Chapter 40

26 3 4
                                    

"CASHMERE!!!" sigaw agad ni Percent nang pagpasok niya sa pinto ng classroom nila,"Ay! Ahhmmm s-sorry hehehe" biglang nahiya si Percent dahil nakatingin ang iba pa nilang classmates sa kanya

"Ang saya mo naman atang makita si Cashmere ah..." bulong ni Wan kay Percent nang makarating na sila sa desk nila

"Kase pumasok na siya! Natutuwa ako para kay Khen!" bulong rin ni Percent

"Ni hindi ka rin lang nga kinamusta ni Cashmere oh tapos si Khen natutulog lang..."

"Sanay na ako sa kanila! Ikaw kase hindi pa, palibhasa puro ka Jarin, Jarin, at Jarin! Hmp!" padabog na umupo si Percent

Di na lang nagsalita si Wan at umupo na rin, sumulyap siya sa kabilang row, kung nasaan ang magkambal.

Sa loob loob ni Wan, medyo tama si Percent sa sinabi niya. Parang siya lang ang malayo ang loob kina Khen at Cashmere. Masyado nya atang nililimitahan ang sarili sa pagkakilala niya sa dalawa, hindi katulad ni Percent na nakikita ang ibang mabuting pagkatao nina Cashmere at Khen.

"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Jeron kay Percent na iiba ng direksyon

"Hm? Kakausapin ko lang saglit sila—"

"Khen at Cashmere?" pagsingit ni Wan

"M-may masama ba doon?" inosenteng tinanong ni Percent si Wan

"B-bakit ka ganyan makatingin sakin? Nagtataka lang ako... pwede mo namang kausapin sila sa room o kaya kanina or mamaya na lang, bakit ngayong lunch break—"

"Shhhh! Tigil na Wan! Hayaan mo na na lang nga si Percent!" hinihigit na ni Jeron si Percent, buti pa siya naiintindihan agad ang ibig sabihin ni Percent

"Oo nga! Hahabol na lang yan si Percent sa atin! Tara na!" hinigit na rin ni Jarin si Wan sa kabila

"Basta makakakain ka pa din ah!" pasigaw na bilin ni Jeron kay Percent bago pa sila makalayo

Tumango lang si Percent at pumunta na sa rooftop.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, naroon nga si Khen at Cashmere pero may ilang mga lalaki rin ang naroon, dalawang mas senior at dalawa ring mas bata

Nanatili muna sa malayo si Percent at hindi nagpakita.

"Buti may balak ka na ring pumasok, Cashmere..." kita ni Percent na sabi ng isa sa mga senior

"Teritoryo namin ito, sa kabilang building ka ah, at tsaka hindi pa oras ng lunch nyo ah, bakit ba kayo nandito?" maangas na bulyaw naman sa kanila ni Cashmere

"Akala mo ba hindi ko alam na gustong bumalik sayo si Regan?"

"Ahh... yung ex ko? Hahaha bakit? Ayaw na raw nya sayo? Wala ka na bang pera?" napapailing si Percent sa mga naririnig niya kay Cashmere, mapang-asar talaga ito kung sumagot

"Tss... parang pinaparating mo pang siya dapat ang manghinayang sa inyo ah!"

"Bakit? Kung di siya nanghihinayang edi sana hindi niya ako hinahabol ngayon, diba? Ang bobo mo din eh noh?"

"Hiniwalayan ka kase wala kang kwenta—"

"Kase wala akong pera, at ikaw meron. So ngayon nakita niya ang halaga ko? Tapos ano? Babalik siya sa akin kase wala na ring kwenta yang pera mo! Quits lang tayo..." ngumisi lang si Cashmere

"Sa tono ng pananalita mo parang wala ka ng paki-alam sa kanya ah!"

"Bakit ayaw mo? Hindi ba, kaya nga nandito para bakuran ako na layuan ko siya, well hindi mo naman na kailangan, wala naman na talaga akong paki-alam, please lang, makakaalis ka na. Mag-aral ka na lang ha? Wag ka na mag-cutting para lang sabihin at balaan ako, kabobohan pinapairal eh, yan ba tinuturo sa inyong mga graduating? Ingat ka baka di ka grumaduate at maging kabatch pa kita next semester..." puro pambabara na lang ang ginagawa ni Cashmere, si Khen naman nasa isang tabi at natatawa lang sa mga naririnig niya

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon