JAECEE
Nagsimula na nga ang laro. Nag-volunteer si Ejay na mauna. Bumunot siya ng pangalan at si Gigi ang nabunot niya. Napangiti naman si Gigi dahil siya ang magbibigay ng dare kay Ejay. Pero biglang lumaki ang mga mata nito nang mabasa ang dare.
"Basahin mo nang malakas, Gi," excited na sabi ni Ejay.
Kahit nag-aalangan, binasa pa rin niya ito. Marahil ayaw niya namang magmukhang KJ sa harap ng magkakaibigan.
"G-give me a t-torrid k-kiss." Utal na basa nito. Halata sa boses niya ang kaba.
Napasinghap kami. Napa-"oww" ang lahat habang si Ejay ay ngiting-tagumpay. Doon ko lang naintindihan ang mechanics-magkaiba ang bubunot ng pangalan at dare, at kung sino ang mabunot sa dare, sa kanya iyon gagawin.
Mas lalo yata akong kinabahan.
Ilang sandali pa, naghahalikan na nga ang dalawa. Parang nawala ang hiya ni Gigi ah? Like hello, kasama niyo kami dito oh?
Maya maya pa ay tumigil na ang dalawa at nagngitian pa. Mukhang gustong gusto ang nangyari.
Sumunod namang bumunot si Gigi. This time, siya naman ang gagawa ng dare.
"Anong klaseng laro 'to?" bulong ko sa sarili ko. Pero mukhang narinig ng kumag na katabi ko.
"Nervous?" She asked while smirking.
Hindi ko nalang ito pinansin dahil kinakabahan naman talaga ako. Tinungga ko na lang ang natitirang laman ng beer baka sakaling mabawasan ang kabang nararamdaman ko.
"Juris," sabi ni Gigi. Muling bumalik ang atensyon ko sa kanila.
Napasinghap ang lahat. Mukhang takot sila kay Juris-maliban sa isa.
Bumunot si Juris ng dare at agad itong binasa. Nagsalubong ang kilay niya. Halatang hindi niya nagustuhan ang dare.
"What the f*ck?!" inis niyang sabi sabay tingin kay Rick ng masama.
"C'mon, huwag kang maging KJ kahit ngayon lang," sagot naman ni Rick. Yeah. Siya yung isa pang lalaki sa kanila.
"Fine. Do it. Here," sabi ni Juris sabay turo sa leeg niya.
"Wait! What's the dare?" tanong ni Ria. Lahat kasi kami nakaabang sa kung ano ang dare niya.
"Psh. She'll put a hickey on me." Walang emosyong sagot nito.
Pigil ang tawa ng lahat. Hindi nila siguro inaasahan yun.
Uminom muna si Gigi bago lumapit kay Juris. Napasinghap kami nang sinimulan niyang sipsipin ang leeg nito. Napakawala pa ito ng mahinang ungol. Kaya lahat kami napatakip sa bibig namin para pigilan ang sarili naming matawa.
Pagkatapos ng dare, namumula si Juris habang si Gigi ay nakangisi. Anong nangyayari kay Gigi? Marami na ba ang nainom niya kaya para na siyang timang?
"Mukhang na-enjoy mo ah?" asar ni Ejay kay Juris. Sa paraan ng pagkakatanong niya ay parang nagselos ito ng dahil doon.
"Shut up, asshole!" Inis na sagot ni Juris. Napailing nalang ako.
Nagpatuloy ang laro. Medyo lasing na ang iba. Ako naman, tipsy na rin. At hanggang ngayon di pa akp nabubunot, maging ang katabi ko. Mukhang nasa akin ang swerte ngayon.
Akala ko tapos na ang laro, pero biglang nagsalita si Zen yung girlfriend ni Rick.
"Baste, kayo na lang dalawa ang hindi nabubunot. So kayo na ang mag-dare sa isa't isa." Wika nito. Napalunok ako ng mapansing sa amin sila nakatinging lahat.
Baste? That's her name? Cool.
"Ayoko nga!" sabay naming sabi.
Nagkatinginan kami. Nakangisi siya. Ako naman, nakabusangot.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceWould you choose love, even if it means facing the pain of your past? This story dives into the shadows of painful memories, healing, and the courage it takes to trust again. As the past resurfaces, wounds are reopened-and love is put to the ultimat...
