THIRTY SIX

187 4 0
                                    

JAECEE

"I would like to inform everybody that I'll be gone for 3 days. I just need to fix something important. So, we don't have a shoot for the next 3 days. I'd like you to enjoy your 3 day vacation. That would be all. Sige na. Ingat kayo guys" she announced after our taping.

Nagulat ako sa biglaang anunsyo niya. Saan naman kaya siya pupunta? At bakit parang may nag iba sa kanya? Napansin ko din ang sugat niya sa labi. Napaaway kaya siya?

Napailing ako. Bakit ba masyado naman ata akong interesado? Dapat wala na akong pakialam sa kanya.

"What happened to your damn face?" Tanong ni Brianne na nagpabalik sa akin sa wisyo.

Napatingin ako dito. Hinawakan nito ang baba ni Baste saka sinuri ang sugat.

Nangingiting umiling iling naman si Baste.

"It's nothing." Sagot nito habang nakangiti. Bakit parang masaya pa siya?

"Bakit para kang timang na nakangiti? Nasapak kana masaya ka pa?" Sarkastikong tanong nito na.

Great. Napansin din niya.

Napakunot ang noo ko ng tumawa pa ito.

"Don't worry. It's just a hit from Juris. For my stupidity" rinig kong sagot ni Baste.

Juris? Bakit siya sinapak ni Juris? Mga adik ata talaga mga magkakaibigan na yun.

Teka, bakit ba ako nakikinig sa kanila? Tsk. Makaalis na nga. Naiirita lang ako. Lumabas na ako ng tent at yun naman ang pag ring ng phone ko.

"Hey. How are you?" Bungad ni Gigi.

"What was it?" I asked. Alam ko namang may sadya na naman 'to.

"Wow. Salamat sa pagbati ha? I appreciate it." Sarkastikong turan nito. Naglakad na ko kung saan nakapark ang kotse ko.

"Ano ba kasi yun?" Ulit ko sa tanong ko kanina.

"Well, I'm having a 3-day-off. And we are thinking of having a vacation somewhere in Batangas. You know, unwind. Masyadong stressful this past days sa trabaho eh. Sama ka?" Excited na tanong nito.

Napaisip ako. Sakto naman ata na may 3-day-off din kami?

"Sino sino ba ang kasama?" Tanong ko habang inaayos ang mga gamit ko sa loob ng kotse.

"Mm. Friends? You know. Tropa ni Juris" alanganing sagot nito.

Ito kaya ang dahilan bakit wala din si Baste? Ito ba yung importanteng bagay na kailangan niyang ayusin?

"If you're thinking if your ex will be there. Nah. She can't come, may importanteng aasikasuhin daw sabi ni Juris. So, sunduin ka namin ah? Bukas. 6 am. Mag van nalang daw tayo. Sige bye! See yah!" Bago pa man ako makasagot ay pinutol na nito ang tawag.

There you have it madlang people. Wala na naman po akong magagawa.

Binuhay ko na ang makina. Pero bago pa man ako makapagsimulang magdrive ay may kumatok na sa bintana ng kotse ko.

Dani.

Ibinaba ko ito saka siya tiningnan.

"Hi" nakangiting bati nito na sinuklian ko din ng ngiti.

"Hi. Mm? Anong kailangan mo?" Tanong ko. Humawak naman ito sa dibdib niya na parang nasaktan.

"Ouch naman babe. Parang pinaparamdam mo naman na ayaw mong makita ko" nakangusong sabi nito. Kaya tinawanan ko nalang siya.

"Look loko. Hindi naman sa ganun. Mukha kasing may sasabihin ka eh" sagot ko nalang.

Kumamot naman ito sa batok na parang nahihiya.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon