TWENTY ONE

262 6 0
                                    

BASTE

Ilang minuto na kaming tahimik simula ng masabi ko ang nangyari kagabi. Hinihintay ko siyang magsalita pero nanatili lang siyang tahimik. Kaya naman ay binasag ko na ang katahimikan. Inalis ko ang seatbelt ko saka humarap sa kanya.

"Look at me babe, I promise you I did not return the kiss. I did not respond. I pushed her. Kasi hindi ko gusto. Kasi ikaw lang ang gusto kong humahalik sa akin. Ikaw lang. Ayoko ng iba kasi ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal" mahabang sabi ko. Nagulat naman ako ng bigla itong ngumiti.

"I know. I trust you. And thank you for telling me the truth" nakangiting sabi nito. Kaya naman ay para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya.

Dahil dun ay niyakap ko ito ng mahigpit.

"Thank you for trusting me" sagot ko.

"But I don't trust Brianne. As much as possible, I don't want her near you. But, I also don't want to control you. Ayokong dumating yung araw na masakal ka sa akin. That's why I'll let you do whatever you want. I just put my trust on you. Alam ko hindi mo ako kayang lokohin" Kahit na hindi ko nakikita ang mga mata niya ay alam ko na puno ito ng sensiridad.

Kumalas ako sa yakap saka tiningnan siya sa mga mata.

"I won't do that. I promise. Mahal na mahal kita" madamdaming pahayag ko.

"Tara na nga! Daming drama" natatawang sabi nito kaya napatawa nalang din ako.

Nagdrive na ulit ako. Isang oras pa at nakarating na kami sa hotel. Tiningnan ko ang oras, maaga pa. Makakapasyal pa kami. Pagkarating namin sa hotel ay natulog muna kami. Pagkagising namin ay namasyal kami. Nandito kami ngayon sa Baguio. Bukas kasi ay aakyat kami ng bundok. I just really want to bring her to that place.

Maaga akong nagising kinabukasan. 3 AM palang ay gising na ako.

"Hey, wake up sleepy head. We're gonna be late" pukaw ko sa kanya habang tulog na tulog pa rin. Ilang saglit lang ay nagmulat na ito ng mga mata.

"Good morning gorgeous, c'mon. Wake up. Aalis na tayo" nakangiting sabi ko.

"Give me 5 more minutes" tinatamad nitong sabi kaya napatawa ako.

"No. Uumagahin tayo. At malilate tayo. Let's go. Get up!" Pangungulit ko dito. Binuhat ko na ito papuntang banyo. Kaya wala na itong nagawa kundi mag ayos.

Medyo natagalan pa kami dahil inayos pa namin ang mga dadalhin. Masyadong malamig doon kaya dapat makapal ang mga suot namin. Meron din kaming dalang first aid kit. Kung nagtatanong kayo kung saan kami pupunta? Well, inaya ko si Jaecee umakyat ng bundok. Pero hindi bastang bundok yun. Inaya ko siyang umakyat sa Mount Pulag, pangatlo sa pinaka mataas na bundok sa pilipinas. We will take 4 hours in hiking. Hindi ko alam kung kakayanin na isa pero sana kaya niya. Kasi kapag nakarating kami doon, I'm sure, it'll be worth it. Lalo na na siya ang kasama ko.

Nakarating na rin kami sa meeting place. May kasama kaming tour guide at ibang hikers. Ipinaliwanag niya lahat ng mga rules saka kami nagsimulang maglakad.
__________________________________________

"Siguraduhin mo lang maganda sa pupuntahan natin kundi malilintikan ka talaga sa akin. Nakakapagod" reklamo ng kasama ko. Mahigit isang oras na kaming umaakyat at alam ko na ramdam na rin niya ang pagod.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon