TWENTY FIVE

197 5 0
                                    

JAECEE

Wala na ata akong mahihiling pa. The past days was the best days of my life. She never fails to make me feel her love. Madalas din kaming lumabas. Minsan kaming dalawa lang pero minsan naman kasama ang mga kaibigan niya. Mabilis lang lumipas ang panahon at hindi namin namalayan na matagal na rin pala kami.

It was our 7th month when I decided to finally introduce her to my family. Sakto kasing umuwi din sina Mom and Dad. And I think, wala namang magiging problema because they all know my sexual preference.

"We're here" pukaw ko sa kanya. Halata sa mga mata niya ang kaba at pag aalinlangan pero hinawakan ko ang kamay niya at saka pinisil ito. Assuring her that everything will be fine.

Bumaba na kami sa kotse niya saka magkahawak kamay na tinungo ang pintuan. Nanlalamig ang kamay niya kaya hindi ko mapigilang mapatawa ng mahina. She is really nervous.

Sinalubong naman kami ni Mommy. Agad naman akong lumapit dito saka niyakap ito ng mahigpit.

"I miss you so much Mom" I said as I hug her tighter.

"I miss you too baby" sabi naman nito. Napatawa naman ako sa tinuran niya.

"Mom, I'm not a baby anymore" reklamo ko. Napatawa naman ito saka napalingon sa kasama ko.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon