Chapter 54 - B

35 4 9
                                    

"Kuya nasaan si Percent?" hinahabol pa ni Jarin ang hininga niya, tumakbo kase siya para sa hindi inaasahang balita

"Nasa restroom, bakit? Saan ka galing? Bakit hingal na hingal ka?" kalmadong tanong ni Jeron

"Ano kase... may narinig akong kumakalat na balita about sa inyo ni Percent.. ano kase eh..."

"Pakisabi nga ng maayos kapag nakakahinga ka na ulit!" natatawang pinaypayan ni Jeron si Jarin

"Nalaman ko sa mga kaibigan ko sa junior's building... pinag uusapan raw kayo lalo na ng mga babae doon, pinaghihinalaan kayo..." halata sa mukha ni Jarin na nag-aalala ito sa kapatid, "Kuya natatakot ako... ano bang problema nila sa inyo?..."

Hindi na nakasagot si Jeron, hindi rin niya alam ang gagawin kung mas maraming tao na ang makaka-alam ng relasyon nila ni Percent.

Bilang lang rin kase sa classroom nila ang nakaka-alam sa sitwasyon ng magkasintahan. Hindi naman kase lahat ng tao tanggap at maiintindihan sila.

"Percent..." pagnakaw ni Jeron sa atensyon ni Percent, naglalaro kase ito sa cellphone. Nasa salas ang dalawa

"Hm?" tipid na tugon lang ng binata, busying busy kase sa nilalaro niya

"Paano kung isang araw... kailangan nating maghiwalay?..."

"..." hindi muna sumagot si Percent, tinigil niya na ang laro niya at tinignan lang ng malalim ang kasintahan, "Anong ibig mong sabihin?"

"Ano... hindi ako nakikipaghiwalay sayo! Hindi kita hihiwalayan, hinding hindi—"

"Eh bakit mo tinatanong 'yan?" seryoso ang mga tingin ni Percent

"Ano... kase... paano kung dumating din tayo sa panahon na hindi tayo kayang tanggapin ng mga tao, at kailangan... nating maghiwalay..."

"May gusto ka bang sabihin sa'kin, Jeron?"

"W-wala naman... napapa-isip lang ako. Lalo na paano pag nalaman sa school natin ang tungkol sa atin—"

"Magpapahinga na ako" pagputol ni Percent sa sinasabi ni Jeron.

Tumayo na si Percent at dumiretsong kuwarto niya.

Hindi man sabihin ni Percent, ramdam ni Jeron na nasira niya ang mood ng kasintahan.

Sa loob loob ni Percent, hindi niya alam ang magiging reaksyon niya sa mga sinasabi ni Jeron sa kanya.

Nakakaramdam ng lungkot si Percent.

"Percent..." sinubukang kausapin ni Jeron ang kasintahan pero hindi ito sumasagot. Naisip niyang baka pagod lang si Percent, baka nakatulog agad.

Kinabukasan, tahimik pa din si Percent, hindi masyadong kinakausap si Jeron. Magkasabay sila pero wala man lang nagtatangkang magsalita.

Parehong hindi alam ng dalawa kung ano ang sasabihin at kung paano kakausapin ang isa't isa.

Patagong hinawakan ni Jeron ang kamay ni Percent, hinawakan niya ito ng mahigpit.

"Baka totoo nga..."

"Talaga ba?"

"Hindi halata sa kanila ah..."

"Tsk, mga paminta"

Napaluwag ang hawak ni Jeron dahil sa mga narinig.

Nadinig din ata iyon ni Percent, at pinapakiramdaman din niya si Jeron. Medyo nasaktan si Percent sa pagluwag ng paghawak sa kamay niya ni Jeron, parang bibitawan na

"Nakakadiri..."

Padabog na binawi ni Percent ang kamay niya mula kay Jeron at naglakad ng mabilis, iniwan si Jeron na parang hindi niya ito kakilala.

Sa isip ni Jeron, gusto niyang habulin si Percent at yakapin ng mahigpit pero parang may pumipigil sa kanyang gawin yun.

"Oh? Hindi kayo magkasabay ni Percent, kuya?" bulong ni Jarin

"Ano... may dinaanan lang ako kaya nauna si... Percent..." malamyang tugon ni Jeron

"Kuya ayos ka lang?"

"Uhum" pinilit niyang ngumiti

Pagka-alis na pagka-alis ng huling teacher para sa huling subject, nilisan agad ni Percent ang classroom.

"May problema ba kayo?" lumapit si Khen sa kambal

"Hm? W-wala naman..." malamyang tugon nanaman ni Jeron

"Hindi ako manhid, Jeron. Kaibigan ko kayo ni Percent, huwag nyong sabihing wala kung meron naman talaga. Baka balak mo pang patagalin toh bago ka aaksyon?" malamig naman ang tono ng pananalita ni Khen, umalis na rin siya

"Napansin ko ngang parang wala sa sarili si Percent kanina eh, nilalaro lang yung ballpen tas tulala, tahimik lang siya ganun..." nag-aalala namang sabi ni Wan

"Kuya... baka naman makatulong kami? Anong nangyari?..."

"Ako na lang muna ang bahala..."

Sa kabilang banda, nasa entrance gate ng Junior's building naman si Percent, may inaantay.

"Percent?" napataas ng kilay ang babaeng hinarangan ni Percent

"Kailangan nating mag-usap, Fern"

-----------
Sino si Fern? omg

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon