BASTE
Ilang minuto din kaming nanatili sa ganung posisyon ng binasag niya ang katahimikan.
"Puro ka kadramahan! Gagamutin ko na yan baka maubusan ka pa ng dugo at manghingi ka saakin" natawa nalang ako.
She's really different from others.
"Parang kani kanina lang grabe pag aalala mo tapos ngayon naman ang sungit mo" natatawang sabi ko. Tiningnan naman ako nito ng masama.
"Parang kani kanina lang din mukha kang pulubing gutom tapos ngayon nagagawa mo na ulit mang asar" mas napatawa naman ako sa sinabi niya. Kahit konti, napapasaya niya ko.
Konti nga lang ba?
"Sa ganda kong 'to? Pulubi? Baka Dyosa" mayabang na sabi ko.
"Ganun ba?"
"Ahh. Aray aray. Hinay hinay naman" nakangiwing sabi ko. Diinan ba naman ang sugat ko.
"Ay sorry. Sinasadya ko. Ayoko kasi sa mga mayayabang" turan nito saka nagpatuloy na ulit sa paglilinis. Pagkatapos nun ay nilagyan niya ito ng bandage.
Tinitignan ko nalang siya habang ginagawa niya yun. Bakit parang ang komportable namin sa isa't isa? Ilang araw palang naman kaming magkakilala.
"Labas na tayo. Kanina pa sila naghihintay. Dinner na. Hindi tayo kumain kanina baka nakakalimutan mo" sabi pa nito bago tumayo. I smiled. Tumango lang ako saka sumunod na sa kanya palabas.
Hindi niya ako inusisa sa kung anong nangyayari sakin. Hinihintay niya lang sigurong ako na mismo ang magkwento ng hindi niya kailangan pang tanungin. And that's one thing I like about her.
Pagkalabas namin ay agad na pansin ni Amber ang benda sa kamay ko.
"What happened to your hand?" Agad na tanong nito. Napatingin naman saakin ang mga unggoy.
"Wala to" sagot ko nalang saka tumabi kay Saavedra.
"Ah. Umiral lang po ang katangahan ng kaibigan niyo" napalaki ang mata ko sa sinabi ni Saavedra.
"Hoy an--"
"May angal ka?" Pananakot nito. Napakaseryoso ng mukha nito at salubong ang kilay. Parang kakain ng tao. Bigla tuloy akong natakot. Ganto siguro ang expression niya sa loob ng classroom.
"W-wala syempre" sagot ko nalang. Kasi naman.
"Good" sabi nito saka matamis na ngumiti. Napangiti rin tuloy ako. Nakatitigan kami habang pareho ng nakangiti.
"Ahm. Lagkit ah?" Napaiwas naman ako ng tingin ng magsalita si Ria. Nakita kong kinurot ito ni Jen kaya natahimik. Kumain nalang ako at di sila pinansin.
"So guys, alam niyo naman na siguro that this is our last night here that's why we should enjoy this night. Ano bang gusto niyong gawin?" Tanong ni Rick. Parang siya lagi nag oorganise ngayon ah?
"Mayonaise and December Avenue is coming. Makipagrakrakan tayo" sabi naman ni Ejay. Napalaki ang mga mata ko.
"Hell no" nasambit ko.
"Hell yes bro! Oo. Yung paborito mong banda pupunta dito!" Masayang balita ni Ria.
"Actually, nandito na sila. Naghahanda lang" sabi naman ni Zen.
"What?!" Bulalas ko. Agad akong tumayo saka hinigit si Saavedra.
"Oh? San tayo pupunta?" Nagtatakang tanong nito. Pinagtinginan naman kami ng mga unggoy. Yung tingin na nanghihinala. Hindi ko nalang sila pinatulan. Bahala na sila kung anong gusto nilang isipin.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceWould you choose love, even if it means facing the pain of your past? This story dives into the shadows of painful memories, healing, and the courage it takes to trust again. As the past resurfaces, wounds are reopened-and love is put to the ultimat...
