FORTY FOUR

187 6 0
                                    

BASTE

Naging busy ako ng nakalipas na linggo dahil sa trabaho at editing. Marami kaming inayos at pinanish. Ilang araw na rin akong walang maayos na tulog dahil lagi na kaming late umuwi. At ilang araw ko na ring hindi nakikita si Jaecee. But I'm sending her flowers everyday with note.

Nakahinga rin ako ng maluwag dahil alam ko na hindi umaaligid ngayon si Danielle dahil kaliwa't kanan ang guesting nito kasama si Brianne dahil sa nalalapit na movie. Way of promoting.

Anong oras na ng matapos kami. Pagod na pagod ako. Pero nagdesisyon akong puntahan siya. I miss her so much. I know it's already late but, I wanted to see her.

Iminaniobra ko ang sasakyan papuntang condo niya. Pagkarating ko ay agad akong umakyat. Kumatok agad ako pagkarating ko. Nakailang katok ako pero walang bumubukas. Tulog na kaya siya? Kumatok ulit ako pero wala talaga. Napabuntong hininga ako saka ngumiti. Humakbang na ako paalis pero napatigil din naman agad ng marinig ko ang pagpihit nito pabukas. Agad akong napabalik at napangiti ng malawak ng makita si Jaecee.

Mukhang galing nga talaga ito sa tulog. Gusot gusot kasi ang buhok nito pati na rin ang suot na pantulog. Kinukusot pa nito ang mga mata.

"Hi!" Masiglang bati ko. Agad na napalaki ng mata nito ng mapagtantong ako ang nasa harapan niya.

"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?!" Gulat na tanong nito.

"Papasok muna, pwede?" Nakangiting tanong ko.

"Ayoko nga. Ano namang gagawin mo dito? Umuwi kana nga. Inistorbo mo ang tulog ko" inis na turan nito saka akmang sasarhan ang pinto pero pinigilan ko ito gamit ang kanang kamay ko.

"Makikitulog ako" sagot ko saka dirediretsong pumasok at humiga sa couch.

"Hoy! Tumayo ka nga diyan! May bahay ka, dun ka matulog" Sabi nito saka ako pinagpapalo. Tsk. Heto na naman siya sa brutality niya. Kaya naman ay hinuli ko ang mga kamay nito saka ko hinigit pahiga.

Agad ko itong niyakap ng makatabi na ito saakin. Ipinaunan ko ang kaliwang kamay ko sa kanya at pinulupot sa balikat niya. Habang ang isa ko namang kamay ay ipinulupot ko sa katawan niya.

Nakapikit na ako. Pagod na pagod na talaga ako. Gusto ko ng matulog. At ngayong yakap ko siya, napakasarap sa pakiramdam kaya naman ay mas lalo akong inantok.

"Ano ba?! Get oof me!" Pagpupumiglas nito.

"Shhh.. Let's sleep. Gusto ko ng matulog. Pagod na pagod ako" sabi ko sa pagod na tono.

Hindi na ako nakarinig ng sagot galing sa kanya kaya naman ay napangiti ako.

"Goodnight Baby. Imissyou and iloveyou" Yun lang at tuluyan na akong nakatulog.

_____________________________________________

Nagising ako kinabukasan ng wala ng katabi. Kaya naman agad akong napabalikwas. Hinanap ko siya at natagpuan na nagluluto sa kusina. Napangiti ako.

"Good morning!" Masiglang bati ko dito. Tumingin lang ito saakin at walang imik na nagpatuloy ulit sa pagluluto.

She's really hot right now. Nagpalit na kasi siya ng damit. Ngayon, nakasuot na siya ng oversized black T-shirt with apron on and denim shorts shorts.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Walang lingong tanong nito.

Napanguso naman ako. Pinapalayas niya na naman ako.

"Hindi ba pwedeng kumain muna? Gutom na gutom na ko eh. Ilang araw akong walang ayos na tulog at walang maayos na kain." Nakangusong sagot ko. Sana naman kumagat siya sa paawa ko.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon