BASTE
Ngiting ngiti ako habang inilalagay ang konting gamit sa kwarto. Hanggang bukas nalang naman kami dito eh kaya naman ay konti nalang ang dinala kong damit. Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako dito. Ibinigay lang saakin ni Jaecee ang susi. Excited na akong makatabi siya sa pagtulog. Pero ngayon, mag I'enjoy muna kami.
Pagkatapos ko ay lumabas naman agad ako.
"San tayo?" Tanong ko sa kanila.
"Bar! Let's party!" Sigaw ni Ejay. Kaya naman napasigaw na din kami.
Pumunta na kami sa bar na nandito sa resort. Maganda siya, beach na beach ang style. Naghanap kami ng table saka kami umorder. As always madaming alak na naman. Magpapakalasing daw kami eh. Umupo ako sa tabi ni Jaecee.
Nakita ko na naman ang matalim na tingin nito na nginitian ko lang.
"Ano bang problema mo?" Naiinis na tanong nito saka uminom sa boteng hawak niya.
"Problema? Wala naman bakit?" Maang maangan ko. Umiling nalang ito saka uminom ulit.
"Nga pala guys, malapit na ang kasal namin. 'Wag na wag kayong mawawala. Gubat ang theme kaya hindi pwedeng mawala ang mga unggoy" si Ria. Natawa tuloy ako.
Iba talaga ang sense of humor ng mga unggoy na to. Narinig ko naman na natawa din si Jaecee pero hindi na naman iyon umabot sa mga mata niya.
"Sure! Basta may saging ha?" Si Ejay.
"Ay naku! 'Wag kang mag alala, bilang ikaw ang likas na mukhang unggoy. Ako mismo nag order ng sangkaterbang saging para lang sayo. Nang magkaroon naman ng bitamina yang katawan mo, apektado na din kasi pati utak mo eh" si Juris. Natawa kaming lahat. Grabe, ang laki ng pinagbago niya simula ng makilala niya si Gigi.
"Kung di mo sana inagaw sakin si Gigi edi sana matalino na ako ngayon, may magtuturo na saakin, di ba teacher yan?" Sagot naman ni Ejay. Wala itong halong bitterness. Okay na sila. Okay na okay.
"Hoy! Tigilan mo ko! 'Wag mo ngang mabalik balikan ang nakaraan, nasusuka ako pag naaalala ang kakornihan mo eh." Pang aasar ulit ni Ejay.
"Pero hindi lahat ng nakaraan kinakalimutan. May nakaraan na paulit ulit mong babalikan" nakangiting sabi ko.
Nakita kong natigilan sa pag inom ang katabi ko. Pati ang iba ay natahimik pero nakangisi akong tiningnan.
"Pero may nakaraan ding ayaw mo ng balikan" napalis ang ngiti ko sa tinuran ni Jaecee. Kaya naman ay agad akong napatingin sa kanya. Umiinom lang ito at seryosong nakatingin sa kawalan.
"Kasama ba ang tao dun sa nakaraan, sa ayaw mong balikan?" Seryosong tanong ko. Alam ko nabigla siya sa tanong ko. Tahimik ang lahat at tila naghihintay sa isasagot ni Jaecee. Ilang sandali pa ay nagkibit balikat ito saka inilapag ang bote ng iniinom niya.
Saka tumingin sa akin.
"Oo. Kung nagdulot lang naman siya ng sakit, bakit mo pa babalikan?" Tanong nito sa akin ng deritso.
Ako naman ang natigilan. Ngumisi ito saka nagbawe ng tingin at uminom ulit. Nakakailang bote na siya. Ang bilis niya lang. Ilang sandali pa ay saka ako nakabawe.
"Ayaw mo na din bang balikan yung mga panahong naging masaya ka ng dahil sa kanya?" I asked hoping.
Natawa ito ng pagak. Saka umiling.
"Sige nga. Bakit ko babalikan ang isang bagay na puro lang naman kasinungalingan at pagpapanggap?" Ramdam ko ang galit at sakit sa bawat salitang binibitawan niya.
At nararamdaman ko na din ngayon ang pamilyar na sakit sa loob ko.
"Panu kung hindi naman talaga kasinungalingan ang lahat? Panu kung totoo naman talagang minahal ka niya?" Tanong ko habang nakatingin parin sa kanya. Tinitingnan ko lang ang bawat kilos niya.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.