"Can I say no, Mom?" iritableng pagsagot ni Khen
"Why? Engaged naman na kayo ah, papatagalin nyo pa ba ang pagpapakasal nyo?" tugon rin agad ng Mom ni Khen
"Kase ano... I'm not ready to marry her-"
"Dahil dun sa Cashmere na yun, ha? Don't tell me nag-uusap pa din kayo?"
"You two made a deal, right?"
"I don't care-"
"Then I must insist na hindi ko papakasalan si Wriz-"
"How can you disobey your own mother?"
"Because your against my own free will, Mom. It is my right to love someone who ever I want, you're not the one who can decide it, please... anak mo ako, can you just let us do whatever we want-"
"Khen, stop it! You don't know that I'm doing this for your own good? Can't you see na it is the only way to save our business-"
"F*ck that business! You're my Mom but why are you so damn close minded? Masyado mong minamaliit si Cashmere, you don't know what he can do" nagpipigil sa galit si Khen
"What ever you say, ANAK... you can't change my mind so stop the relationship with that gay" yun na ang huling mga nasabi ng Mom ni Khen bago na tuluyang umalis
'T*ngina' yun na lang din ang nasabi ni Khen sa isipan niya, mahal niya ang Mom niya pero hindi niya matanggap na hindi sila matanggap nito
Dumaan ang finals, at huling araw ng klase. Hindi umuwi ng bahay nila si Khen, dumiretso siyang apartment ni Cashmere, gusto niyang makausap ang kasintahan.
"Oh? Bakit ka nandito?" halatang nagulat si Cashmere sa pagdalaw ni Khen
Hindi na nagsalita si Khen basta pumasok na lang siya agad.
"Miss mo ako agad?" nagsimula nanamang mang-asar si Cashmere
"Ayaw ko sa bahay, pwede bang dito muna ako?" sabi ni Khen sabay hilata sa sofa
"Bakit? Anong meron?"
"Huwag ka na masyadong matanong, okay?" tapos sinubukan niyang pumikit
"Tsk" walang magawa si Cashmere, pumunta na siya sa kuwarto niya at nag-bihis na lang
Pagkaraan ng ilang minuto, naalimpungatan si Khen, nakatulog pala siya. Pagbangon niya, nagtataka siya kung bakit tahimik, hindi niya makita si Cashmere. Ramdam niyang wala siyang kasama.
"Nasaan kaya pumunta yung kupal na yun..."
Kung ano ano na ang ginawa ni Khen sa sobrang pagkabagot niya, hindi niya rin ma-contact si Cashmere. Nag-ikot ikot na siya sa buong apartment ni Cashmere, nanood ng tv, naglaro sa phone niya. Hindi niya namalayan na madilim na pala sa labas.
"Putek uuwi na lang ako-" hawak niya na ang doorknob ng pinto, at handa na siyang buksan sana ito kaso...
"Saan ka pupunta?" naunahan na siya ni Cashmere, kakadating lang
"Ikaw? Saan ka galing?" halata sa tono ni Khen na galit siya
"Oi kalma ka lang, nag-asikaso lang ako ng mga papeles ko, ito naman galit agad, sabibin mo na lang na miss mo ako sus, Khen..." nasa loob na ulit sila
"Nakakainis ka!" akmang bubuksan ulit ni Khen ang pinto kaso napigilan siya ulit ni Cashmere
"Ano bang problema mo?" kalmadong tanong ni Cashmere sa kasintahan
"Ikaw! Problema kita!" tapos hinalikan niya si Cashmere
Sumagot rin agad si Cashmere sa mga halik ni Khen.
"Ayaw kitang umalis..." bulong ni Khen tapos niyakap niya si Cashmere
"Ano bang problema talaga?"
"Natatakot ako, feeling ko hindi susunod si Mom sa usapan niyo eh. Isama mo na lang ako, Cashmere ayaw kitang umalis eh" mas lalong humigpit ang yakap ni Khen
"I have to do this, ako susunod ako sa usapan namin, well kung hindi susunod ang Mom mo mapipilitan akong itanan ka niyan hahaha"
"Baliw..."
After two weeks, tumuloy na si Cashmere sa Canada. Kahit alam nilang mahirap ang ginagawa nila, they did. Parang walang kinakatakot ang dalawang ito, halos lahat ng paraan at sakripisyo, gagawin na nila, para sa inaasahang matatanggap din sila.
"T-talaga?!!" nanlaki ang mga mata ni Percent at Jeron
"Uhum, umalis na siya nitong sabado lang hahaha" ngumiti si Khen sa dalawa
"Bakit hindi mo naman sa amin sinabi? Edi sana andun din kami para ihatid si Cashmere sa airport..." malungkot na pagkasabi ni Percent
"Si Cashmere ang may ayaw na sabihin ko sa inyo. Gusto niya yung oras na yun raw eh para sa aming dalawa lang, baliw talaga yun pasensya na ah" paliwanag ni Khen
"Naiintindihan ko yung point ni Cashmere, kaya huwag ka na malungkot diyan Percent. Sabay sabay na lang nating sunduin si Cashmere pag-uuwi na siya ulit dito!" pagsalo din ni Jeron kay Khen
"Okay okaaaay~! Basta andito lang kami ni Jeron para sa'yo, Khen ah. Tsaka.. mUy sabay sabay tayo sa enrollan!!" masaya na ulit si Percent
"Oo ba" ngumiti rin si Khen
"Ayos lang yan Khen, hindi ka namin pababayaan yay!" masaya sila, sobra
Ang summer break, ay simula na!
----------
Yey napalayas ko din si Cashmere!
BWAHAHAHAHAHA! Sorry Khen!
