Chapter 56

48 3 7
                                    

"Kamusta ka na? Di ka pa din pala nagbabago"

"A-ayos lang.." mahinang tugon ng binata,"Fern... May kinalaman ka ba sa mga naririnig kong usap usapan tungkol sa amin ni Jeron?"

Kasalukuyang nasa park sina Fern at Percent, naka-upo sa magkabang duyan.

"Ahh si Jeron? Yung kambal ng malanding Jarin?"

"B-bakit? Ano bang nagawa namin sayo?" mahinahon pa ding nagsasalita si Percent

"Ahh, si Jeron wala naman, yung kambal niya meron"

"Ano? Anong ginawa ni Jarin?"

"Bakit ba tanong ka ng tanong? Di pa ba halata? Malandi yung babaeng yun. Alam mo bang halos lahat ng lalaki sa juniors building ang tingin sa kanya diyosa? Tsk." napakapit sa kadena ng duyan ang dalaga, "... at ikaw! Percent, may nagawa ka rin naman sa akin noon diba?"

"F-fern... akala ko ba wala na yun sayo? Akala ko ba nakalimutan mo na yun?"

"Anong wala? Anong nakalimutan, Percent? Wala akong dapat kalimutan. Oo, pansamantala nawala kayong dalawa ni Morrie sa isip ko nitong nagdaang taon, pero nung nakaraang araw na nakita kitang masaya, parang hindi patas... tsk" namumuo ang kamao ni Fern sa inis

"Fern... Hindi ka ba masaya ngayon?" binigyan ng naawang tingin ni Percent ang dating kaibigan

"Tch... Simula noong araw na natigil ako sa pag-aaral dahil sa inyo ni Morrie... hindi ko na alam kung paano sumaya..." napayuko si Fern at napakagat sa mga labi, pinipigil ang sarili na umiyak

"Fern... S-sorry—"

"Hindi naman na ako talaga galit sa'yo, Percent. Ang hirap lang isipin na ang layo layo ko na sayo—... naging totoo akong kaibigan sayo. Napakasaya ko kapag kasama kita palagi... nawala naman na talaga sa isip ko yung nangyari... pero nung araw na nakita kitang tumatawa... k-kasama mo ang mga bago mo na atang kaibigan... nakaramdam ako ng inis at inggit.k-kaya..."

Humikbi na sa pag-iyak si Fern, sinusubukang lumapit ni Percent pero umaatras lang ito at sinasabihang huwag sa kanya lumapit

"...k-kaya ko nagawang ipagsabi yung nangyari dati... at... sinisiraan ko kayo ni Jeron..."

"Totoo... nakakalungkot isipin na maalala yung nangyari noon. Masaya rin ako kapag kasama kita, ang sarap sa pakiramdam na sa wakas may kaibigan na akong masasandalan dahil nga madalas lang akong tahimik... ang saya kase nagkaroon ako ng kaibigan na totoo sa akin... at gusto ko din sana magpakatotoo sayo, Fern. Bago pa lang dumating si Morrie noon, gusto ko ng sabihin sa'yo na... feeling ko kakaiba ako. Gusto ko aminin sa'yo na, 'Fern yung kaibigan mo nagkakagusto sa lalaki', kaso hindi ko magawa kase nakaramdam ako na... hindi... hindi mo ako matatanggap kapag nalaman. Malamang lalayuan mo na ako at ayaw nang maging kaibigan dahil nga... kakaiba ako..."

Pansamantalang katahimikan sa pagitan ng dalawa bago marinig ang hikbi ng dalawa.

Parehas silang umiiyak ngayon. Umiiyak sa pakiramdam na nanghihinayang dahil naging mag-kaibigan sila. Gusto man nilang ibalik ang dating samahan noon, mukhang malabo na dahil sa kasalukuyang sitwasyon.

"Percent, I'm sorry..."

"Fern, I'm sorry..."

"I'm sorry kase napakasarado ng isip ko noon hanggang ngayon...tchh" nagpipigil sa pag-iyak pa din ang dalaga,"Sorry dahil nasira ko ang pangako ko..."

   ———

"Kakalimutan na natin ang nangyari"

"Oo, kakalimutan na natin"

"Magiging masaya na tayo sa mga bagay na gagawin natin, okay?"

"Uhum! Goodluck sa susunod na pasukan! Yehey papasok ka na ulit!"

"Kaso hindi na tayo magiging magkaklase ulit..."

"Uhum... Alam ko, at makakahanap ka pa rin ng maraming maraming kaibigan~!"

"I-ikaw din, Percent. Magkakaroon ka din ulit ng kaibigan!"

———

"Fern, kaibigan mo pa din ako kahit anong mangyari..." wika ni Percent at inabot ang ulo ni Fern sa kabilang duyan

"H-hindi ka ba galit sa akin?" mahinahong tanong ng dalaga habang nakayuko pa din

Napatawa ng bahagya si Percent, "Hindi... bakit naman ako magagalit sa'yo?"

"Kainis ka, Percent. B-bakit ang bait mo pa din sa akin kahit may nagawa na akong kinakasira mo, ninyo ni Jeron!"

"Kase kaibigan kita... at dahil kaibigan kita, naiintindihan ko kung bakit mo nagawa iyon... alam kong mahirap sa loob ko, pero... iniiwasan ko muna si Jeron dahil sa nagawa mo pero... alam ko at umaasa akong maiintindihan din ng lahat, itong sitwasyon namin..."

"P-percent..." bahagyang napalingon si Fern sa kaibigan na may mga luha pa din sa mga mata niya

"Alam kong maiintindihan din kami ng lahat... hindi ako natatakot sa mga sinasabi  ngayon ng iba sa amin, tanggap ako ng pamilya ko at mga kaibigan ko, bakit ko pa sila paglalaanan ng oras para lang isipin sila?"

"P-percent..."

"T-tara na! Magdidilim na rin oh!" tumayo na si Percent sa pagkakaupo at pinunasan din ang mga luha niya,"Baka may mga assignments ka pang gagawin haha" tumawa ito

"H-hindi ka galit sa akin?" nahihiya man, nagtanong ulit si Fern

"Hayy uulitin ko nanaman ba yung sagot ko?"

"I'm s-sorry..."

"Huwag ka nang mag-sorry~ Napatawad na kita! At papatwarin pa kita ng paulit ulit— oh?" napatigil ang binata dahil sa pagyakap sa kanya ni Fern

"T-thank you..." bulong niya sa kaibigan na may ngiti sa mga labi

"Uhum... Thank you din... masaya akong naka-usap kita ulit pagtapos ng ilang taon bago ako umalis sa school natin haha!" ngumiti ring niyakap pabalik ni Percent ang kaibigang si Fern

—————
'zup guys? 😁😁
May draft akong sinusulat pa omg
Bagong book hehehe support
nyu din sana ah

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon