Sumunod na umaga, nagdaan ang unang tatlong subjects na tahimik si Jeron. Hindi niya katabi ang kambal niya dahil masama raw ang pakiramdam nito, kaya absent.
"Absent rin si Wan?" sa cafeteria, tinabihan ni Jeron si Percent na nag-iisang kumakain
"Si... Jarin, absent din" nagpatuloy sa pag-kain si Percent
"Sabi ni Jarin... may masakit raw sa kanya, ayaw niya sabihin kung ano, tapos nagkukulong sa kwarto simula kagabi nung maka-uwi siya..."
"Si Wan... wala sa bahay nila ng daanan ko kanina eh. Kaya hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya" malungkot ang tono ni Percent
"...ahh Percent"
"Hmm?"
"Sa tingin mo ba, konektado ang dahilan kung bakit absent si Wan at Jarin ngayon?" nag-aalala talaga si Jeron sa kapatid niya
"H-hindi ko alam, Jeron eh... pero kung ano man ang dahilan, sana, maayos na agad. Pumasok na rin sana sila bukas..." nagpatuloy sa pagkain ang dalawa na tahimik
Samantala, may dalawang dalang energy drink si Cashmere paakyat sa rooftop. Naroon sa Khen at tumabi siya rito.
"Magkasama ngayon sina Jeron at Percent na kumakain sa cafeteria" panimula ni Cashmere at inabot kay Khen ang isang bote
"Hindi ko na problema yun"
"Tss, pagnalaman ni Jeron na ako ang dahilan kung bakit absent ngayon ang kapatid niya, hindi ka naman madadamay. Pinahamak ko ang sarili ko para sayo"
"Sineryoso mo naman agad ang hamon ko?"
"Bakit hindi? Kase seryoso ako sayo" at ngumisi si Cashmere
Tinignan lang siya ni Khen na blangko ang mukha
"Haist grabe ka... ang galing mo talagang magtago ng nararamdaman ano? Pakunwari ka pang walang reaksyon dyan nako, alam ko at nararamdaman kong gusto mo rin ako, Khen..." lumipas ang break na tahimik na lang ang dalawa.
Uwian. Mag-isang tinahak ni Percent ang daan pauwi. Napadaan siyang park at napagpasyahang sumakay sa isa sa mga swing doon.
"Ayos lang kaya si Wan?..." bumuntong hininga si Percent at tinulak ng mahina ang sarili upang mapaandar ang swing
"...may itatanong ako sayo" halos mahulog si Percent sa gulat nang may umupo at nagsalita sa katabi niyang swing
"K-khen?!" tila hindi siya makapaniwala sa nakikitang taong katabi niya
"Kung papipiliin ka sa dalawang tao. Iyon bang nag-tatapat na ng nararamdaman niya sayo o iyon na gusto mo pero hindi ka man lang makita kahit nasa tabi ka lang naman niya?" nakatingin sa malayo si Khen habang tinanong ito kay Percent
"K-kinakausap mo b-ba ako?"
"Narinig mo naman ng malinaw ang tanong ko diba?" at seryoso siyang lumingon kay Percent
"Ano bang ibig mong sabihin Khen? Bakit ako ang tinatanong—"
"Pipiliin mo ba ang taong gustong gusto mo o ang taong gustong gusto ka?"
"H-hindi ko alam..." malungkot na napayuko si Percent
"Bakit hindi mo alam?"
"K-kase... ano eh... ahh... O-oo may tao akong gusto... Pero yung taong may gusto sa akin?... imposible naman ata iyon Khen—"
"Siguro nga nabubulag ka lang sa taong gusto mo at hindi napapansin ang taong may interest sayo..."
"H-HA? AKO? Paano mo naman nasabi— teka..." binigyan ni Percent si Khen ng nagtatanong na tingin
"Wala akong sinasabing gusto kita" binaling ulit ni Khen ang tingin niya sa malayo
"Ah? H-hindi! Ang ibig kong sabihin ay..." bumwelo muna si Percent,"Bakit mo ba tinatanong sa akin ito, Khen?... It's either tungkol nga talaga ito sa akin o para din sa sarili mo—"
"Pareho"
"Weh? May nagkakagusto talaga sa akin?" halata sa boses ni Percent na masaya siyang tanungin iyon kay Khen
"Pero hindi siya yung inaakala mong tao..."
"Anong ibig mong sabihin?..."
"Pansinin mo lang ang mga taong nasa paligid mo" tumayo na sa pagkakaupo sa swing si Khen
"T-teka! Saan ka pupunta?" tanong ni Percent
"Uuwi na. Mukhang hindi mo rin naman masasagot ang tanong ko"
"Sandali... yung sagot ko sa tanong mo... siguro hindi naman sa pipiliin ko yung taong nag-tatapat ng pag-ibig sa akin ah. Siguro, pagbibigyan ko muna siya— ang ibig kong sabihin ay, kung kaya niyang punan yung pakiramdam habang nabubulag nga ako sa taong gusto ko, baka balang araw siya na rin ang pipiliin ko..." napangiti si Percent sa mga nasabi,"panahon naman na ata para ako naman ang sumaya haha ang tagal ko ng nagtatago sa lungkot para lang sa taong gusto ko, noh... Baka ganun nga, Khen—"
"Pagbibigyan mo siya kahit pareho kayong lalaki?"
"H-HA?!"
"Aalis na ako—"
"Wala namang masama doon, Khen diba? Nagkagusto at nagmahal ka lang naman eh. Nagkataon lang na pareho lang kayo ng kasarian, 'diba?" nag-chuckle si Percent
"...uhum" tipid na tugon ni Khen at nilisan ang park