Sa loob ng Van, nakasakay na ang kambal sa bandang likuran ng passenger's seat na inuupuan ni Percent, nasa driver's seat naman si Wan at oo siya ang driver nila ngayon at oo marunong at may lisensya na siya para mag-drive.
"Yehey!! Andito na sina Khen!" masayang pagdidiwang ni Jeron, oo, sina Cashmere at Khen na lang kase ang hinihintay
"Bakit parang late ata kayo?" sumilip sa likod mula sa harap si Percent sa kasasakay pa lang na sina Cashmere at Khen
Tumingin si Khen sa wrist watch niya at pinakita ang oras kay Percent,"Saktong sakto ang dating namin, 7 o'clock..." ngumiti si Khen
"Whoa~! Oo nga ano!" parang bata na namangha si Percent
"At isa pa, hinding hindi ako nalelate..." pagsingit ni Cashmere sa dalawa
"Nalate ka nung final exam ah!" pagsali rin ni Jeron
"Oops! Hindi pa kayo nagsisimula nun diba? Kaya hindi pa nun 8 o'clock..." mayabang na pagtatama ni Cashmere kay Jeron.
Tama naman talaga si Cashmere, hindi siya late nun. 8 o'clock ang oras ng simula ng test at kung natatandaan niyo ay naghihintay pa sila ng ilang minuto bago magsimula diba?
Nagsimula na ang byahe na may asaran sa pagitan nila. May patagong paglalambing si Cashmere sa katabing si Khen. May palihim na pagsulyap si Wan mula sa driver's seat kay Jarin na nasa likod lang niya. Si Jeron, hindi halata ring pinapanood lang ang tulog na si Percent na nasa harapan niya.
Sa kalagitnaan ng byahe, tanghali na rin kaya naisipan nila na tumigil muna sa isang gas station para mag-restroom at bumili ng makakain.
Naiwan si Wan at Cashmere sa sasakyan.
"Huwag kang mag-alala Wan... wala akong gusto kay Jarin. Kung gusto mo siya, sayong sayo na siya..." pagbasag ni Cashmere sa katahimikan sa pagitan nila
Lumingon naman agad si Wan kay Cashmere na nasa likuran ng driver's seat, "T-teka ano?"
"At... kung gusto mong sumaya si Jarin sa'yo, sana maging masaya ka rin sa taong magugustuhan ng kaibigan mo..." pagpapatuloy ni Cashmere sa sinasabi habang seryoso na kinakausap si Wan
"Si Percent? Paano mo nalaman na may nagugustohan siya?"
"Ang sabi ko MAgugustuhan, kase sa nakikita ko, walang wala siyang pag-asa sa taong gusto niya ngayon eh... nakakalungkot naman yun kung hindi ka magiging masaya at kung hindi mo siya susuportahan diba?"
"Hindi kita maintindihan, Cashmere..."
"Antayin mo na lang na may aminin sa'yo mismo ang kaibigan mo... kawawa naman si Percent, hindi mo pa pala siya lubos na kilala..." sabay na dumating na ang apat na may dalang ilang makakain, agad umayos naman ng upo sina Wan at Cashmere na parang walang nangyari
Hapon na at hindi na gaanong matirik ang araw nang dumating na rin sila sa wakas sa bayan kung saan nagmula si Percent...
Sumalubong sa kanila ang napakasariwang hangin na humahampas sa dalampasigan ng dagat.
Pagka-park ni Wan sa tabi ng isang di kalakihan pero di rin kaliitang kubo ay nag-kanya kanya na silang bitbit ng mga kanya kanyang gamit.
"Mama! Nandito na po kami!" magalang na bumati kay Mrs. Azense habang papasok ang lahat sa napakasimpleng bahay nina Percent
Kahit mukhang masikip sa salas nila ay nagkasya naman silang lahat pati ang mga gamit nito.
"Sila ba ang mga kaibigan mo? Pasensya na kayo at munti lang ang aming tahanan ah..." nahihiyang pagkamusta rin ng mama ni Percent sa kanila
"Opo Mama, pinilit po nila ako na pasamahin sila dito nung malaman nila na may dagat" natatawang pagbunyag ni Percent
"Ganun ba anak? Hindi naman bawal na sumama sila, nagulat ako na ang dami pala nilang darating. Ahh pwede muna kayong mamasyal sa tabing dagat mga anak habang aayusin ko muna ang kuwarto niyo at ang makakain natin ah~! Percent, samahan mo sila!" pagtataboy ni Mrs.Azense sa anak at mga kaibigan nito
Walang magawa ang anim kundi ang muling lumabas ng tahanan.
"Ahh... pasensya na sa bahay namin ah..." halata sa boses ni Percent na malungkot at nahihiya siya
"Hala Percent hindi~! Tahimik lang kami kase natutuwa pa nga kami sa bahay niyo eh! Tapos ang cute nyo ring panoorin ni Mrs. Azense..." pag-amin ni Jarin
"Kamukha mo ang mom mo..." pagdagdag ni Khen
"Ah! Ahh... Hehe salamat... Tara doon tayo oh! Ang ganda ng view doon ng sunset!" hinila niya sina Jarin at Wan
"Percent! Sa kabilang banda kami ni Khen ah!" hinila na rin agad ni Cashmere si Khen at nakalayo na
"Ah? Bakit? Saan kayo?" naiwan na silang nagtataka roon, nagpatuloy na lang nga silang puntahan ang sinasabing spot ni Percent
"Close ba talaga si Khen at Cashmere?" tanong ni Jeron sa lahat
"Hindi ko alam..." mahinang sagot ni Jarin
"Nakakatuwang nagkakaroon na ng kaibigan si Khen... pati ako nakakausap ko na siya..." sagot naman ni Percent
"Pasaway lang rin talaga si Cashmere..." dagdag ni Wan
Pagkarating nila ay inabangan na nila ang sunset habang nag-uusap tungkol sa dalawang nahiwalay.
Sa kabilang banda naman... Nakaupo sa buhangin sina Khen at Cashmere, pinapanood rin ang papalubog na araw.
"Ito ang una kong mapanood ang sunset na kasama ka..." sambit ni Cashmere
"Hindi ka ba nag-aalala sa iisipin nila dahil humiwalay tayo sa kanila?" tanong naman ni Khen
"Wala akong paki-alam... Basta ang mahalaga sa akin, kasama kita, ngayon, dito..."
"May iba ka pang binabalak, tama ba ako?"
"Pasasalamat ko lang rin itong mga gagawin ko kay Percent..."
"Kailan ka pa nagkaroon ng utang na loob sa kanya?"
"Kase... kung hindi dahil sa kanya... hindi mo sasabihin yun, hindi ko pa maririnig ang mga salitang yun mula sayo...hindi ko malalaman" sumandal si Cashmere sa balikat ni Khen
"Cashmere..." inaalis niya ang ulo ng binata sa balikat niya
"Kung hindi dahil sa kanya hindi ko malalaman na gusto mo rin ako..." napatigil si Khen sa pagtulak dahil dito
"Paano mo naman susuklian ang utang na loob mo sa kanya?..." mahinahong tanong ni Khen
"Hindi matatapos itong bakasyon natin dito na hindi umaamin si Jeron sa kanya..."