Malapit nang dumilim ang langit. Nasa park sina Jarin at Cashmere. Tig-isa silang nakasakay sa swing.
"Hay nako! Pati pala sa labas ng school ang angas angas mo pa din noh? Pero tama lang rin naman na ipagtanggol mo ang sarili mo sa boss mo. Nako kung ako yun baka sinapak ko na yun!" pagmamaktol ni Jarin habang sumusuntok suntok sa hangin
"Ha? Ikaw? Baka nga ikaw pa ang masapak ng boss mo kung ganun ang iaasal mo sa kanya" natatawang pang-aasar ni Cashmere kay Jarin
"Sa bagay, may punto ka, baka pag-sinapak ko siya, ako pa ang magbabayad. Tapos mawawalan pa ako ng trabaho. Tss, ang hina mo rin, Cashmere. 'Diba maangas ka naman? Mukha ka rin naman niyang sesesantihin noh, kaya dapat sinamantala mo na ang pagsagot dun! Tapos dapat huwag kang magpatalo! Sinampal ka niya, sapakin mo siya!" sumuntok nanaman sa hangin si Jarin
"Ang daldal mo talaga" natatawa si Cashmere,"Alam mo, kung 'di ka sumali sa eksena kanina baka malamang nasuntok ko na nga ang boss ko. Sumingit ka kase eh haist" sabay iling
"Aba! Tinulungan na nga kita! Ganyan ka ba magpasalamat? Grabe!" pagrereklamo ng dalaga, tinatawanan na lamang siya ni Cashmere
Sakto rin naman na naglalakad pauwi sina Wan at Percent. Napadaan sila sa park at naunang naagaw ng tingin ni Wan ang dalawa sa swing at napatigil ito sa paglalakad. Napalingat rin agad si Percent kung saan nakatingin si Wan. Nasaksihan ng dalawa ang asaran at tawanan nina Jarin at Cashmere.
Dali-dali ring nagpatuloy sa paglalakad si Wan at sumunod rin naman agad si Percent.
Napansin ni Jarin ang magkaibigan kaya tinawag niya ito.
"Percent! Wan!" sigaw ni Jarin
"Ahh... Hello, Jarin! H-hello, Cashmere! Bye!" kumaway saglit si Percent at hinabol muli si Wan na hindi man lang tumigil kahit narinig niya ang pagtawag ni Jarin
"Bakit kaya nagmamadali yung dalawang yun?" tanong ni Jarin sa sarili
"Pakiramdam ko... may gusto sayo si Wan" biglang sambit ni Cashmere
"H-ha?" nagulat na tugon ni Jarin
"Wala. Ang sabi ko gabi na, wala ka bang balak na umuwi? Nasaan nga pala ang kapatid mo? Bakit di mo kasama?"
"HALA! OO NGA! SI KUYA!!" agad na dinial ni Jarin ang number ng kuya niya para tawagan,"Hello? KUYA!"
"Oo alam ko, Jayjay... Huwag kang mag-alala nakita at narinig ko lahat..." sambit ni Jeron sa kabilang linya
"Ano? Hala! Bakit parang ang lapit mo...lang..." paglingon ni Jarin ay wala na si Cashmere sa katabi niyang swing, sa likod naman niya ay nakangiting nakatayo roon si Jeron
"Parang tama si Cashmere, Jayjay..." binaba na ni Jeron ang telepono at umupo sa katabing swing ni Jarin
"Tama si Cashmere saan, Kuya?" naguguluhang tanong niya sa kapatid
"Na gusto ka ni Wan..."