THIRTY ONE

181 6 0
                                    

JAECEE

"I think we need to change this scene. It's so lame" suhestiyon ko. Kasalukuyan kaming nasa meeting ngayon bago bumyahe papunta kung saan ang next shoot.

"Lame? C'mon Jaecee, we don't have to change that. Actually, it's one of the best scenes. So, c'mon. Let's pack up and go to that certain island." Utos ni Jericho.

"But Jeric--"

"Ano bang problema mo? Yung scenario ba talaga ang pinoproblema mo? O yung naaalala mo sa scenario?" Naiinis na tanong ni Baste. Nainis naman ako sa sinabi niya.

"Pwede ba? Ano namang maaalala ko? Eh puro lang naman yun lokohan" I bitterly said.

"O di inamin mo rin! Na gusto mong palitan ang scene kasi naaalala mo yung nakaraan na ayaw mo ng balikan. Kung ayaw mo na palang balikan bakit isinulat mo pa?" Mataas na rin ang tono ng boses nito.

Bakit ko nga ba isinulat? Yung librong ito. Sea of Clouds. Dito ko sinulat lahat ng alaalang meron kami noon. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang sakit ng nararamdaman ko kaya isinulat ko ito. Sinulat ko lahat at pagkatapos ay pinilit kong kalimutan. Doon ko binuhos lahat.

Pero, ayokong malaman niya lahat ng yun.

"Hindi lahat ng bumabalik, binabalikan. At hindi lahat ng sinusulat, may ibig sabihin. Minsan bunga lang iyon ng malikot na imahinasyon ng manunulat. Kaya wala akong problema sa scenario na yun, I'm just suggesting for the sake of the movie. Sa totoo lang, wala na akong maalala. Kinalimutan ko na ang lahat. Ikaw Baste? May naaalala ka ba?" seryosong sabi ko. Alam ko na kasinungalingan lahat ng sinabi ko pero kailangan kong magpanggap na okay ang lahat. Na okay ako.

Natigilan siya sa sinabi ko saka umiwas ng tingin.

"Okay. Wait. Alam niyo, minsan nagtataka na ako sa mga binibitawan niyong mga salita. Para kayong may nakaraang hindi naayos. Anyway, pack your things. My decision is final. We'll not change the scene." Naiinis na ring turan ni Jericho.

Kaya naman ay walang imik kaming nag ayos ng mga gamit.

Mukhang kailangan ko pang mas tatagan ang sarili ko ngayong babalik kami kung saan nagsimula ang lahat.

_____________________________________________

"Ah kuya, wag mo nang pansinin yan. Ayaw kasing mahiwalay saakin nitong asawa ko eh' sa ganda ko ba naman na to maraming nagkakandarapa kaya naman  ito pinosas na niya ako sa kanya" sabi ni Dani kay Brianne.

That was the exact words she said that time. Nung bumili siya ng buko Kay Kuya.

Pangalawang araw na namin dito. At pangalawang araw na rin akong nagdurusa sa pag alala sa nakaraan. Bawat sulok ng lugar na 'to naaalala ko ang mga araw na yun. And now, we're shooting the exact scene we had a year ago. I feel the sudden pain in my chest remembering those days.

Hindi ko napigilang lingunin si Baste. She's spacing out. Parang wala sa scenario ang isip niya. I brush out the thought. Itinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa dalawa ng umaarte. Nandoon na sa part na kumakain na sila. Again, the pain I'm feeling right now is continuous. Seeing them, is just like seeing the past. Pakiramdam ko bumalik ako sa nakaraan. Nakaraan na akala ko totoo.

"Cut! That was a good take. Let's take a break" narinig ko nalang ang pag sigaw ni Baste na nakapukaw sa akin.

Napabuntong hininga ako saka umupo. Tiningnan ko ang next scene. The falls scene. Ngayon palang hinihiling ko na matapos na ang lahat ng ito. Ayoko ng balikan ang lahat. Uminit ang ulo ko sa mga nangyayari. Maybe I should do something.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon