Jeron's POV
"Wan... hindi na muna kami sasabay ni Jeron sa inyo ah!" nadinig kong nabanggit ni Percent ang pangalan ko kaya napalingon ako sa kanila ni Wan
"Bakit? Saan kayo pupunta?" tanong ni Wan
"Sa bahay! Ipapakilala ko siya kay Lola Paz eh" paliwanag ni Percent, nakalapit na kami ni Jarin sa kanilang dalawa
"Para saan?" tanong ko, biglaan ata ito ah
"Ah! Oo! Tama! Sinabi sa akin kagabi ni Percent... hehehe nakalimutan ko palang sabihin sayo, Kuya!" kapatid ko talaga toh, walang duda
"...ayos lang ba sayo... Jeron?" parang napahiya si Percent sa akin at kay Wan, aww yung tingin niya :<
"Walang problema. Wala naman tayong mga homeworks so, game ako!" hoy totoong masaya akong pupunta ako sa bahay nina Percent para i-meet ang Lola nya ah!
Pero parang biglaan talaga, bakit kaya? Ako? Ipapakilala? Hayy Jarin kasalanan mo ito eh! Hindi man lang ako nakapaghanda ng dadalhin para sa lola ni Percent huhu TuT
"Sure ba yan?" natatawa ako sa itsura ni Percent, para syang naluluge tignan hahaha
"Oo nga! Tara na!"
Bago kami maghiwalay ng kapatid ko, ipinagkatiwala ko siya kay Wan. Nagbilin ako ng kung ano ano, syempre ako ang mas nakakatanda responsibilidad ko pa rin ang kapatid ko lalo na't babae siya. Hindi nyo maalis sa akin na mag aalala pa din kahit kilala ko naman na si Wan, eh paano yung mga tao sa paligid nila, diba? Kailangan pa rin nilang paalalahanan na mag ingat.
Nasa bus na kami ni Percent ngayon, katabi ko siya yieeee hahahaha
"Bakit ang tahimik mo?" tanong ko, yakap yakap niya yung bag niya, andito naman ako :<
"Nahihiya ako sayo..." hindi niya ako tinitignan
"Bakit ka nahihiya?" ang cute nya hehe
"Hindi ko alam... basta nahihiya ako..." aww hala gusto ko siyang yakapin ><
"Hala uy Percent, ayos lang naman sa akin eh. Nagtataka lang ako, bakit mo ako ipapakilala sa Lola mo? I mean, bakit ako lang? Hindi kasama sina—"
"Si Mama kase eh! Tumawag pala tapos nikuwento ka ata kay Lola tapos tinanong ako ni Lola kagabi kung 'sino si Jeron?', tapos nagpupumilit kaninang umaga na 'dapat pag-uwi mo kasama mo yung Jeron ah!'... hindi ko naman mahindian si Lola...kaya nahihiya ako sayo na bigla kitang hinahatak papuntang bahay..." ang bilis niyang magsalita at para nanaman siyang batang nagta-tantrums hahaha ang cute lang
Isa sa mga rason bakit ko siya nagustuhan eh yieeee
"Nikuwento ng... Mama mo?... so ibig sabihin alam na ni Mrs. Azense...na?..."
"Uhum... Inamin ko kay Mama lahat..." wow, ang cool talaga ng Mama ni Percent, gusto ko siya maging Mama talaga yieeee
"Ahh... Anong sabi ng Mama mo... about sa akin...?" hindi pa din ako tinitignan ni Percent
Tahimik lang siya at humihigpit ang yakap niya sa bag niya.
"Andito na tayo..." bigla niyang sabi sabay tumayo na siya, sumunod na rin ako
Pagkababa namin, naglalakad naman na kami ngayon. Yakap niya pa din yung bag niya tapos tahimik lang siya. Ako, nasa tabi niya lang naghihintay pa rin ng sagot
"...akala ko hindi ako tatanggapin ni Mama" bigla siyang nagsalita,"Sabi niya, huwag ko raw sabihin na kaabnormalan yung nararamdaman ko, na kakaiba ako... Huwag ko raw maliitin ang tingin ko sa sarili ko, siya ang unang taong mamahalin ako ng buong buo kung ano man ako..." tapos napatigil siya sa paglalakad at tinignan ako,"...kung ikaw ang pangalawang tatanggap sa akin, tatanggapin ka rin ni Mama... tatanggapin...t-tayo..."
Ngumiti lang muna ako. Namumula kase si Percent, ang cute!!!!
"Sabi ko gusto kita, diba? Meaning din nun na, tanggap kita..." tinitigan ko ang nangungusap niyang mga mata, kinikilig ako hahaha,"... matagal na kitang gusto... matagal na kitang natanggap. Ngayon, naghihintay na lang ako kung magugustuhan mo rin ba ako at matatanggap..."
Napangiti ko na rin sa wakas si Percent!!!
"T-tara na nga!!" yiee kinikilig din ata si Percent hehe tamang iwas lang yieee
Nakarating na ata kami. Ang cute rin ng bahay nina Percent ah! May mini garden sila sa harap ng bahay tapos sa pagitan yung daanan para makarating sa pintong kinatatayuan namin ngayon
"Andito na po kami~" binuksan na ni Percent ang pinto at pumasok na kami
Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay, ang saya tumira dito, hindi siya ganun ka-tradional, hindi rin siya ganun ka-modern. Saktong sakto para sa isang may edad at binatang nakatira rito.
"Anak! Andito na kayo!!" masayang sinalubong kami ng lola na siguro ito ni Percent
Niyakap niya si Percent at hinalikan sa pisngi.
"Aba? May kasama ka ata? Siya ba si..." lumipat sa akin at kay Percent ang tingin ng lola niya
Tumango lang si Percent.
"Jeron~! Hello sa'yo anak!" lumapit ito sa akin at niyakap rin ako, isang mainit na pagtanggap na yakap,"Aba'y napaka-guwapong bata!" nasa dalawang pisngi ko ang palad ng Lola ni Percent
"Ay... Ha ha ha s-salamat po—"
"Mama Paz. Tawagin mo akong Mama Paz, okay?" sabay pisil sa pisngi ko,"Maupo muna kayo dyaan sa salas at maghintay lang saglit ah? Malapit na rin matapos itong niluluto ko..." tinapik kami at muling bumalik na nga sa kusina si Mama Paz
"P-pasensya ka na kay Lola ah—"
"Uy hindi! Nakakatuwa ang Lola mo! Kaugali ng Mama mo, kaugali mo ganun hahaha goodvibes lang" kumento ko, totoo naman kase,"Akala ko magtataka siya na...alam mo na... kase lala—"
"Lalaki ka? Sabi mo nga mag-kakaugali kaming tatlo... tinitignan lahat nila Mama at Lola ang mga bagay sa magandang pananaw..." naka-upo na kaming magkatabi sa sofa nila
"Hindi ako nagkamali sa'yo..." ngumisi ako
"Parang ano toh si Jeron..." umiwas ng tingin si Percent sa akin, ako tinitigan ko pa siya
"Napaka-positive mong tao... kahit hindi mo pa ako nakakausap noon, kung paano ko naobserbahan ang ugali mo kahit sa malayo, ang mga nakikita ko ngayon sa malapitan, walang nagbago..."
Napangiti ko ulit siya! Yehey!!
"Kung sa ganito mo ako nagustuhan, sana hindi yan magbabago kung malalaman mo na may negative sides pa rin ako..."
"Alam ko yun! Ako rin man. Marami rin akong negativities pero..."sa unang pagkakataon, hinawakan ko ang kamay niya, yieeeee,"...pero alam kong nasa tabi na kita ngayon, nawawala na lahat ng iyon kapag kasama kita. Kahit makita lang kita hahaha nakakahiya mang aminin pero totoo..." ang laki ng ngiti ko, ayieeee
"Salamat, Jeron...", teka hinahawakan niya na rin ang kamay ko yieeee,"...maliban kay Mama at Lola, ikaw pa lang ang nakakapagsabi ng ganyan sakin! Yung tanggap yung mga kalokohan ko sa buhay hahaha"
"Salamat din... maliban kay Jarin, isa ka sa happy pill ko eh! Hahaha kaya gusto na kitang angkinin para lagi akong masaya~!" para na kaming bata
Pero ah! Natutuwa ako sa pagkakataong ito kase mas nasabi ko yung mga nararamdaman ko kay Percent.
Kung makikita nyo yung mukha niya habang nagsasalita ako, parang hindi siya naniniwala, na parang hinihila niya ang sarili niya sa paniniwalang hindi siya matatanggap ng ibang tao.
Alam kong masiyahing tao si Percent pero kitang kita ko rin sa mga mata niya kung paano niya tinatago ang mga takot niya. Iyon ang gusto kong baguhin sa kanya.
Yung tipo na inoobserbahan ko lang siya noon. Nakuha niya ang atensyon ko hanggang sa di ko namalayan na na nahulog na pala ang loob ka napaka-cute na tulad niya. Tapos ito gusto kong iparamdam na may halaga siya, na mahalaga siya.
Maganda ang pananaw niya sa iba pero sa sarili niya hindi? Ako ang babago nun. Kase binago niya rin ako.
Gusto kong makita niya ang tunay na ganda ng mundo. Kung gaano iyon kasaya. Gusto ko, kasama niya akong masaksihan yun, dahil ako, nasasaksihan ko na, basta't nasa piling niya.
Pagkaraan ng ilang minuto ay tinawag na rin kami ni Mama Paz para maghapunan.