FORTY ONE

182 5 0
                                    

JAECEE

"I miss you. I miss that laughter of yours" she said.

Napatigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang sinabi niya. Pinakiramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Mga maiikling salita lang ang binibitawan niya pero nagagawa niyang pabilisin ng ganito kabilis ang tibok ng puso ko.

"Ang tamis babe! Tikman mo" si Brianne yun. Siya ang bumasag sa katahimikang namutawi sa amin.

Buti na lang. Kasi hindi ko na alam ang isasagot ko. Naguguluhan na ako sa mga ikinikilos ngayon ni Baste. Parang bumalik yung Baste na una kong nakilala. Hindi ko alam kung ano na namang laro 'to. Pero kung gusto niya ng laro, makikipaglaro ako sa kanya. Hindi ko na hahayaang masaktan niya ko ulit.

"You should learn how to put a concealer" rinig kong sabi ni Ria.

Napansin na naman nila ang pasa niya. Buti nga sa kanya.

Naramdaman ko naman ang pagtabi nito sakin. As usual. Kaya tiningnan ko na naman ito ng masama, at ang baliw nginitian lang ako saka nagsimula ng kumain.

"Maganda parin naman ako kahit na may pasa" pagmamayabang nito.

"Psh. Yabang" I murmured. Habang patuloy na kumakain.

"What did you just say?" Pukaw nito sa akin. Pero hindi ko pinansin. Kaya naman wala na itong nagawa kundi ang kumain nalang din.

"So, Baste. How did you get that black eye?" Natatawang tanong ni Rick.

"Masyado kasing wild sa kama si ja-- aww. Crap. Why did you do that?" Inis na turan nito.

Pinutol ko kasi ang sasabihin niya gamit lang naman ang tinidor, dahil itinusok ko ito sa hita niya. Nakashorts pa naman haha. Serves her bad mouth right.

"Ay sorry. Nagulat kasi ako eh. Kaya ayan tuloy, natusok kita. Masakit ba?" peke akong ngumiti saka siya tiningnan ng 'subukan-mo-pang-magsalita-ng-kabastusan-malilintikan-ka' look.

"Haha mukhang may laging bugbog sarado dito ah?" Pang aasar naman ni Jen.

"Battered Wife" si Zen. Saka sila nagtawanan. Yung isa naman ay nakanguso lang.

"Yung bibig kasi, pigil pigilan. Yan tuloy" Si Gigi naman na nakangising nakatingin Kay Baste.

Nakakapagtaka naman at parang hindi na galit itong kaibigan ko sa bwiset na to?

"Anyway monkeys, this is our last day here, what are we going to do?" Bukas ni Amber sa usapan.

"Let's do an extreme activities!" Sigaw ni bwesit. Natulili naman ako.

"Bakit ka nakasigaw?!" Naaasar na tanong ko.

"Malamang excited, may excited bang low ang energy?" Pilosopo namang sagot nito. Kaya inirapan ko nalang.

"What kind of extreme activities?" Tanong naman ni Brianne.

"Basta. Mag eenjoy kayo"

_____________________________________________

"Come here. Angkas kana" yaya ni Baste habang nakasakay sa Jetski.

Yung iba ay nag eenjoy na habang nagdadrive. At kami nalang ang natitira dito.

"Ayoko! Kayo nalang" pagmamatigas ko.

"Sige na. Hindi naman kita pababayaan eh" she assured. Pero ayoko parin.

"Baka ayaw mo lang kasi natatakot ka?" Tanong pa nito.

"Bakit naman ako matatakot?" Naasar na tanong ko.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon