sinagot ko ito.
"Bakit?" Bungad ko.
"Good morning to you too my friend." Sarkastikong turan nito sa kabilang linya. Napabuntong hininga nalang ako saka naupo. Inilapag ko ang baso sa lamesa at humawak ulit sa ulo ko. Habang ang kanang kamay ay hawak ang cellphone ko.
"Sorry. It's just that hindi lang maganda ang gising ko" Paumanhin ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito.
"Hang over isn't it? Lasing na lasing ka na naman kagabi Jaecee, buhay pa ba ang atay mo? Sinasabi ko sayo, kapag yan nagfail hindi ako magdodonate" mahabang sabi nito.
"Napasobra lang ako ng inom kagabi" maikling paliwanag ko.
"So, gabi gabi kang nasosobrahang uminom? C'mon Jae, alam nating pareho na sinasadya mong lunurin ang sarili mo sa alak para lang kalimutan si B--"
Bago pa man niya masabi ang pangalan nito ay agad ko na itong pinutol.
"I don't want to talk about it" malamig na sabi ko na ikinatahimik naman sa kabilang linya.
"Kailan ka magiging handa pag usapan?" Tanong nito. Marahas ulit akong napabuntong hininga.
"Just.. Just not now. I just can't" yun lang ang nasabi ko saka mariing napapikit.
"Fine. But if you need someone to talk to, I'm just here" sumusukong pahayag nito.
"Okay" yun lang at ibinaba ko na ang tawag.
Naramdaman ko na naman ang pamilyar na kirot ng puso ko ng maalala siya. Isang taon na ang nakalilipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Bago pa man tumulo ang luhang nagbabadya sa mga mata ko ay iwinaksi ko na ang mga naisip ko. I should move on.
Tumayo na ako at saka naligo. Para naman maalis ang sakit ng ulo ko. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis. Kailangan ko ng kape. At kailangan ko ring mag update ng mga stories ko kung hindi uulanin na naman ako ng putak ng president ng publishing company.
Pagkatapos Kong magbihis ay agad Kong kinuha ang laptop ko at pumunta sa malapit na coffee shop. Pagkatapos kong umorder ay saka ko na binuksan ang laptop ko. Kung dati ay hilig ko lang ang pagsusulat ngayon ay pinagkakakitaan ko na. May kumuha sa aking publishing company at binibili nila ang mga istorya na sinusulat ko. Ipinapublished nila ito. Naging best selling na din ang karamihan sa librong napublished ko. Pero hindi ako sa mismong sa kompanya nagtatrabaho. Isinisend ko lang sa kanila ang gawa ko. Nananatili ring tago ang pagkatao ko. Kahit na isa ako sa pinakasikat na manunulat ngayon. And that makes me more famous. Being mysterious. Hindi pa man ako nakakapagtype sa laptop ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tommy. The president. Agad ko naman itong sinagot.
"Hello" bati nito.
"Yes?" Sagot ko lang dito. Kilala niya ako in person. Kasi kapag may meeting. Kilala din ako ibang nasa kompanya sa readers lang talaga ako mailap. At alam yun ng mga katarabaho ko.
"Kailan ba magkakaroon ng happy ending ang mga kwento mo? Kung Hindi namamatay ang bids eh hindi naman nagkakatuluyan. Ano yun Jaecee?" Sermong nito sa akin. Napahilamos naman ako sa mukha ko.
"Because that is the reality Tommy, there is no such thing as happy ending. Walang ganun. Imahinasyon lang ang mga yun. Lahat tayo mapupunta lang sa isang ending, yun ay walang iba kundi ang mamatay" naiiritang paliwanag ko.
"Pero iba ang feedback ng readers. They are dissapointed. They want a happy ending" pagpupush pa nito.
"That's the purpose of every story Tommy. To affect the readers. To let them feel that they are the ones in the story" Giit ko.
"But we are in marketing, bumababa na ang sales. I'm still your boss and I'm ordering you. I need a happy ending on your next story" utos nito saka binaba ang tawag.
I sigh. Dati naman mabenta ang mga libro ko. I know halos lahat hindi maganda ang ending kaya siguro naghahanap sila ng bago. Sawa na sa mga tragic. How can I create a happy ending, if my own story is filled with sadness and pain?
"Hey! Jaecee right?" Napukaw ang atensyon ko sa babaeng tumawag sa pangalan ko na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko.
Napakunot ang noo ko. Saan ko ba siya nakilala? Pamilyar siya pero Hindi ko matandaan.
"Dani, we've met last night, at the bar. Remember?" Nakangiting tanong nito. Pinilit ko namang alalahanin ito. At but I nalang at naalala ko na.
"Ah yeah yeah. It's Danielle right?" Tanong ko dito. Ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis saka tumango.
Maganda siya, para siyang si Anne Curtis. Nakasuot siya ng hoodie tsaka shorts shorts. Medyo umuulan kasi sa labas.
"Can I sit here? Would you mind?" She ask.
"No. I won't." Sagot ko naman saka uminom ng frappe.
"So, small world isn't it? Madalas ka ba dito?" She's trying to open a topic. Mukhang napapansin niya ang pagkaseryoso ko.
"Yeah. Mm. Dito ako tumatambay kapag may hang over" seryosong sagot ko na ikinatango naman nito. Uminom din ito sa hot coffee niya bago ulit nagsalita.
"Are you free tonight? Let's hang out" pag aaya nito. Napaisip naman ako. Parang wala naman akong gagawin, pwede naman siguro.
"Okay. San ba?" Sang ayon ko na ikinabungisngis nito.
"Sa dati. I'll go ahead. I'll just see you tonight" nakangiting paalam nito saka dali daling umalis.
Napailing nalang ako. Mukhang okay naman siya. Nakilala ko siya kagabi sa bar. Nag usap lang kami at nagkapalagayan ng loob. Nung medyo lasing na kami ay medyo naging clingy na siya pero hinayaan ko nalang. I'm free now from my profession so I don't have to worry. And I'm single. So wala namang masamang makiflirt hindi ba?
Napangisi ako. It would be exciting.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.