Chapter 9

23 8 7
                                    

Sa gym court ng school. Kakatapos lang ng P.E class, nag papahinga ang iba sa audience seat samantalang si Cashmere ay naglalaro ng basketball mag-isa.

"Bakit nakatingin ka? Gusto mo akong makalaban? Tara 1v1" paghamon niya kay Khen na walang kibo sa kanya

"Ako!" napalingon si Cashmere sa papalapit na si Wan hila-hila ang kaibigang si Percent, "Maglalaro kami"

"Ha? Wan! Ano ka ba! Hindi ako marunong! Di naman kita nakitang naglalaro dati ng basketball ah?" pagmamaktol ni Percent sa kaibigan

"Ohhh~ di talaga kayo naghihiwalay, ano? Bagay talaga kayo, 'Wan,Percent couple' achuchu~" pangungutya ni Cashmere sa kanila

"Anong couple?!! Magkaibigan lang kami—"

"Sasali na rin ako" pag-sapaw ni Khen kay Wan at tumayo sa tabi ni Cashmere

"TEKAAA!!! SALI DIN AKO!!" patakbong sigaw ni Jeron sa apat

"Tss, kayong tatlo, kami ni Khen ang magkakampi—" -

"Percent, kayo ang magkakampi ni Cashmere, kaming tatlo nina Wan at Jeron..." pagputol ni Khen kay Cashmere sabay agaw sa hawak nitong bola

"A-ano?" di makapaniwalang tanong ni Cashmere kay Khen

"Ano? Natatakot ka?" walang emosyong hamon ni Khen

"Sige lang, hindi ako natatakot!" pumwesto na si Cashmere at ang kalabang koponan

Ang ilang babaeng kaklase nila ay nagkainterest na manood sa laban nila

Ang fangirls ni Khen ay nanguna sa pag-cheer para sa kanya. Si Jarin naman para sa kuya niya, at ilang kaibigan para kina Wan at Percent.

"T-teka lang... H-hindi ko alam ang gagawin ko hala..." nataranta si Percent sa di malamang gagawin

"Harangan mo na lang sila, ako na ang bahala sa lahat" utos ni Cashmere kay Percent

"O-okay?" di siguradong pumwesto na rin si Percent

Pinasa ni Khen ang bola kay Wan, sabay na humarang si Cashmere at Percent kay Wan kaya nagkabanggaan sila. Pinasa naman agad ni Wan ang bola kay Jeron sabay shoot. Ang unang puntos, sa koponan nina Khen.

"Bakit mo ako hinarangan?" sigaw ni Cashmere kay Percent

"S-sabi mo harangan eh..." malungkot na sambit ni Percent

"Hindi ako ang haharangan mo!"

Lumipas pa lang ang ilang minuto ay nakapuntos na ng sampu ang grupo nina Wan, isa lang naman ang lamang sa puntos nina Cashmere.

Di maiwasan ni Jarin na magnakaw ng tingin kay Cashmere sa tuwing magshu-shoot ito ng bola sa ring.

Hindi niya alam, nahuhuli siya ni Wan dahil sumusulyap rin ito kay Jarin. Patago namang nalulungkot si Percent sa tuwing nasasaksihan rin niya ang pagsunggap ng tingin ni Wan kay Jarin. Samantalang mas nasasaksihan ni Khen ang mga lihim na pangyayaring naglalaro sa harap niya.

Si Cashmere ang laging nakakapuntos dahil ni hindi man lang mahawakan ni Percent ang bola kahit dampi man lang sa dulo ng daliri nito.

Si Jeron ang may hawak ng bola ngayon at si Percent ang malapit sa kanya, agad siyang hinarang nito.

"Agawin mo, dali" bulong ni Jeron kay Percent

"H-ha? P-paano?" bumulong din si Percent

"Ibibigay ko sayo itong bola, huwag kang magpapahalata ah, tapos sabay shoot agad, okay?" ngumiti si Jeron

Kahit naguguluhan ay sinubukang agawin ni Percent ang bola kay Jeron, mabilis na napasakamay niya rin agad ang bola. Nang susubukan na ni Percent na ishoot ang bola sa ring ay sinangga siya ni Cashmere at inagaw ang bola. Saktong pagshoot niya ay napa-upo si Percent sa sahig.

Agad na umalalay si Jeron kay Percent sa pagtayo.

"Ayos ka lang, Percent?" nag-aalalang tanong ni Jeron kay Percent, ngumiti pa nga itong tumango kay Jeron

"Ang bobo mo naman mag-laro, Cashmere!" sigaw ni Wan habang papalapit sa kanya," Kakampi mo si Percent, 'diba? Bakit mo inagaw at binangga—"

"Mas bobo ka, Wan... Alam mong hindi marunong maglaro yang kaibigan mo, pinasali mo pa" sigaw rin ni Cashmere sa mukha ni Wan

"Kaya nga pinasali kahit hindi marunong, laro lang yan, masyado mong sineryoso"

Namuo ang kamao ni Cashmere. Nagtimpi siya at hindi na lang kumibo. Padabog niyang nilisan ang court.

"Wan, ayos lang naman ako... Bakit ka pa nakipag-sagutan dun kay Cashmere? Mapapaaway ka pa dahil sa akin..." halata sa tono ni Percent ang pagkadismaya sa sarili,"Tama naman kase siya, hindi ako marunong pero sumali pa ako—"

"Kasalanan ko, kase ako ang pumilit sayo na sumali..."ngayon ay mahinahon na si Wan

"Ako ang may kasalanan... Kase sinadya kong ibigay talaga sa kanya ang bola. Gusto ko lang naman na maka-shoot din si Percent kahit papano, hindi ko naman inasahan na—"

"Ako ang may kasalanan..." pagputol ni Khen sa kanila,"Ako ang nagkampi kay Percent kay Cashmere, 'diba? Sorry. Ako na rin ng hihingi ng pasensya para kay Cashmere..." dagdag nito at nilisan na rin ang court

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon