FIFTY FOUR

223 6 1
                                    

JAECEE

Kanina pa ako nakatitig sa kisame. Hindi ako makatulog. Pasado alas 3 na ng madaling araw pero dilat na dilat parin ako.

Tama ba ang ginawa ko? Tama ba na nagsinungaling ako sa totoong nararamdaman ko para sa kanya? Ito naman ang gusto ko di ba? Ang tumigil na siya? Pero bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan?

Lahat ng sinabi niya sakin kagabi, lahat parang isang kutsilyong bumabaon sa puso ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya na siya parin ang mahal ko pero may kung anong pumipigil sa akin na gawin yun. Takot. Takot sa kung anong kahihinatnan. At takot sa kung paano ko haharapin ang galit niya sa kapatid ko. So I decide to just lie.

Napapikit ako saka muling tumulo ang luha sa mga mata ko.

I keep telling myself that I've made the right decision. But why does it feels wrong?

Sinubukan kong makatulog kaso wala talaga eh. Tiningnan ko muli ang oras. Alas 4 na ng madaling araw. Kaya nagpasya nalang akong lumabas.

Pagkalabas ko ng kwarto ay napatingin ako sa katabi kong kwarto. Gising parin kaya siya? Hindi din ba siya nakatulog katulad ko? Napabuntong hininga ako bago bumaba.

Nagulat ako ng mabungaran ko si Lolo na nagkakape sa kusina. Pansin ko rin na parang malungkot ito.

"Lo? Bakit ho gising na kayo?" Tanong ko dito saka ako nagtimpla ng kape ko din.

"Kukunin ko ang Baboy sa bayan. Bespiras ngayon, nakalimutan mo na?" Sagot ni lolo.

Oo nga pala. Bespiras ng Fiesta ngayon dito. Umupo ako sa tabi nito.

"Eh bakit ho ganyan yung mukha niyo?" Usisa ko.

"Nagpaalam si Baste, bumalik na siya ng Maynila" Sagot nito.

Natigilan ako. Bumalik na siya? Paano? Hindi ko akalain na babalik agad siya pagkatapos ng nangyari. Bakit agad agad?

Di ba yan ang gusto mo? Sabi ng kabilang parte ng utak ko.

Hindi ko alam pero kusa nalang akong tumayo at walang imik na naglakad patungo sa kwarto ni Baste. Tiningnan ko ang gamit niya, at bigla akong pinanghinaan ng makitang wala na ang mga ito dito.

Napaupo ako saka tahimik na umiyak. Bakit ba ako nasasaktan? Nangyari na nga ang gusto ko diba? Huminto na siya sa panggugulo sa buhay ko. Pero, ang sakit parin pala. Nakuha ang atensyon ko ng isang sobre sa ibabaw ng mesa, meron ding nakalagay na note dito.

Agad ko itong kinuha saka binasag ang note.

"Gusto ko sanang ibigay ito sayo kapag naging okay na ulit tayo. Pero, mukhang hindi na mangyayari. Kaya iniwan ko nalang, alam ko namang makikita mo ito dito. Don't worry, I didn't read it. Anyway, sorry for all the pain I have caused you. I'll forever ask for your forgiveness. Please be happy. I'll see you when I see you. And for the last time, let me say this. Iloveyou Jaecee, I always will -Baste"

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon