Araw ng final exam para sa ikalawang semester sa isang paaralan. Limang minuto na lang para simulan ang pagsusulit. Tahimik lang ang mga estudyanteng naghahanda sa haharaping laban.
"Wala pa din si Cashmere..." bulong ni Jeron sa kapatid
"H-ha? Aba malay ko doon noh? Wala na akong kinalaman dun kuya, nanahimik ako eh!" pabulong ring pagsuway ni Jarin sa kakambal.
Huling minuto na lang bago magsimula at sa wakas ay dumating na rin si Cashmere. Halos nasa kanya ang mata ng buong klase nang makarating siyang hingal na hingal sa pinto
"S-sir... I'm sorry. Am I late? May I come in—"
"Bilisan mo na Mr. Cashmere Hazier. Ikaw ang huling uuwi mamaya dahil ikaw ang maglilinis at mag-aayos ng classroom" mariing lang tinignan ni Cashmere ang proctor nila.
Para kay Cashmere nasira na agad ang umaga niya. Hindi pa siya nalelate sa buong buhay niya kahit hindi nga lang siya ganoon kasipag mag-aral. Minsan madilim pa nga, nauuna na siyang nasa classroom. Kaya ang laking bagay sa kanya ang pagiging huli nya ngayong araw. Ayaw rin niyang tinatawag siya sa buong pangalan niya. At panghuli, hinding hindi rin siya naglilinis ng classroom kahit alam niyang cleaners siya, tapos maiiwan pa siya mamaya para lang maglinis at mag-ayos? Nagtitimpi lang muna siya.
Nagsimula na nga ang pagsusulit sa isang subject. Tahimik pa din ang buong klase at mukhang seryoso ang lahat sa pagsagot. Malumanay na iniintindi ang bawat tanong at pinag-iisipang mabuti ang letra ng tamang sagot bago ito bilugan.
Lumipas ang apat na oras ng tensyon sa pagitan ng mga papel at estudyante. Nakahinga na sila kahit papaano dahil lunch break na. Pahinga at kain lang muna bago nanaman sumabak sa laban.
Napagpasyahan lang na matulog ni Cashmere sa classroom at walang pinansin na kahit sino. Si Khen ay nasa rooftop, lagi naman siyang naroon para huminahon sa malamig na simoy ng hangin. Pumunta naman muna ang mag-kambal sa restrooms samantalang diretso cafeteria ang magkaibigang Wan at Percent.
Dumaan ang oras ng lunch break na parang normal lang na araw para sa kanila. Na parang bumalik muna sa kanya kanya nilang mundo. Na parang hindi sila magkakakilala.
Ang totoo, kaya sila ganito, ay may pinag-usapan silang anim noong araw na sabay sabay silang nagreview para dito.
Noong nakaraang sabado sa bahay ni Khen...
"Semestral break na pagkatapos nitong final exam, 'diba kuya?" tanong ni Jarin kay Jeron na nag-cocompute
"Hm? Ay oo nga ano?! Yes! Magagawa ko na ulit ang gusto kong gawin!! Yess!!" gumulong gulong sa sahig si Jeron sa tuwa
"Ahh.. Percent, 'diba gusto mong umuwi sa inyo para bisitahin ang mama mo?" pabulong man, sapat pa rin para marinig ito ni Percent at ang katabi niyang si Khen
"Oo naman, tutuloy ako. Ikaw ba? Anong balak mo sa sembreak?" bulong pabalik ni Percent
"Wala. Sa bahay lang, mabuti ka pa" at nag-pout si Wan
"Saan ka uuwi Percent?" tanong ni Khen
"Ah? Sa countryside, taga-doon talaga ako" ngumiti ito ng malaki kay Khen, "Sa lola ko ako ngayon nakatira kase nga dito ako nag-aaral, sinabi ko lang...para malaman nyo" nahihiya na si Percent dahil nakikinig pala ang lahat sa kanya
"Countryside? Eh 'diba may dagat doon?!" pagsingit ni Cashmere
"Uhum..." sagot naman agad ni Percent
"Sama mo naman kami, Percent" feeling close na si Cashmere
"H-hah? S-sige lang... Kung gusto...nyo..." hindi napipilitan si Percent, nahihiya lang siya
"Sasama ako" walang pag-aalinlangan na sambit ni Khen
"Ah?! A-ako din! Sasama ako!" ayaw magpatalo ni Jeron
"Sama rin ako!" masaya pang nagtaas ng kamay si Jarin
"Oh ikaw ba, Wan?" feeling close na rin si Cashmere kay Wan kung magtanong
"S-sige... Bakit naman hindi..."
Ngumiti naman si Percent dahil nakaramdam siya ng tuwa. Ganun na lang din kung ngumiti si Cashmere. Umaayon sa agos ang plano niya.
Bumalik naman muli tayo sa klase. Huling subject na lang at tapos na ang pinaka-pasakit sa araw ng mga estudyante.
Nagulat ang lahat nang biglang tumayo si Cashmere papuntang harap upang ipasa ang sagutang papel sa proctor nila.
Sumunod naman ay si Wan kasabayan lang rin si Jeron. Maya maya rin lang at natapos na ang ibang kaklase kasabay si Jarin at Percent.
"Okay. Makinig kayo section Six-D. Bukas nyo rin agad malalaman ang results ng tests nyo. Ang scores at rankings. Alam kong pinaghandaan nyo ito ng mabuti kaya alam kong wala naman kayong magiging problema bago mag semestral break. Congratulations class, dismissed..." ngumiti ang proctor nila bago umalis, bitbit ang mga papel na magpapabago sa kapalaran ng ating mga bida.
Naunang lumabas ng silid si Khen pagtapos nitong ayusin ang bag at desk.
"Wan, hindi na muna ako sasabay sayo pauwi ah! Kita na lang tayo bukas!!" tumakbo naman kaagad si Percent para habulin si Khen
Naiwang nagtataka si Wan doon. Nakita ni Cashmere ang nangyari kaya nakaramdam ito ng inis. Pinaghihinalaan niya si Percent. Ganun din ang naiisip ni Jeron. May biglang kirot sa loob niya na naramdaman na lang bigla.
"K-khen..." malayong malayo na sa school si Khen bago pa naglakas ng loob na tawagin si Khen ni Percent
Lumingon si Khen sa likuran at walang emosyong tinignan lang ang papalapit na si Percent.
"May...gusto... May ilan lang sana akong gustong itanong sayo"