NINE

343 12 0
                                    

BASTE

"Oh c'mon, I know I won't, Baste" biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin niya ang pangalan ko. Automatic tuloy na napahinto ako sa paglalakad saka siya tiningnan.

"W-what did you just call me?" Tanong ko. Ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis.

"Baste" ulit nito. Hindi ko maintindihan pero automatikong napangiti ako ng marinig na binanggit niya ulit ang pangalan ko.

"Maganda pala pangalan ko kapag ikaw ang nagsasabi" sincere na sabi ko. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Nginitian ko nalang siya saka hinila ulit. Hindi ko alam pero I feel safe when I'm with her. Simula nung nag kasama kami kagabi pakiramdam ko hindi na ako mag isa na harapin ang araw na 'to. Akala ko nga iiwanan na niya ako dahil pinakawalan na kami ni Amber. But here she is, following my every step. Akala ko nung una naaawa lang siya saakin. Pero sa totoo lang hindi ko yun makita o maramdaman man lang sa kanya. Iba yung makikita ko, it is more of regrets. At hindi ko alam kung saan. Hindi ko din  maintindihan, pero masaya ako. Yung totoong saya kahit na hindi buo, pero totoo.

"Baste, San ba tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad ah? Pagod na ako" reklamo ng kasama ko. Hatak ko parin siya. At sobrang sarap sa pakiramdam na hawak ang kamay niya.

"Akala ko ba gusto mo kong samahan? Bakit nagrereklamo ka ngayon?" Tanong ko dito. Nakabusangot naman ang mukha nito. Haha cute.

"Nagtatanong lang ako, hindi ako nagrereklamo" sabi pa nito. Natawa tuloy ako. Halata namang nagrereklamo siya eh'

"Diba sinabi ko na sayo? Pagsisisihan mong sumama ka saakin" nakangising sabi ko. Mas lalo naman itong bumusangot. Pagsisisihan mo, dahil Hindi na kita pakakawalan. Sa isip isip ko.

"Kaya pinapagod mo ako? Para pagsisihan ko?" Naaasar na turan nito. Natawa na naman ako. Bakit ang gaan ng pakiramdam ko pag kasama ko siya?

"May choice ka naman eh' pwede mo ko iwanan at bumalik doon" tingnan natin.

"Sinong may sabing napapagod ako? Tara na nga! Ang tagal mo" sabi nito sabay hatak sa akin. Ngayon siya naman ang nanghahatak.

Ang layo na ng nalalakad namin at hindi ko na nga alam kung nasan kami. Napansin ko nalang na nasa gubat na pala kami. Bakit hindi man lang namin namalayan na napalayo na kami?

"Where are we?" Tanong ko dito. Napatigil naman ito sa paglalakad saka iginala ang mga mata sa paligid.

"I don't know" sabi nito saka nakatingin sa akin.

"What?! Panu tayo makakalabas sa gubat na 'to?" Natatarantang tanong ko. Parang nagsisisi tuloy akong hinila hila ko siya. Nagtaka ako na nagkibit balikat lang 'to. Saka hinila ulit ako.

"T-teka, hindi ka ba nag aalala? Nawawala na tayo" naguguluhang tanong ko.

"Wag ka ngang praning! Tsaka bakit nagrereklamo ka?" Asar na rin na sabi nito.

"What?! Panong hindi ako mapapraning? Nasa gubat na tayo!" Sigaw ko. Tumigil naman ito sa paglalakad saka humarap saakin at tinitigan ako sa mga mata.

"Trust me" nakangiting sabi nito. Ang bilis namang magbago ng expression niya. Hindi ko alam pero bigla akong kumalma. I saw sincerity in her eyes. And there, I think my heart skip a beat.

____________________________________________

____________________________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon