Nasa rooftop ngayon si Khen, nagpapahangin. Nakasalpak ang earphones at nakikinig ng mahinahong kanta.
Inaalala ang mga naobserbahan niyang nangyari kanina. Maya-maya pa ay may apat na babaeng lumapit sa kanya, inabutan siya ng kulay asul na lunchbox.
Walang emosyong tinignan lang ito ni Khen at agad na tumayo sa kinauupuan. Bumaba na siya sa rooftop .
"Kawawa naman kayo" natatawang sabi ni Cashmere sa apat na babae. Naroon lang din kanina pa si Cashmere, hindi lang niya pinakita ang sarili kay Khen kanina.
"Tss, naiinggit ka lang dahil walang nagbibigay sa'yo ng ganito" pagtataray ng pinaka-matangkad sa kanila,"Tara na nga" bumaba na rin ang mga babae at naiwan si Cashmere na nakangiti lang pero halatang naasar din siya
"Tama lang naman talaga na tanggihan kayo ni Khen eh, tss" kinapa ni Cashmere ang phone niya at sinubukang tawagan si Khen
"......" sinagot ni Khen ang tawag pero hindi siya nagsasalita sa kabilang linya
"Nasaan ka na?"
"....."
"Aish! Khen! Sinagot mo pero di ka rin magsasalita? Nasaan ka na nga? Uuwi ka na ba?" ilang segundo ang lumipas
"Uhum" tanging tugon lamang ni Khen at binaba na ang tawag
Ngumiti lang si Cashmere at tumakbo pababa ng rooftop.
Sa kabilang banda, kakatapos lang magpalit ni Jarin ng PE uniform, hinihintay siya ng kapatid niya sa labas ng restroom ng mga babae
"Himala kuya ah, hinihintay mo na ako ah~" bungad ni Jarin paglabas niya
"May kailangan lang akong sabihin sayo" binitbit ni Jeron ang bag ng kambal niya at nagsimula na rin silang maglakad palabas ng campus
"Ano ba iyon kuya?"
"Kanina habang naglalaro kami ang weird ni Khen pala talaga, tapos parang close sila ni Cashmere"
"Hindi ko naman napapansin na nag-uusap o nakikitang magkasama ang dalawa ah"
"Oo nga eh, nagulat lang ako kanina. Gustong kakampi ni Cashmere si Khen, tapos si Percent ang pinakampi naman ni Khen"
"Ohhh, baka dati magkakaibigan talaga sila..."
"Tapos naging magka-away kaya 'di na nagpapansinan?"
"Siguro nga, Kuya... Ano naman kayang dahilan bakit sila nag-away?"
"Hindi ko alam hahaha. Pero may napansin rin ako kay Wan, nagulat din ako nang biglang sinigawan niya si Cashmere, first time ko lang makita na parang galit si Wan"
"Ay kuya naalala mo ba yung sinabi sa akin ni Cashmere at sabi mo rin noong nakaraang araw sa park?" pagbago ni Jarin sa usapan
"Ahh.. oo, yung tungkol kay Wan?"
"Habang nakatingin ako kay Cashmere, napapansin ko rin na parang nakatingin siya sa akin, Kuya..."
"Yieeee, parang mas boto na ako kay Wan hahahaha" humalakhak si Jeron
"Anong 'mas'? Bakit? Kanino ka ba boto noong una para sa akin?"
"Kay Cashmere—"
"Hoy kuya! Wala akong gusto sabi kay Cashmere eh!" hinampas niya sa braso si Jeron
"Asus, kanina, sayo na mismo galing na 'nakatingin ka kay Cashmere', nako Jarin"
"Sus, bahala ka nga dyan kuya! Nacu-curious lang nga ako sa kanya, kase ang weird din niya. Mainitin yung ulo ganun hahaha"
"Sus, sabi mo eh. Pero teka ah, balik tayo kay Wan... Paano pag umamin siya sayo?"
"Ha? Wews si kuya paasa, hindi ka pa nga sigurado eh"
"Paano nga lang eh!"
"Ewan ko... Mukha naman siyang matino? Okay naman siya? May itsura? Ayos lang"
"Gusto mo kilalanin?"
"Ha? B-bakit naman?"
"Haist, oh sige ganito na lang, ako unang kikilos para maka-close natin si Wan ah—"
"Para mapalapit ka lang rin kay Percent eh, ayiee nako kuya ah"
"... Oh atleast isa ka rin sa magbebenifit doon hahaha"
"Paano naman,aber?"
"Una, magkakaroon tayo ng bagong kaibigan. Pangalawa, ayun nga, mapapalapit ako kay Percent hehe at pangatlo, malalaman natin kung gusto ka nga ni Wan o hindi—"
"Oh paano pag hindi?"
"Edi kay Cashmere ka na lang talaga hahahaha" humalakhak nanaman si Jeron
"Dami mong alam na kalokohan, Kuya!" natatawa na lang rin si Jarin sa Kuya niya
Maya-maya ay nakatanggap siya ng message mula kay Khen.