EIGHTEEN

251 5 0
                                    

BASTE

Pakanta kanta ako habang nag aayos ng gamit. This is the last day of shooting the music video.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget over sa nangyari kagabi. It was so magical. Ganun siguro talaga kapag girlfriend mo na ang taong gusto mo. And speaking of my girlfriend, yes girlfriend. Sarap sa pandinig. Napangiti ako sabay kuha ng phone ko sa bulsa ko.

"Hey, good morning gorgeous" bati ko sa kabilang linya pagkatapos kong idial ang number niya.

"Good morning too, sexy" nakikini kinita ko ng nakangiti ito ngayon.

"I'll be there in 15. Hatid kita" nakangiting sabi ko.

"Okay. Ingat ka sa pagdadrive" sagot niya saka ko na ibinaba ang tawag. Isinukbit ko na ang mga gamit ko saka nag ayos. Hindi mapalis palis ang ngiti ko.

"Anong kalandian yan?!" Halos atakihin ako sa puso sa lakas ng boses ni Amber. Nandito na pala siya sa likod ko ng di ko namamalayan at pagharap ko siya ang nabungaran ko.

"You f*cking scared the crap out of me! You shock me to death!" Bulalas ko habang nakahawak pa sa dibdib ko. Napaupo din ako sa sobrang pagkagulat. Sumigaw ba naman?

"Hoy! Ikaw 'tong parang nakahithit ng sampong katol sa sobrang pagkahigh eh. Tapos ako sisisihin mo?" Sagot nito at nakacross arm pa. Tumayo na ako at inayos ulit ang sarili ko.

"Unggoy, hindi katol yung sinisinghot! Usok! Gago! Hindi kakasya sa ilong ko kung katol mismo sisinghutin ko!" Pangbabara ko sa kanya saka siya nilampasan.

"Bakit? Pwede namang dikdikin yung katol para maging powder ah? Malay mo mas effective" sabi pa nito at sumunod sa akin sa paglalakad.

"Amber. Last mo na yan" tugon ko habang nakapoker face.

"Teka, napapansin ko iniiba mo usapan. Sagutin mo ko. Bakit para kang timang?" Tanong nito habang nasa likod ko parin habang naglalagay ako ng gamit sa kotse. Napangiti ulit ako ng maalala kung bakit ako ganito kasaya.

"Bakit? Nanliligaw ka ba para sagutin kita? Haha ay basta, Kwento ko sayo nextime. I have to go." Paalam ko nalang saka dali daling sumakay ng kotse. Knowing Amber, Hindi ako titigilan non hanggang sa sabihin ko ang dahilan kaya sumibat na ako agad. Baka malate pa akong sunduin ang girlfriend ko. Napangiti na naman ako. Nakakabaliw.

____________________________

"Hi"

Napakurap kurap ako ng marinig ko ang boses ni Jaecee. Nasa harapan ko na pala siya. Para ata akong nalipat sa ibang dimension ng makita siya. She really is gorgeous.

"Would you mind if I kiss you right here right now?" wala sa sariling sambit ko. Nakita kong nagulat naman siya pero napalitan naman ng ngiti.

"Nope. Kasi baka malate ako. So let's go" nakangiting sagot nito saka ako hinila palabas. Napangiti na din ako.

Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang tignan siya. I can't believe she's my girlfriend now.

"Hey, eyes on the road baby" natatawang turan nito na nakapagpatawa din sa akin. Ibinalik ko ang mata ko sa daan.

"Mm? Baby sounds good and sorry I can't help myself staring at my beautiful girlfriend" nakangiting tugon ko saka binigyang diin ko pa ang huling dalawang salita. Napatawa naman siya.

"Oh c'mon as much as I wanted to be flattered right now, we need to prioritize out safety. Tandaan mo nagsisimula palang tayo. I still want to spend many days with you" nakatawang sabi nito pero makikita mo ang senseridad sa mga mata nito. Natunaw ata ang puso ko.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon