Uwian, nagpasyang bumili na sina Percent at Wan sa mall ng guitar string.
"Mabuti ka pa Percent! Tapos na kayo! Yung amin may deduction na kase bukas pa mapapasa huhu bakit ba kase yung mainiting ulo na Cashmere pa ang naipartner sa akin, wala nga siyang tinutulong tapos tignan mo ngayon, tinakasan pa ako" pagrereklamo ni Wan
"Ang weird na masayang kapartner nga si Jeron eh, pantay lang ang naambag namin sa research. Ang daldal pala talaga niya noh? Kahit di kami ganun kaclose hindi naman ako na-awkwardan sa kanya, nakakarelate ako. Habang gumagawa kami nag-uusap din kami, ang dami naming napag-usapan hahaha" masayang kuwento ni Percent
"Nang-aasar ka ba? Nang iinggit ka ba? Ilang oras ka lang napadikit dun kay Jeron sya na bukambibig mo, kinalimutan mo na ako, kaibigan mo" hindi na lang kumibo si Percent
Nalungkot siya. Hindi dahil sa sinabi ni Wan na ginawa niya, kundi sa sinabi ni Wan na apektado ang personal na nararamdaman niya, nararamdaman niya para kay Wan.
Sa kabilang bahagi ng mall, masayang naglilibot ang magkambal. Nagkukuwentuhan sa mga nangyari sa araw nila
"Salamat talaga Jarin ah, ang saya saya ko na nakausap ko na rin sa wakas ng ganun katagal si Percent, paano kase lagi na lang siya buntot ng buntot doon sa kaibigan niyang si Wan" pagsasalaysay ni Jeron habang naka-akbay sa kapatid
"Tss, walang ano man yun kuya basta ikaw. Support kita kay Percent kase nakikita ko naman na mabait at masipag siyang mag-aral eh, at isa pa, masayang masaya ka ohh~" pangungutya ni Jarin
"Hayaan mo, babawi ako sayo, akong bahala pag may pagkakataon, itutulak naman kita kay Cashmere!"
"Ha? Sinong nagsabi sayo na gusto ko si Cashmere? Ang init init lagi ng ulo nun! Lagi ko ngang inaaway yun eh! Ang tamad tamad pa sus!"
"HmMmm nako Jayjay, the more you hate the more you like nakooo"
"Ewan ko sayo kuya! Basta ang akin lang ililibre mo ako ngayon!"
"Kapatid kita Jayjay, kilala kita at oo di ako nakakalimot sa usapan at pangako pero..."
"Pero ano, kuya?"
"Mauna ka nang pumunta sa ice cream store, tinatawag ako ng kalikasan eh hahaha tawagan na lang kita at sabihin mo kung nasan ka ah!" di na nakapagsalita si Jarin dahil nakatakbo na papalayo si Jeron sa kanya
Pumasok muna si Jarin sa isang antique shop at tinignan ang mga gamit na naroon. Manghang-mangha pa siyang makita ang iba.
Nakarinig si Jarin ng boses na nagagalit, pinapagalitan ang isang empleyado. Lumapit siya dahil pamilyar sa kanya ang taong pinapagalitan.
"Late ka nanaman? Kung hindi ka aabsent, late. Ako ba niloloko mo Cashmere ha? Alam kong malakas kang makabenta pag ikaw ang nagbabantay rito ah pero napupuno na ako sa iyo!" sermon ng may-ari ng shop
"Iisang rason lang naman ang sasabihin ko ulit sayo eh" halata sa tono ng pananalita ni Cashmere ang pagka-angas
"Aba sumasagot ka na!"
"Galing nga akong school. Nag-aaral ako. Pumapasok akong eskwelahan. Hindi mo ba nakikita itong suot kong uniporme? Kakarating ko lang, bakit hindi mo na lang ako pag-trabahuhin? Hindi yung—" napatigil si Cashmere dahil nasampal siya ng may-ari
"S-sir!! Sandali! Mali naman po atang manakit kayo ng estudyante oh! Nasa mall pa po kayo oh. Di po ba nakakahiya sa mga mamimili niyo. Pwede kayong kasuhan nyan!" sumali na sa usapan si jarin
"Sino ka ba? Wala kang paki-alam—"
"Kaklase nya ako, Sir. Nananakit kayo ng estudyante, pwede kayong kasuhan ng school namin at wala kang takas kase ako ang witness" tinarayan ni Jarin ang may-ari ng shop sabay hila sa braso ni Cashmere palabas roon
![](https://img.wattpad.com/cover/190568528-288-k272923.jpg)