FIFTY SIX

267 7 0
                                    

BASTE

Parang may mga naririnig akong nagbubulungan pero hindi ko maintindihan. Hindi ko rin maimulat ang mga mata ko. Parang antok na antok parin ako. Hindi ko alam. Kaya hindi ko na nakayanan at nakatulog na ulit ako.

_____________________________________________

Nagising ako sa isang napakalakas na tunog. Para rin akong lumulutang. Kaya pinilit kong imulat ang mga mata ko. Only to know that I'm in a helicopter. Nagulat ako.

Anong ginagawa ko dito? Ang naaalala ko ay nalasing ako ng sobra kagabi. Pero ang nakakapagtaka, hindi naman ako uminom ng sobra. Ano ba talagang nangyayari?

Nang makaadjust ang mata ko ay iginala ko ang paningin ko.

"Hi!" Nabigla ako na katabi ko pala si Jaecee. Ngiting ngiti ito sakin.

"What's happening?" Naguguluhan paring tanong ko.

Kagabi lang, pagkatapos naming kumanta. Hindi na niya ulit ako pinansin. Tapos ngayon? Nandito at ngiting ngiti?

"We're going on a skydiving!!" Masayang turan nito.

"Ha?" Yun lang ang nasabi ko. Saka tiningnan ang suot nito. Nakaready na nga ito. At pati rin pala ako. Paano nangyari na hindi ko manlang namalayan? Ganun ba kalala ang tulog ko?

"I'll explain it later. For now, get ready, because we're going to fly. This is your dream right?" Excited na turan nito.

Ilang sandali pa ay inayos na kami nila. They also instructing us what to do and when shall we release the parachute.

Ako ang nasa unahan at nasa likuran ko naman si Jaecee.

Ilang sandali pa ay nag dive na kami.

"Wooooohhhhh!!!!! This is awesome!!!"

"Oh my gosh!! Kahit na takot ako ginawa ko parin para sayo! Kaya subukan mo lang talagang tumanggi papatayin talaga kita!"

Hindi masyadong klaro sa pandinig ko ang tinuran nito dahil sa lakas ng hangin.

"I should have captured this! Hoooh! This is my dream come true!" Sigaw ko pa.

Ang sarap ng pakiramdam na parang lumilipad. Ipinagsawalang bahala ko na muna ang gumugulo sa isip ko. Kung bakit niya to ginagawa, o kung bakit kasama ko siya ngayon. Ayokong umasa. Pero, yun ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko namalayan na nirelease na pala ni Jaecee ang parachute dahil malapit na kaming bumagsak.

Napatingin ako sa baba. Bakit parang may nakasulat sa malaking ground?

Habang bumababa kami mas lalong nagiging klaro ang mga letra. Hanggang sa naging buo ito at naging isang tanong na nagpakabog ng dibdib ko. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko mahanap ang dila ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang lalabas na ito sa sobrang bilis. Totoo ba ito? O nag assume lang ako?

Hindi ko namalayan na nakababa na kami at nakahiwalay na kami sa isa't isa.

"W-wala ka man lang bang sasabihin?" Utal na tanong nito. At kahit na itago nito ang kaba, ay halatang halata parin.

Muli akong napatingin sa malalaking letra na nasa ground.

"Haay! Alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga ganito at hindi din ako sweet. Pe-pero.. Aish. Nakainis! Mas nakakaba pa ito kesa sa kanina!" Naiinis na na turan nito.

Gusto ko na sanang tumawa. Kaya lang pinigilan ko ang sarili ko at pilit na pinaseryoso ang mukha.

"Shit. Hindi ako magaling dito. Pero Baste I just.." Tila, hindi nito maideretso ang sasabihin dahil sa kaba.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon