Isang maaraw na umaga.
Naglalakad habang nagda-dial sa cellphone ang isang binata nang biglang mabangga siya ng mga nagtatakbuhang may payong na babae.
Natanaw niyang ang kaklase nyang si Khen ang hinahabol na payungan ng mga babaeng iyon. Napailing na lang siya at nagpatuloy sa pag-dial.
"KUYA JERON!!" pag-gulat ni Jarin sa kambal niya
"AY PUSANG—! Ano bang ginagawa mo Jayjay?" pag-saway niya sa kapatid gamit ang nickname nito
"Kuya Jay! Huwag mo nga akong tawagin sa nickname ko!" nakasimangot na si Jarin
"Biro lang~! Bilisan na nating maglakad mayayari tayo mamaya sa first subject" hinila niya na ang kapatid sa pagtakbo
"Ay hala! Oo nga! Ayaw ko kumanta sa harap hala!" kumaripas na nga sa pagtakbo ang mag-kambal
Pagdating nila sa classroom, wala raw ang first subject teacher nila. Nagtawanan ang magkapatid habang hingal na hingal na umupo sa desk nila.
Sa di kalayuan... Isang binata ang nakangiting nakatitig kay Jarin mula pagpasok pa lang nila ng pinto.
"Psst. Huy. Psst Wan! Hoy Wan!" pagkalabit ng katabi niya sa kanya
"H-huh? Ano yun?" tulala ka nanaman dyaan ah. Dumating lang si Jarin at ang kambal niya di ka na pala nakikinig sa kuwento ko" nagpapaawang tono niyang sabi kay Wan
"Hala! Percent, sorry na! Hahaha pasensya ka na ah! Ano na nga ulit yung sinasabi mo?" nagkamot si Wan ng batok at nahihiyang ngumiti sa harap ni Percent
"Tsk, ang sabi ko samahan mo ako bukas sa mall, bibili ako ng string ng gitara ko. Napigtal ko nanaman kase eh hehe"
"Bakit mo pinigtal nanaman? Ang ligalig mo atang magstram kaya nasisira!"
"Hoy hindi ah! Kasalanan ko bang sumasabit sa daliri ko yung string, sumasama sa akin hahaha"
"O baka di ka pa sanay mag gitara kase mas kilala ng daliri mo ang keyboards, piano ganun"
"Hindi ako titigil mag-aral ng gitara!" masayang sambit ni Percent
"Kung may tanong ka, andito lang ako ah, ako nagtulak sayo pag-aralan yun eh hahahahaha"
Lumipas ang unang subject na walang ginawa ang klase nila kundi ang magdaldalan
