Chapter 48

20 5 4
                                    

Jarin's POV

Umiiyak na naka-yakap si Percent kay kuya ngayon. Lahat kami pumunta agad sa bahay niya para kamustahin siya nang malaman namin na naka-uwi na pala siya... si Percent lang...

Hindi na mapigilang umiyak ni Percent nang ikuwento niya sa amin na wala na pala si Lola Paz niya, kaya rin raw nawala siya ng halos isang linggo dahil doon nga raw gustong mahimlay ng lola ni Percent sa bayang kinalakhan nila. Ngayon, umuwi na si Percent dahil nga kailangan pa niyang bumalik para pumasok ulit bukas.

Lumabas muna ako para lumanghap ng sariwang hangin, hindi ko rin kayang makita na umiiyak si Percent, malamang parehas kami ni Kuya, umiiyak na rin siya eh. Napalapit na rin talaga si Kuya kay Lola Paz, siguro.

Pinagmasdan ko ang mga halamang iniingatan ni Lola Paz sa bakuran nila, unti unti na rin silang nawawalan ng buhay, napakalungkot nilang tignan, siguro dahil matagal na nga rin silang hindi nadidiligan at... wala na rin ang nag-aalaga sa kanila.

Bigla kong naalala ang mga magulang namin. Haha wala lang, nakakamiss din sila. Ramdam na ramdam din siguro ni Kuya ang pinagdadaanan ni Percent, nalulungkot din ako para kay Kuya, dahil mahirap nga namang makita na malungkot din ang taong minamahal mo.

"Bakit andito ka sa labas? Hindi na ba umaambon?" si Cashmere, hindi na ako nagulat sa pagtabi niya sa akin

"Nagpapahangin lang, tsaka ano, oo mabuti nga wala ng ambon..." normal lang na tono kong sagot, pero sa loob ko kinakabahan ako

Hindi ko pa din nakakalimutan yung ginawa niya sa akin at yung iba pang mga bagay na tungkol sa kaniya, sorry na agad Wan T^T

"Nakikisabay yung langit kay Percent..." napalingon ako bigla sa kanya, "Bakit?" tanong niya

"Wala lang... ito kase ata yung unang beses na narinig kitang parang may pakialam ka sa nararamdaman ng ibang tao..."

"Ahh, ganun ba? Nga pala, Jarin, pasensya na sa mga inaasal ko sayo noon ah, at yung hinali—"

"Teka! Oo!! Ayos na yun, kalimutan na lang natin ha ha ha..." ano ba naman Jarin

"Siguro kung hindi nangyare yun hindi mo mapapansin si Wan noh?" nakakabadtrip, bakit ba ito ang usapan namin?

"Ah? Ahh oo... ha ha ha oo nga..." wala akong masabi eh, ayaw ko sa usapan na ganito

"...kung hindi nangyare yun, malamang hindi rin magiging kami ni Khen..." ang hina nun pero rinig ko kaya napalingon ako ulit sa kanya

Ang gwapo talaga niya, isa sa mga nagustuhan ko sa kanya haha, sorry na Wan >3< Tapos, seryoso yung mukha niyang nakatingin lang sa mga halaman, ano bang iniisip neto?

"Mahal na mahal mo talaga siguro si Khen noh?..." halugh?! Bakit ko natanong yun?!!!

"Hm?" ang gwapo, lumingon siya sa akin

"Ah? W-wala hahahaha!!" napakamot ako sa batok langya, iniwas ko din yung tingin ko

"Oo..."

Nung mga oras na ito, ibang Cashmere ang kasama ko. Ibang presensya niya ang nararamdaman ko.

Cashmere na pwede ko ng ituring na kaibigan...

"Tara! Balik tayo sa loob, siguro tama na ang iyakan haha pasayahin natin si Percent!" wow ah

"S-sige, tara!"

Naunang pumasok si Cashmere, grabe pag sunod ko nakapuwesto na sila.

Namumugto ang mga mata ni Percent pero nakangiti na siya!

"Anong gagawin?" tanong ni Kuya tapos umupo sa tabi ni Percent

"Maglalaro tayo" simpleng sagot lang ni Cashmere

"Anong laro?" tanong ni Wan

"Truth or Dare" luh? bakit may pag-ngisi si Cashmere...

Parang may nararamdaman ako dito na may mangyayaring hindi maganda...

——————
Ang hirap magkasakit :<

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon