Chapter 34

14 5 2
                                    

Araw ng Sabado. Nagkasundo na sina Wan at Jarin na lumabas. Mamimili rin kase si Wan ng stocks nila sa bahay para rin sa kanila. Hindi rin alam ng dalawa kung matatawag na rin ba nila itong date.

Nanood muna sila ng sine at nag-ikot ikot sa mall. Sumubok sa nauusong milktea. Nag-window shopping. Nag-arcade. Pagkatapos nilang kumain, nasa supermarket section na sila ng mall, namimili na sila.

"Kamusta na kaya ang kuya mo sa bahay?" tanong ni Wan habang tulak ang push cart

"Malamang tulog lang yun o kaya nakaharap sa phone, kachat si Percent—" napatigil si Jarin at nanahimik

Naguluhan rin si Wan sa huling sinabi ni Jarin," Ahhhhh kung sa bagay masarap talaga matulog ngayon kase maulan na..." kunwari ay hindi na lang iyon narinig

"Ayos na nakakapagpahinga siya... Salamat pala ulit Wan sa pagpapa—"

"Walang ano man yun, Jarin... Ayos na rin na may kasama ako ngayon sa bahay" tumawa ng bahagya si Wan,"Ni hindi ko nga kayang paglutuan ang sarili ko, mabuti at nandyan kayong dalawa, marunong mag asikaso sa kusina hahaha"

"Wala eh... Ganun talaga, kailangan naming tumayo na sa sarili naming mga paa... sana makilala na namin ang mama at papa mo"

"Panigurado akong matutuwa sila sa inyo. Lalo na sayo— ahh..."

"Sakin?"

"Oo, kase syempre nag-iisang anak ako na lalaki. Matutuwa sila na may babae na rin sa bahay na pwede nilang ituring na anak parang ganun... minsan kase si Percent lang laging andun" paliwanag ni Wan

"Whoa~ nakakatuwa naman na ganun ituring ng mga magulang mo ang mga kaibigan mo..."

"Hayy Jarin, huwag ka ng malungkot dyaan! Ayaw kong nakikita kang malungkot..."

Tinignan ni Jarin si Wan diretso sa mata.

"Bakit? M-may dumi ba sa mukha ko?" nakaramdam ng hiya si Wan

"Namumula ka..." sabay tumawa si Jarin

"H-ha?! Ano ba naman yan!" nauna nang naglakad si Wan tulak ang cart na may pinamili nila.

Napangiting sumunod naman si Jarin kay Wan.

Pagtapos nilang mamili ay nagpasya na silang umuwi. Hapon na at makulimlim ng langit.

Sumakay na sila ng sasakyan at may naalala si Wan.

"Jarin..." pagtawag ng binata sa katabing dalaga

"Hm?" lumingon agad si Jarin pagkakabit niya sa seatbelt

"Alam kong sa iyo ito..." sabay abot sa keychain na pinagkatiwala sa kanya ni Percent,"Nahulog mo yan dati sa bus..."

"Hala! Salamat Wan!! Sobrang tagal ko nang hinahanap ito! Akala ko hindi na ito babalik sa akin huhu" masayang tinanggap ni Jarin ang keychain,"Regalo ito ni kuya sa akin eh! Halaa!! Salamat!"

"Walang ano man... uwi na tayo?"

"Uhum, sige! Ibabalita ko na kay kuya na nahanap ko na ulit! Yehey!"

-----

"Hi, Wan! Hi, Jarin!" pagbati ni Percent sa kakarating na sina Wan at Jarin dala-dala ang mga pinamili

"Andito ka pala, Percent?!" masaya ring kumaway si Jarin kay Percent

"Uhum... Bibisitahin ko sana si Wan tapos chinat ako ni Jeron na samahan ko raw siya kase wala raw siyang kasama tapos nagkataon na andito pala siya!" sabay ngiti ng malaki

"Diba nga? Sinabi na namin sayo na dito sila pansamantalang tumutuloy sa bahay namin?" nilapag na ni Wan ang eco-bags na bitbit niya at nagtanggal ng sapatos

"Hindi...ko...maalala...hehehe" napakamot si Percent sa ulo niya

"Lutang ata siya nun o nakulangan pa sa tulog?" pang-aasar ni Jeron

"Tss... Sorry na agad!" sumimangot si Percent

"Aiingg~ Biro lang, Percent~!" tumabi ni si Jarin sa kanila," Ano yang nilalaro niyo ni Kuya?"

"Uno" tugon ni Jeron

"Ano yung...uno?" tanong ulit ni Jarin

"Ay nako! Huwag kayong makipaglaro dyaan kay Percent! Halimaw yan kalaro!" sumingit na rin si Wan sa kanila

"Halimaw? Bakit?" pang-iisyoso ni Jarin

"Grabe ka naman, Wan! Kasalanan mo na wala kang strategy maglaro eh!!" bulyaw ni Percent

"Oo, magaling si Percent. Ang hirap niyang kalaro..." kumento ni Jeron

"Hala! Gusto ko rin maglaro! Marunong ka kuya?"—Jarin

"Tinuturuan nga ako ni Percent eh hahaha" —Jeron

"Tara! Laro tayo! Tuturuan namin kayo!" pag-anyaya ni Percent

"Paturo rin ng strategy mo Percent ah!" umayos na ng upo si Wan

"Hala sya? Lagi ko namang tinuturo sayo ah! Nakakalimutan mo!" parang batang nagmamaktol bigla si Percent

"Nakakalimutan ko eh!" —Wan

"Shhhh!! Huwag na kayong mag-away! Laro na muna tayo!!"

Kahit malakas na ang buhos ng ulan mula sa labas. Nag-eenjoy ang apat na maglaro ng uno cards kahit hindi pa bihasa ang kambal. Si Wan ang pumapangalawa kay Percent, mahirap nga talaga siyang kalaro. Batikan na si Percent sa larong ito.

Busying busy sila nang biglang makatanggap ng tawag si Percent mula kay Cashmere.

"Percent? Nasaan ka? Kailangan kitang maka-usap!"

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon