Chapter 28

25 4 11
                                    

Maagang nagising si Percent, madilim pa sa labas ng bintana niya, ilaw lang mula sa kusina ang naaninag niya na tumatama sa loob ng kuwarto niya.

Nag-uunat na tumungo siya sa kusina dahil nakakarinig rin siya ng nagluluto... ang mama niya.

"Ma?..." nagkamot siya ng mga mata niya at ngumiting lumapit kay Mrs. Azense

"Oh? Ang aga mo ata ngayon anak hm?" lumapit ang mama ni Percent sa kanya at hinalikan siya sa noo,"hmm... namimiss ko talaga lagi itong batang ito~!" sabay gulo rin sa buhok niya

"Ay! Mama~!" pagreklamo ng anak

"Sa... isang araw na nga pala ang balik nyo, noh?" nagpatuloy sa pagluluto si Mrs. Azense

"... Opo" humina ang tugon ni Percent at napayuko ito

Napansin iyon ng mama niya kaya inabot ni Mrs. Azense ang baba ni Percent para muling itaas ang ulo nito, tinignan niya sa mga mata si Percent

"May gusto kang sabihin, tama ba ako?..." nangungusap lang ang mga mata ni Percent sa mama niya at tumango,"Kahit ano pa yan, walang masama na magsabi sa akin..."

Napakagat sa labi si Percent dahil pinipigilan niyang huwag magsalita pero may nagtutulak pa din na dapat nga siyang magkuwento sa mama niya. Nagpatuloy muli sa pagluluto si Mrs. Azense.

Hindi kalaunan niyakap ni Percent ang nanay niya mula sa likuran.

"Ma... pasensya na po..." mahinang panimula ng binata

"Saan? Bakit? May ginawa ka ba?"

"... pakiramdam ko po... hindi ako normal, mama I'm sorry po..." binuhos ni Percent ang kanyang mga luha sa likuran ng ina

"Ano bang sinasabi mo? Hm? Normal ka naman ah! Kumpleto ang bahagi ng katawan mo... pinalaki kitang malusog at di sakitin? Paano naging hindi normal yun...?" pinipilit ni Mrs. Azense na maging matatag para sa anak

"...nagkakagusto ako sa lalaki, mama..." patuloy ang pag-iyak ng binata

"Hm? Ano namang m-masama doon, hm?" pinatay na ni Mrs. Azense ang kalan at hinarap ang anak

Nilagay ng ina ang kanyang mga palad sa mukha ng anak at pinunasan ang mga luhang dumadaloy mula sa mga mata nito.

Ngumiting masaya si Mrs. Azense kay Percent.

"Huwag mo na ulit sabihin na hindi ka normal, anak... walang nagbago sayo... ikaw pa rin ang anak ko, ang pinaka-cute na anak ko na dinala ko ng siyam na buwan..." isang halik sa noo ang muling dumampi kay Percent,"... kahit sino pang magustuhan mo anak... mahal na mahal kita, tandaan mo yan! Mahal na mahal ko ang Percent ko~!" sabay pisil sa dalawang pisngi ng anak

"Aiing~! Mama, masakit!" patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha pero may kasama na itong pagtawa sa binata, luhang kasayahan ang kahulugan

Akala ni Percent na hindi siya matatanggap ng mama niya. Hindi niya inasahan na mas sobra pa pala ang pagtanggap ni Mrs. Azense sa kanya. Buong buo. Purong purong pagmamahal.

"...si Jeron ba?" pagkutya ng ina sa anak

"Mama? P-paano mo—?"

"Nanay mo ako, kilala kita anak" tumawa ng bahagya si Mrs. Azense at niyakap si Percent,"Oh sya, tapos na akong magluto, ikaw na lang maghain para sa mga kaibigan mo ah? Magdedeliver na ako ng mga orders sa kabilang baranggay hahaha"

"Opo mama... Ingat po kayo" tumango si Percent at nagsimula na ngang maghain

Pasikat na ang haring araw at kumpleto na sa hapagkainan ang anim.

"Oh? Anong nangyari sa mata mo Percent? Umiyak ka ba?" bulyaw ni Cashmere

"H-HAH?!" dahilan para tumingin ang lahat sa mga mata ni Percent,"Ahh... bakit ba kayo nakatingin sa akin?" nakaramdam ng hiya si Percent, hindi siya sanay na titigan ng maraming tao

"Nagpuyat ka ba?..." tanong ni Wan na nagsisimula ng kumain

"Hindi ah! Ang aga ko kayang natulog!" pagdiin ni Percent

"Eh bakit parang namumugto yang mata mo?" pag-iisyoso rin ni Jarin,"...ganyan ang mata pagkatapos umiyak"

"Ano ba! K-kumain na nga lang muna tayo! Bakit niyo ba pinapansin itong mata ko?" nagmamaktol na ngumuya si Percent

Napuno ang lamesa nila ng pag-iintriga sa mata ni Percent. Hindi pa kasi nila nakikita ito na umiyak. At ang cute niya rin asar asarin. Todo iwas naman sa mga tanong at kung ano anong sagot na lang ang palusot niya.

Tahimik na nakangiti lang si Khen na kumakain habang pinapanood na kinukulit si Percent nang maramdaman niya na nag-vibrate ang phone niya.

Wala naman siyang inaasahan na tawag o texts messages dahil kasama naman niya na si Cashmere, siya lang kase ang madalas umingay ng notification ni Khen sa phone kaya nagtataka siya kung sino.

Kinuha ni Khen ang phone na nasa bulsa at sinilip kung sino ang nag-message, ang Mom niya.

Mom
Nasaan ka na?
Kailangan nating mag-usap.

Pagkabasa ni Khen ay agad rin niyang binalik ang phone sa bulsa niya. Napansin iyon ni Cashmere na katabi lang niya kaya napalingon siya kay Khen.

"Anong meron?" pabulong na pag-iisyosi ni Cashmere, alam niyang hindi madalas na nagpo-phone si Khen

"...wala" hindi nanaman mabasa ni Cashmere ang emosyong pinapakita ni Khen

"...nagsisimula na akong maghinala" bulong niya, sapat para marinig ni Khen at agad siyang tumayo pabalik ng kuwarto

"Anong nangyari kay Cashmere...?" tanong ni Jeron

"Hindi ko alam..." kahit ramdam ni Khen na hindi natuwa si Cashmere sa kinilos niya ay mas pinili niyang maglihim pa din

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon