TWENTY FOUR

214 4 0
                                    

JAECEE

I don't know how did I manage to say those words. Maybe because of the influence of alcohol. Buti nalang, kundi nag mukha akong tanga.

Nagtitigan kaming dalawa. Yung tipong kami lang ang tao. Ngiting ngiti ako pero sa isip ko, gustong gusto ko na siyang sapukin. Naputol ang titigan namin ng biglang may pumulupot sa braso niya. Mas lalo tuloy akong napangiti. Nakita ko kasi ang pagkabigla sa mukha nito ng makita ako.

"J-Jaecee" utal na turan nito. Halata ang tensyon. Kaya naman mas lalo akong napangiti.

"Brianne" usal ko. Saka uminom ulit ng alak.

"Ah.. Upo kayo" basag ni Zen sa katahimikan. Saka lang natauhan ang dalawa. Umupo ito sa upuang nakaharap saamin ni Dani.

Kumuha ulit ako ng maiinom saka tinungga ito.

"Nakakarami kana Jaecee, tama na kaya" pigil sa akin ni Juris. Alam ko pinabantayan na naman ako ng magaling Kong kaibigan.

"Chicken" yabang ko dito. Napasandal ako sa upuan dahil sa biglang pagkahilo.

"Are you okay?" Tanong saakin ng katabi ko na tinanguan ko lang.

"I can drive you home" sabi pa nito. Nakalapat ang braso nito sa sandigan ng upuan kaya parang nakaakbay siya saakin.

"No. Kaya ko pa. Don't worry" sagot ko sa kanya. Naramdaman ko nalang na may biglang lumapat sa leeg ko. Until I realize Dani's giving me wet kisses in my neck. Napangisi naman ako.

"You look different" naputol ang paglalandian namin ng biglang nagsalita ang taong ayoko na sanang makita pa.

Umayos ako ng umupo saka sinalubong ang mga mata niya na binabalot ng dilim. Siya pa may ganang magalit?

Nginisian ko ito.

"People change. I've changed" mariing turan ko. Ngumisi rin ito saakin saka sumandal sa upuan at uminom.

"Mukha nga. Halatang halata sa itsura mo eh. Drunkard. At ano ka ngayon? MOMOL? Make out make out lang?" Giit nito. Napatawa naman ako ng sarkastiko.

"Why not? You Only Live Once di ba? So, why not make the most of it?" Pamimilosopo ko. Mas lalong naging madilim ang aura niya na tinawanan ko lang.

"Where is now your rules? You being a role model? You being perfect? Asan na ba yun?" Makahulugang tanong niya na nginisian ko na naman.

"Well, I already broke the rules. I wanted to, that's why I leave my profession. How about you? Pinanindigan mo na pala ang kalandian mo" I stated. Napatiim bagang naman ito habang ako naman ay cool lang. Yung ibang barkada naman ay tahimik lang na nakikinig sa bangayan namin.

"Why do I have this feeling na bitter ka parin? Tell me, are you still inlove with me?" Ngising tanong nito na ikinatawa ko naman dahilan ng pag tingin nila sa akin ng nagtataka.

"Hindi ka parin talaga nagbabago. You are so full of yourself. Now, you tell me, why do I have this feeling that you're acting like it was my fault? When we all know that it was yours? Sa pagkakatanda ko kasi, successful naman ang plano mo. So, ano pang pinagpuputok ng butchi mo? Unless, you're still affected? Am I the one that still inlove? O ikaw? Ay oo nga pala, hindi mo nga pala ako minahal" Mahabang pahayag ko na ikinatahimik ng paligid.

Nagsukatan kami ng tingin. Walang gustong sumuko hanggang sa si Amber na ang bumasag nun.

"Will you please leave your past behind? Kahit ngayon lang? Nandito tayo para mag enjoy hindi para pag usapan yang nakaraan ninyong kahit si Boy Abunda ay takot ungkatin! Let's just enjoy the night c'mon!" Sermon nito. Nagkibit balikat lang ako saka lumagok ulit ng alak.

Ilang sandali pa ay wala ng umimik. Hanggang sa nagulat sila ng bigla akong tumayo.

"Let's dance" baling ko kay Dani saka inilahad ang kamay ko. Wala namang pagdadalawang isip na kinuha niya ang kamay ko.

Sakto naman na ang tugtog ay Señorita nina Shawn Mendez and Camilla Cabello. Malanding sumayaw ako sa harap ni Dani. Dala na rin ng alak kaya ako nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ang ganitong mga bagay. At aminin ko man sa hindi, but I want to convert what I am feeling right now. I feel so mad and hurt.

I saw lust in Dani's eyes. Kaya naman napangisi ako. Gumiling pa ako ng gumiling. Nakahawak siya sa bewang ko habang nakaharap ako sa kanya. Ipinulupot ko naman ang kamay ko sa leeg niya. I sway my hips with full of grace. I also bite my lower lip and made an eye to eye contact. Until I feel her lips against mine. I gave her the same intensity. I already feel her hands caressing my body. Until I feel someone grab my wrist away from Dani.

This feeling I'm feeling right now is very familiar. Alam ko kung kaninong kamay ang may hawak sa akin ngayon at kinakaladkad ako palabas. Those hand. At kahit hindi ko tingnan alam ko. Kilalang kilala ko. Tumigil kami ng makarating kami sa parking area. Bumaling siya saakin at galit akong tinignan.

"What the hell do you think you're doing?!" She yelled right in front of my face. I laughed on what she said.

"Why do you care?! Sino ka ba?!" Galit na ring sigaw ko.

Nakita ko namang natigilan siya.

"Pwede ba? Don't act as if you care! Because from the very start, we both know you're not! Are you not done? May plano ka pa bang hindi ko alam? Tell me! Ano?! Sumagot ka!" Sigaw ko. Hindi ko na rin napigilan ang galit na emosyon ko. But I won't cry, I had enough. I've done enough.

"Baste, Jaecee. Stop it." Natigilan kami ng marinig namin ang malamig na tono ng boses ni Juris.

Hindi kami umimik pareho.

"Maybe you should talk when you two are sober. Not now. Jaecee, I'll take you home. You're drunk. You can't drive home" seryosong sabi nito saka ako hinawakan sa braso na agad ko din namang tinanggal.

"I'm fine Juris. I can drive. Don't worry" nakangiting turan ko. Pero umiling ito.

"No. Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo. Baste, bumalik kana sa loob" Utos nito. Wala na akong nagawa ng hinila na ako nito.

Ipinasok niya ako sa kotse niya saka kinabitan ng seatbelt. Napangiti ako.

"If you're doing this because of my friend, you don't have to" saad ko. Inistart nito ang makina bago ibinaling saakin ang tingin.

"I'm not doing this for Gigi. I'm doing this because you're my friend. I care for you" seryosong sagot nito bago nagsimulang magdrive.

Grabe, kahit pala hindi madalas magpakita ng nararamdaman ang taong 'to ay may pagpapahalaga din talaga sa mga kaibigan niya.

"Thank you" nasabi ko nalang.

Nakita kong ngumiti ito na bihira niyang gawin. Pero agad din namang napabuntong hininga saka nagsalita.

"You know we are just here if you need someone to talk to" Seryosong turan niya na focus lang sa daan ang tingin pero dama mo ang sensiridad sa boses niya.

Napatawa ako bigla na ikinatingin niya sa akin. Nakakunot ang noo nito. Pero agad din namang ibinalik ang atensyon sa daan.

"You're really in love with my friend? Aren't you?" Natatawang tanong ko. Mas lalo namang kumunot ang noo nito.

"Why is that? Why did you suddenly ask that question?" Naguguluhang tanong nito.

"Kasi para kang siya kung magsalita. You said the same words. But, thank you. I appreciate it" I sincerely said.

"I don't even know that I will fall. It's an unexpected thing that ever happened to me, but the best thing as well. Corny, yeah maybe, but that's the truth. I love her so damn much that I can't even help myself to smile whenever I think of her. You know, that's not so me. She made me show my different emotions. She's the best thing that ever happened to me" mahabang litanya nito.

Unexpected. Napangiti ako ng mapait.

"I'm happy for the both of you" yun lang at pumikit na ako.

Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagdaloy ng nakaraan.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon