BASTE
"Jaecee" I called out.
Nakita kong tumingin ito sa kasama ko at napako ang tingin sa jacket na suot nito.
"Ate Jaejae, yadi man palan kamo" nakangiting sabi ni Erica.
Parang bigla namang natauhan si Jaecee at pilit na ngumiti.
"Ah oo. Nagyaya kasi itong si Miguel magperya." Pilit ang ngiting sagot nito. Napaiwas ako ng tingin ng mas lalo pa nitong ipinulupot ang kamay sa braso ng lalaki.
"Baste right? Ikaw yung kaibigan ni Jaejae?" Yung kumag. Ngiting ngiti pa. Sungalngalin ko kaya nguso nito?
Peke akong ngumiti. Hindi niya ako kaibigan ugok! Ex-girlfriend niya ako na magiging girlfriend ulit! Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko.
"Yes. Ako nga. Ikaw si Miguel diba? Yung uhuging kababata ni Jaecee?" Pang aasar ko.
Si Erica naman ay mukhang pinigilan bumulanghit ng tawa.
Biglang nag iba ang itsura nito. Pero mukhang nagtitimpi.
"Baste" Jaecee warned.
"What? Look, I didn't say it to offend you. I just saw your pictures. Ang dami kasing nakadisplay sa bahay. Kaya dun ko nakita" Sabi ko na parang walang ginawa ng mali.
Ngumiti naman ang gago na halata namang peke.
"Ah yes yes. We're just too close to each other so that's why" Pagyayabang nito. Kaya naman napataas ang kilay ko.
"Mukha nga" sagot ko at muli kong ibinaba ang tingin ko sa kamay na nakahawak sa braso nito saka tumingin ulit kay Jaecee.
"Ah. Guys, Tara. Laro nalang tayo" putol ni Erica sa staring contest namin ni Jaecee. Siguro nakaramdam din ito ng tensyon.
Naglakad kami hanggang sa napunta kami sa isang shooting game. Parang may babarilin kang mga bola na dapat mahulog. Kapag nakasampong bola kang mahuhulog ay makakakuha ka ng maliit na teddy bear.
"What do you want from the teddy bears? I'll get it for you" mayabang na sabi ng isa. Psh. Hambog.
Ngumiti naman si Jaecee. At tinuro ang isang teddy bear na kulay white.
"Ate, saru na badil" sabi nung unggoy sa nagbabantay.
Binigyan siya nito ng isang baril barilan.
"Ate, ako rin po" sabi ko naman. Tingnan natin kung sino ang mananalo.
Haha buti at marunong akong bumaril. Minsan kasi nagpafiring din ako kapag walang ginagawa.
Nagsimula ng bumaril ang unggoy. At tawang tawa ako sa itsura niya kapag hindi nakakatama. Sa huli tatlo lang ang nahulog niyang bola. Out of 20 na bala. Kaya hindi ko na napigilan ang mapatawa.
Napahawak pa ako sa sobrang tawa. Napatigil lang ako ng makita kong nakatingin sa akin ng masama si Jaecee. Habang ang isa ay ganun din. Pigil parin ang tawa ko habang pumwesto na ako para magsimulang bumaril.
"Watch it buddy. Learn from me" Pang aasar ko saka kumindat pa.
Pumwesto ako saka nagsimulang bumaril. Unang tatlong tira naglaglagan agad ang tatlong bola. Kaya naman nginisian ko ang gago. Pero, ang sumunod na mga tira ko ay wala. Kaya tumawa tawa naman itong katabi ko. Tsk. Ang bilis naman ng karma ko. Lima nalang ang bala ko at Lima palang din ang nahuhulog ko. Bumaril ako ulit at tumama nga ang apat. Napahinga ako ng malalim. Isang bala para sa tagumpay. Muli kong kinalabit ang gatilyo.
"Boom! Yes! Hooh! I got it!" Masayang sigaw ko. Saka ako napayakap kay Erica na tumatawa lang din.
"Ate, yung premyo po? Yung white po ah?" Baling ko Kay ate ng kumalas ako sa yakap.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.