FORTY EIGHT

200 6 2
                                    

BASTE

"Baste, kailangan mong magpahinga. Isang linggo ka ng ganyan." Nag aalalang pahayag ni Amber.

Isang linggo ko na siyang hinahanap. Lahat ata ng possible kong puntahan ay pinuntahan ko na. At ngayon nga kararating ko lang galing Palawan. May nakapagsabi kasi sa aking may rest house sila doon kaya naman ay agad akong lumipad ng malaman ko yun. Pero bigo ako, wala siya doon.

Nagulat pa nga ako ng makitang nandito ang mga ito sa bahay.

"Oo nga naman Baste, tingnan mo nga sarili mo. Para ka ng Zombie. Baka kapag nakita ka ni Jaecee niyan ay tuluyan ka na talagang ipagpalit non" Si Ejay.

Tiningnan ko naman ito ng masama. Ganitong pagod ako, ayoko ng ganyang bieo lalo na kung tungkol ka Jaecee.

"Chill Bro' nagbibiro lang ako. Ang akin lang, alagaan mo naman ang sarili mo" Sagot naman nito. Alam Kong nag aalala sila saakin pero, masisisi ba nila ako? I just can't let go of Jaecee.

"Guys, I know you're worried, but I'm fine. I can take care of myself" I assured them.

"Kumusta naman ang lakad mo ngayon?" Tanong naman ni Ria.

Malungkot akong umiling.

"Malapit na ang premier night ng pelikulang ginawa niyo diba? Why don't you focus on that first?" Si Amber ulit.

Silang tatlo lang naman ang nandito. Mga walang magawa.

"Hindi ako pupunta kapag wala si Jaecee" Pinal na sabi ko. Narinig ko nalang ang pagbuntong hininga nila. Ilang sandali pa biglang tumunog naman ang cellphone ko.

Private Investigator. I don't have any choice but to hire a private investigator. Desperado na ako.

I excuse myself and answered the call.

"Good news?" Tanong ko.

"Yes Ma'am. Alam ko na po kung nasan yung pinapahanap niyo." Sagot nito dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Send me the details. Now" Sabi ko saka ako umakyat sa taas at nag impake. Nagbihis ako pagkatapos. Nagsuot ako ng short shorts saka plain black v-neck shirt. Pinatungan ko ito ng denim jacket na kulay blue. Nang tumunog ang cellphone ko ay agad ko itong binasa. Sorsogon City? Mukhang mahaba habang byahe nga ito. Bumaba na ako habang nakasabit sa balikat kang sling ng isang malaking sports bag ko.

Gulat na napadako ang mga tingin nito sakin.

"Saan ka na naman pupunta?" Gulat na tanong ni Amber.

"Alam ko na kung nasan siya. Pupunta ako dun ngayon" Sagot ko saka ko hinanap ang susi ng kotse ko.

"Baste, kadarating mo lang tapos aalis ka na naman?" Pagalit ni Ria.

"Eh nung hindi nga niya sigurado kung nasaang lugar si Jace ay hindi mapakali, ngayon pang sigurado na siya?" Sabi naman ni Ejay.

Nakipagfist bump pa ito sa akin.

"I have to go guys. I promise, I'll take care of myself." Humalik ako sa pisngi nila isa isa saka tuluyang umalis.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Sa wakas makikita na kita ulit.

_____________________________________________

Derideritso ang byahe ko. Kahit na ngalay na ngalay na ako sa haba ng byahe. 14 hours kasi ang byahe mula Metro. Dahil hindi ko kabisado ang lugar ay nag google map nalang ako. At pag dating ko dun ay magtatanong tanong nalang ako.

Maaga pa ng dumating ako dun. Mga 5am. At damang dama ko ang masarap na hangin ng probinsya. Parang nawala ang pagod ko. Huminto ako sa isang tatay na nagkakape sa isang bahay na malapit sa daan.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon