Percent's POV
Hmm... nakakamiss naman dito sa amin. Naglalaro ako ngayon ng buhangin habang humahampas ang alon sa mga paa ko.
Ang sarap sa pakiramdam ng sariwang hangin. Hindi gaanong matirik ang araw. Tahimik na paligid.
Naalala ko pa noong bata ako ang hilig kong bumuo ng sand castle kapag ganito na wala akong masyadong ginagawa.
"Bakit mag-isa ka lang dito?" napalingon ako sa biglang nagsalita sa tabi ko
"Wala lang... naglalaro lang ako? Hehe..." nahihiyang sagot ko, ginulo ko agad ang kakaumpisa kong gawin na sand castle...
"Wow bumabalik lang sa pagkabata?..." natatawang pagkutya ni Jeron sa akin
"Tss.. bata pa naman talaga ako.." tapos nag-pout ako
"Bakit mo sinira? Tuloy mo lang!" umurong siya tapos nag-umpisa na humulma sa buhangin
"Ayaw... Nakakahiya... inaasar mo nga akong isip bata" bakit parang umaakto na rin akong parang bata?!
"Hahaha binibiro lang naman kita... Dali na~ ituloy mo yung nasimulan mo..." tinignan ko si Jeron habang patuloy siya sa pag-buo sa haligi ng castle
Ngumiti lang ako at nagsimula na ring buohin ang sand castle ko.
Ilang minutong katahimikan sa pagitan namin. Seryosong seryo ata kami sa pag-buo nito kaya walang naglalakas ng loob ang magsalita hanggang sa...
"...gusto kita" bulong ni Jeron sa sarili pero sapat iyon para marinig ko
Tumigil ako sa pag-gawa ng castle at pinanood lang muna siya. Gumagawa pa rin siya at hindi ako tinitignan pabalik.
"Alam kong ang weird... alam kong sa paningin at pananaw ng ibang tao ay kaabnormalan ang ganitong pakiramdam..." nagsasalita siya at patuloy pa rin sa pag-gawa, ako, palipat lipat ang tingin sa ginagawa niya at sa kanya
"...hindi kita matignan ngayon kase nahihiya ako ha ha ha..." nanginginig rin ang mga kamay niya,"ano kase eh... buti may taong nagpaliwanag sa akin na ayos lang... ayos lang na aminin na gusto kita... ayos lang kahit lalaki akong nagkakagusto sa lalaking tulad mo..."
Sa totoo lang, kahit alam kong may gusto nga siya sa akin, iba pa rin pala sa pakiramdam kapag siya na mismo ang umaamin sa akin ng nararamdaman niya.
Sabi ko sa sarili ko handa na ako. Alam ko na ang mga dapat sabihin ko kapag dumating na sa puntong umamin na siya pero... bigla akong parang nawalan ng lakas ng loob magsalita
"... alam mo ba... nagseselos ako kay Khen kase close na kayo hahaha tapos... wala naman palang dapat ika-selos kase sila na pala ni Cashmere hahaha..."
Teka? Si Cashmere? Si Cashmere pala ang tinutukoy ni Khen na gusto niya?!! At sila na?! Kailan pa? Hala?!
"...ayos lang naman sa akin kung hindi mo ako magustuhan... basta naamin ko ba ang nararamdaman ko sa'yo kaya makakahinga na ako ng maayos... sana... maging close pa din tayo kahit... alam mo na—"
"Walang magbabago..." sa wakas ay tinignan na rin ako ni Jeron, hinuli ko ang mga mata niya at tinitigan siya
"T-talaga?"
"Ang totoo... matagal ko ng alam na may gusto ka sa akin... hinihintay ko lang na umamin ka kase... hindi pa ako lubos na naniniwala nang malaman ko 'yon" tumawa ako ng bahagya," ayos lang naman sa akin... gusto ko lang malaman... Kung bakit mo ako nagustuhan?" sasamantalahin ko na ito
"Ahh...? K-kase... ano eh..." hala namumula ba si Jeron?,"...pwede bang hindi na lang yan sagutin?"
Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin. Sakto na humampas ang isang hindi inaasahang malakas na alon sa amin kaya parehong nabasa ang kalahating parte ng katawan namin
"PERCENT?!!" sigaw ni Jeron sa akin kase binasa ko siya, tumawa lang ako
"Sorry?" pang-aasar ko
"Grr... Babasain din kita!"
"Teka—!" bago pa man ako makatayo, nabasa nya na rin ako
"Hahahahaha" pagtawa ni Jeron sa akin kase may buhangin palang nasama sa binato niyang tubig dagat, tinamaan ako sa mukha :<
Syempre gumanti rin ako, binato ko rin siya ng purong buhangin talaga, ang dumi na niya hahahaha
Hindi na namin natuloy ang pagbuo ng sand castle, naglaro na lang kami ng batuhan ng buhangin at nag wiwisikan ng tubig dagat.
Masaya ako...