BASTE
"Teka, teka, Tsong. Maganda kaya sa pupuntahan natin, sigurad—"
Inis ko lang siyang tiningnan. Dalawang araw na nila akong pinipilit na pumayag na i-celebrate ang birthday ko.
"Kung gusto niyo, kayo na lang. Busy ako," sagot ko saka isinukbit ang bag ko at ang DSLR. May photoshoot ako ngayon. Ang ibang mga gamit ay nasa kotse ko na. Tapos na akong mag ayos at lahat lahat si Amber hindi parin ako tinitigilan.
Pagkatapos kong sabihin yun ay dali dali akong lumabas ng bahay saka pumasok sa kotse. Pero hindi ko pa man nabubuksan ang makina ay siya rin namang pagtunog ng phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng suot kong patalon.
Si Ria. Napabuntong hininga ako.
Kahit alam ko na ang sasabihin nito, sinagot ko pa rin para iparamdam na hindi nila mababago ang desisyon ko.
"Bast—"
"No," mariing sagot ko saka pinatay ang tawag. I know mamimilit lang siya. And I am still firm with my answer. No is a no.
Sunod-sunod ang text na dumating. Galing sa barkada. Talagang kinukumbinsi nila akong i-celebrate ang birthday ko. Simula pa lang, ganyan na sila. Minsan makikita ko na lang sila na nasa apartment ko na. Sa tuwing nalalapit ang kaarawan ko, wala silang tigil sa pangungulit sa akin.
Na-aappreciate ko naman ang lahat ng ginagawa nila. It’s just that…
Napailing na lang ako. Gusto ko nang kalimutan kung ano ang nangyari sa nakaraan. Sa t'wing naiisip ko yun ay para akong nasusuffocate.
Hindi ko nalang sinagot ang mga messages nila at nagdrive na ako papuntang Tagaytay. Doon ang venue ng photoshoot. Ilang oras din ang biyahe, lalo na at traffic. Pagdating ko roon, nandoon na ang karamihan.
"Late na ba ako?" tanong ko. Busy sila sa pag-aayos ng mga gamit.
"Nah. You're just in time," sagot ni Maddison. Siya ang manager ng talent na kukunan ko ngayon.
"Good. So, where is she?" tanong ko ulit.
Sakto namang may isang magandang babae ang bumaba sa van at dali-daling lumapit sa amin.
"Nandito na pala siya. Sakto. So, Brianne, this is Baste Contes. She’s one of the most talented—and not to mention hot—photographers here. And Baste, this is Brianne Sy. She’s a model from Australia," pakilala ni Maddison.
Ngumiti ako at ganoon din siya saka ko inioffer angbkamay ko para makipagkamay na agad din naman nitong tinanggap.
"So, you’re the famous vlogger and photographer. It’s a pleasure to meet you," sabi nito nang nakangiti.
"Pleasure to meet you too, Ms. Sy," ganti ko saka binitawan ang kamay niya.
Pagkatapos ng pagpapakilala, nagsimula na kami. We need to finish as soon as possible dahil malayo pa ang biyahe pauwi. This photoshoot is for a famous clothing company, kaya medyo matatagalan.
"Okay. Nice. Give me the look I need, baby. Yes, that’s right. Hot. Now put your hands in your pockets, then look at the camera. That’s good. One more. Nice. Let’s take a break," sigaw ko.
Nakakapagod din ang ganitong klaseng trabaho. Uminom ako ng tubig saka naupo. Tiningnan ko ang mga kuha ko. Mukhang okay naman. It looks perfect.
"Pwede ba akong tumabi?" Nagulat ako nang magsalita si Ms. Sy.
Tumango naman ako bilang sagot dito. Saka ito umupo sa tabi ko.
"Marunong ka pala mag-Tagalog?" Usisa ko.
Napangiti naman siya.
"Yeah. My father’s a Filipino, at tinuruan niya ako. You know, he loves his country so much. That’s why I’m here—to know what he loves about it. At tingin ko, alam ko na. Marami kasing magaganda," sabi niya saka kumindat pa sa akin.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceWould you choose love, even if it means facing the pain of your past? This story dives into the shadows of painful memories, healing, and the courage it takes to trust again. As the past resurfaces, wounds are reopened-and love is put to the ultimat...
