Chapter 25

24 4 3
                                    

Unang umaga nila sa bahay nina Percent. Masayang nag-aagahan ang lahat. Sina Wan at Percent ang gumawa ng almusal nila ngayon.

"Anong gusto niyong gawin natin ngayong araw?" tanong ni Percent sa lahat

"Gusto kong kumanta!" masayang suhestyon ni Jeron

"Whoa~! Oo nga! May videoke ba kayo Percent?" si Cashmere iyon

"M-meron ha ha ha... si mama mahilig talaga kumanta kaya siya ang nagturo sa akin nun tsaka ang paglalaro ng piano..." sabay kagat ni Percent sa ulam na kinakain niya

"Kaya pala may piano sa kuwarto mo..." dagdag ni Khen

"Oo hahahaha" parang batang natutuwa si Percent

"So... Magkakantahan tayo! Yes!!" pumalakpak pa si Jeron sa kinauupuan niya

Tanghali na at nakapag-ayos na ang lahat ng kani-kanilang sarili... sakto rin naman na umalis muna ang mama ni Percent para makapag-asikaso na sa gagamitin nilang videoke

Si Cashmere ang unang sumalang sa kantahan... Manghang mangha ang lahat sa husay ni Cashmere sa pagkanta at pag-rap. Lalong lalo na si Khen, may bago nanaman siyang nalaman kay Cashmere na paniguradong ipagyayabang ito sa kanya.

Sumunod naman ay si Jeron. Hindi na nagulat si Jarin sa kapatid dahil alam niyang kumakanta talaga sila ng kuya niya lagi sa bahay nila. Si Percent, palihim na namamangha sa ganda ng boses ni Jeron...

"Si Wan ang pakantahin naman natin!" suhestyon ni Cashmere sabay abot kay Wan ang mikropono

"Ah? Alam niyo naman na kumakanta ako diba—"

"Kumanta ka pa din, Wan~" pagpilit ni Percent sa kaibigan

"Ahh... Okay...S-sige na nga" nahihiyang napasulyap si Wan kay Jarin na gusto rin siyang marinig na kumanta

Lumipas ang dalawang oras na puno ng masayang kantahan sa pagitan nila. Nag-eenjoy sila sa ginagawa nila. Kung papanoorin mo sila ay para silang walang problema na iniisip... Wala na kaseng pasok kaya rin siguro ganun...

Muli nanamang palubog ang araw, kasalukuyang naglalakad ngayon si Jarin sa dalampasigan...

"Pwede ba kitang sabayan?" napalingon si Jarin sa taong nagsalita

"Wan... Ah.. oo naman, tara"

Tahimik na naglalakad ang dalawa, nilalaro ang mga alon na tumatama sa mga paa nila.

"Jarin..." pagbasag ni Wan sa katahimikan sa pagitan nila

"Hm?" matipid na tugon ni Jarin

"Napapansin kong ang tahimik mo simula ng dumating tayo kahapon dito... May problema ka ba?"

"Wala naman akong problema, Wan..."

"Hindi ka naman ganyan eh, kahit hindi mo sabihin meron kang problema... Kung di mo mamarapatin, pwede mo naman akong sabihan..."

"...alam mong gusto ko si Cashmere, diba?" humina ang boses ng dalaga

"...alam ko..."

"Pero alam kong wala akong pag-asa sa kanya... Hayaan mo muna akong mawala itong nararamdaman ko sa kanya bago ko ituon ang atensyon ko sa nararamdaman mo Wan... Pasensya ka na—"

"Aantayin ko... Kaya kitang hintayin..."

Ngumiti si Jarin kay Wan,"Mas mabuti na rin muna ito na maging magkakaibigan muna tayo... Hayaan mong kilalanin muna kita"

"Uhum... Walang problema iyon sa akin..."

Pagbaba ng araw ay napagpasyahan na ng dalawa na bumalik sa bahay.

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon