BASTE
"I'm sorry about what happened" hinging paumanhin ko kay Brianne. Napabuntong hininga naman ito.
"Hindi ka dapat sakin humingi ng pasensya. Sa kanila. What you are doing is very unprofessional, at lahat naaapektuhan. Please stop bringing personal matters in work" pagsesermon nito.
"I can't help it. Especially when I'm seeing Danielle courting her." I answered.
Nahihirapan na ako. Nahihirapan na akong itago ang totoong nararamdaman ko.
"Then start fixing yourself. At pagkatapos, ayusin mo naman ang kung anong sinira mo. Kung ayaw mong maunahan, ngayon palang gumalaw kana." Seryosong saad nito.
Napaisip ako. Kaya ko na ba? Kaya ko na bang kalimutan ang galit para sa kanya? Kaya ko na bang magpatawad?
But I want answers, I wanted to ask him why did he do that? Pero hindi ko na magagawa dahil wala na siya. Maybe that's what I really need to heal my wound. To forgive.
Because right now, there is one thing I'm sure of..
"I want her back." I confessed.
Lumingon naman ito sa akin kaya sinalubong ko ang tingin nito. Ngumiti ito ng matipid bago nagsalita.
"Then what's stopping you?" She asked.
I heaved a sigh.
"I'm afraid. I'm afraid of everything that might happen. I'm afraid that I still can't give my forgiveness, that I can't still let go of past and anger. Takot ako na ganun lang din ulit ang mangyari at masaktan ko lang din ulit siya sa huli. I'm afraid meeting her gaze, because all I can see is anger and pain. Punong puno ng takot ang puso ko, pero sa lahat ng takot na yun, isa lang ang nangingibabaw sa lahat, ang takot na baka huli na at hindi na niya ko mahal" Nanghihinang sabi ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
"It's not a weakness if you try. Lahat ng sugat nagagamot. Lahat ng sakit nawawala. All you need is to trust yourself and to trust the love you have for her. Love is the only thing that heals every wounds, even the biggest one. Love is always the medicine in every pain. Love is always the answer. Hindi mo naman kailangan magmadali para magpatawad. Pakiramdaman mo lang ang sarili mo kung kaya mo na. Then after you did that, meet her gaze and be strong enough to stand for the love you have for her" mahabang pahayag nito.
Napangiti ako. She's right. She's damn right. Siguro kailangan ko ng magsimula, at paunti unting hanapin ang kapatawaran at kalimutan ang galit.
"Thank you. For waking me up" I sincerely said.
"It's the love that wakes you up" natatawang turan nito kaya napatawa na rin ako at saka pinunasan ang mga luha.
"But, really, thank you. For always being there" muling pasasalamat ko.
Hindi ako iniwan ni Brianne simula noon. Tanging siya lang ang may alam nung una sa nangyari sa amin ni Jaecee. Kahit na hindi niya rin gusto ang plano ko ay tinulungan niya parin ako. Lahat alam niya. Sinabi ko Kay Amber nang matapos na ang lahat dahil alam kong gagawa siya ng paraan para pigilan ako. Kaya si Brianne ang sandalan ko noon. And yes she confessed, she likes me. Pero alam naman niya na hindi ko maibabalik ang nararamdaman niya. Hanggang sa nawala nalang yun. In fact, she has a girlfriend right now. Wanna know who? It's Amber. Well, they have their own story.
Bumalik ako sa wisyo ng makaramdam ako ng batok.
"Ang arte mo! Puro ka kadramahan sa buhay! Halika na mag trabaho na tayo!" Natatawang turan nito saka tumayo na.
Napailing nalang ako habang natatawa nalang din.
Now, I know what I have to do.
After that heart to heart talk, I decided to apologize to everyone and also to Danielle. Then, after that the set went well. Mas gumaan ang trabaho.
We packed up at exactly 9pm.
Nagmamadali akong mag ayos. May kailangan akong puntahan. Hindi ko na muna pinansin sina Jaecee at Danielle. I need to fix myself first before I face her.
"Dude, where are you?" I asked the other line. It's Juris.
Kakapasok ko lang sa kotse ng tinawagan ko siya.
"Gigi's place. Why?" Sagot nito.
"Ow great. Send me the address. I want to talk to her." Sabi ko.
Narinig ko naman na parang tinanong ni Juris si Gigi. I'm aware that Gigi is also mad on what I did to her friend. That's why I need to talk to her and apologize also.
"Okay. I'll send you the address" yun lang at ibinaba na nito ang tawag.
Napangiti ako. This will be the start.
_____________________________________________
"So, what do you want to talk about?" Mataray na tanong ni Gigi.
Nasa may sala kami. Magkatabi ang dalawa sa upuan. Seryoso ding nakatingin si Juris sa akin.
Bigla tuloy akong kinabahan. Para akong nililitis.
"I-I came here to apologize on what I did a year ago" hindi ko mapigilang hindi mautal. Panu naman kasi kung makatingin sila parang kakainin nila ko ng buhay.
Wala silang reaksiyon sa sinabi ko.
"What about it?" Gigi asked.
"I'm sorry if I hurt Jaecee, I'm sorry if I made her suffered from the thing that she doesn't even know. I'm sorry for making her miserable. I'm so stupid for doing that. I hope, you can forgive me" derideritsong sabi ko.
Wala parin silang reaksiyon. Ano ba naman 'tong dalawang 'to. Namana na rin ba ni Gigi ang pagiging cold ng girlfriend niya?
"Hindi naman kami yung mas nasaktan sa ginawa mo, kundi ang kaibigan ko" si Gigi ulit.
"Na kaibigan ko na rin" Singit naman ng isa.
"I know, that's why I came here. I wanted to make things right. I need your help" nakangiting turan ko.
"Help for what?" Seryoso paring tanong ni Gigi. Pero ngumiti lang ako ng matamis.
"Way to get my girl. Yeah. I still love her. I will not be able to give all the love I have for her if I didn't let go of the pain and anger I have feeling for her brother. And if I didn't learn how to forgive" I said smiling.
Nagkatinginan ang dalawa. Tumayo naman si Juris saka lumapit saakin tinapik ako nito sa balikat saka ngumiti. Nawala ang alinlangan ko kaya napangiti na din ako. Pero nagulat nalang ako ng kasabay ng pagseryoso ng mukha niya ay ang pagdapo ng kamao niya sa gilid ng bibig ko.
"F*ck" I curse. Hawak ko ito sa sobrang sakit. Bumaling pa nga ang ulo ko sa kanan eh. Tiningnan ko ang kamay ko, tama nga ako dumugo na naman. Putok na naman labi ko.
Kahit si Gigi ay nagulat sa ginawa ni Juris pero ilang sandali lang ay mukhang pinipigilan na nito ang tawa.
"Gago ka! Talagang inabot ka ng isang taon para lang marealize yan?!" Sigaw nito.
Umayos ulit ako ng upo habang hawak parin ang panga ko.
"Nakakadalawa kana ah?" Reklamo ko.
Kaya yung isa hindi na napigilang matawa. Kaya natawa na din si Juris. Grabe ibang iba talaga siya pag kasama niya si Gigi.
"Nakita mo ba yung takot niya kanina? Priceless" Tumatawang sabi ni Juris.
Kaasar. Pinagtitripan lang pala ako. Napanguso tuloy ako.
"So what's your plan?" Tanong ng dalawa.
Kaya naman napalitan ng ngiti ang pagnguso ko.
This is it.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.