Chapter 55

34 4 13
                                    

5 Years ago...

"Percent!!!"

"Hm? Bakit?" tanong ni Percent sa babaeng sinusubukan siyang patayuin sa kinauupuan niya

Sumisilip silip ito sa bintana kasama ang iba pang mga kaklaseng babae

"Dalii!! Siya ata yung sinasabi nilang transfer student na gwapoo dalii!!"

"Teka lang, Fern, mamaya dumating na si maam eh. Hindi ko pa tapos itong assignment huhu" hindi pa din tumatayo si Percent at nagmamadali pa din sa pagsulat

"Tsk, mamaya na sabi yan ehh!!" hinila ni Fern ang braso ni Percent patayo para sumilip din sa bintana ng classroom

"Ahh... siya ba?" mahinang tanong ni Percent

"Oo! Oo! Ang gwapo noh?! Crush ko na siya— ay hala teka para na sinang papunta dito!! ANDITO NA SI MAAAAM!"

Nagmadali na makabalik ang lahat sa kani-kanilang upuan ang mga estudyante na parang walang nangyare.

"Good morning, class" pagbati ng guro nang makapasok ito

"Good morning maam" masiglang pagtugon naman ng mga bata

"You're going to have a new classmate, he is Morrie. Please be good to him, okay?"

Masayang binati ng lahat ang bagong kaklase. Nagpakilala ito at pina-upo sa tabi ni Percent na nasa likuran lang ni Fern, wala itong katabi.

Nagturo ang guro at natapos na ang unang subject ng klase.

"Hi! My name is Fern—" napatigil ang dalaga dahil paglingon niya, natutulog si Percent at ang bagong kaklase nila ay kasalukuyan na nakatitig sa kanya

Binaling na lamang ulit ni Fern ng tingin sa harapan at napa-isip.

"Woah... ang galing mo..." sambit ni Percent

"Ah? Hahaha wala lang toh noh!" nahihiyang napakamot sa batok si Morrie

"Fern! Tignan mo! Ang ganda ng sulat ni Morrie parang pambabae!" kinalabit ni Percent ang kaibigan para lumingon ito

"Ahh... ganun ba?" tugon lang ng dalaga pero hindi ito lumingon man lang

Makalipas ang ilang linggo, naging magkasundo sina Percent at Morrie, isama na rin natin si Fern.

Naging magkakaibigan sila, pero may hindi nararamdaman na tama si Fern.

Isang araw, inamin ni Fern kay Percent na gusto niya si Morrie simula pa lang ng lumipat ito bilang kaklase nila...

"...pwede mo ba akong tulungan sa kanya?" paki-usap ng dalaga

"Paano ko naman gagawin yun?..."

"Layuan at iwasan mo si Morrie, hayaan mong kaming dalawa na lang ang magkasama..."

"S-sige..."

Labag man sa kalooban ni Percent, pumayag pa din siya sa gustong mangyari ng kaibigan niya kahit... may nararamdaman na rin siya kay Morrie.

"Ayos lang yan, Percent... mas bagay sila... babae si Fern at... lalaki si Morrie... hinding hindi magkakagusto si Morrie sa... lalaking... katulad ko..." kausap ni Percent ang sarili habang kumakain ng baon niyang sandwich sa loob ng banyo ng mga lalaki

Tumagal ang paglayo ni Percent sa dalawa ng halos dalawang buwan. Kahit gusto man niyang kausapin ng matagal si Morrie, wala, kase nagpaparaya siya.

Pakiramdam niya para siyang nawalan ng kaibigan, kahit kinakausap siya ni Morrie at ni Fern. Wala na siyang nararamdamang saya.

Puro inggit at selos na kase ang dumadaloy sa isipan ni Percent. Lalo na at nasasaksihan niyang parang nagkakamabutihan na ang dalawa.

"Magka-away ba kayo ni Fern?" nabitawan sa gulat ni Percent ang bin ng basurahan,nagtapon siya ng basura sa likod ng campus hindi niya alam na sinundan pala siya ni Morrie

"Ha? H-hindi..." madaling nadampot ulit ni Percent ang bin at akma ng aalis

"Sandali lang muna..." hawak ni Morrie si Percent sa braso nito

"B-baka hinahanap na tayo ni Fern doon— aray!" natulak ni Morrie si Percent ng malakas kaya napa-atras ang binata sa pader

"Iniiwasan mo ba kami?" unti-unting lumapit si Morrie kay Percent

"H-hindi ko kayo iniiwasan—"

"Iniiwasan mo ba...ako?" kinulong ni Morrie si Percent sa pagharang nito ng mga braso niya sa magkabilaang gilid

"Ano bang ginagwa...mo?" halata sa tono ng binata na natatakot na siya

"Akala mo ba hindi ko mapapansin?" mariin niyang tinignan sa mga mata si Percent

"Morrie..."

"Aminin mo ng gusto mo ako..."

"Nasa school tayo, baka kung sinong makakita—"

"Sabi ko aminin mo na!"

Napalunok sa takot si Percent at naiiyak na tinignan pabalik si Morrie sa mga mata nito

"... g-gusto kita" mahinang sambit ni Percent sabay iwas ng tingin

"tsk, aamin ka rin pala eh, gusto mo pang umabot tayo sa ganito?" natatawang sabi ni Morrie

"...anong ibig mong sabihin?" pinilit ni Percent na tignan muli ang mata ng binata sa harap niya

"Hindi ko makakalimutan yung araw na ang cute cute mong natutulog nun sa tabi ko hahahaha"

"Ha?"

"Gusto na kita simula nung pinatabi ako sayo ni maam nun! Ang shunga mo naman! Hahahaha"

"Gusto... mo ako?!" nanlaki bigla ang mga mata ni Percent

"Gusto mo bang patunayan ko?" ngumiti ng nakakaloko si Morrie sa ating bida

"Patunayan ang— sandali—" dahan dahan na nilalapit ni Morrie ang mukha niya sa mukha ni Percent

"Nakakadiri kayo!" nabigla ang dalawa at umayos ang kanilang sarili dahil sa sigaw ng pamilyar na boses

"Fern!"

"All this time, tinatago niyo lang yang kabaklaan nyo?! NAKAKADIRI KAYO!"

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, hindi na ulit pumasok si Fern, si Morrie pinilit na magtransfer ulit sa ibang school, umamin naman si Percent sa mga guro nila tungkol sa kalagayan niya at napagkasunduan na hindi na lang iyon ipagsasabi sa lahat dahil naging mabuting estudyante si Percent.

Pagkaraan ng dalawang taon, pumasok na ulit si Fern sa parehong school at hindi ulit nagka-usap sila Percent at Fern.

Siguro nakalimutan na rin nila ang isa't isa dahil sa pangyayari at kinalimutan na rin mismo nila ang nangyari noon.

Pareho na lang silang nagpatuloy ulit sa pag-aaral pero hindi na katulad ng dati si Fern.

May hinihintay na pagkakataon si Fern para kamustahing muli ang dating kaibigan. May mga nasagap din kase siyang balitang kumakalat mula sa seniors building.

Lalo na't nalaman din niyang graduating na si Percent.

"Ahh si Jeron? Yung kambal ng malanding Jarin?"

---------
Sana nadeliver ko ng
maayos itong chapter na ito :""(

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon