Chapter 33

12 6 2
                                    

"HA?! Ahh... P-pasensya na Jarin at Jeron ah..." nakasimangot ngayong nagpa-umanhin si Percent sa harap ng magkapatid.

Wala silang teacher ngayong subject, absent raw kaya lumipat muna ang kambal ang sa tapat ng upuan nina Wan at Percent.

"Hahaha ayos lang Percent, binibiro lang kita" tumawa si Jeron

"Ano bang kailangan nyo sa akin kagabi at napatawag kayo? Sorry talaga ang himbing na ng tulog ko tapos maulan pa huhuhu" parang bata si Percent

"Wala naman... mabuti na lang at si Wan gising pa kagabi kaya siya ang tumulong sa amin" wika ni Jarin

"Pwede naman na si Jeron sa bahay ni Percent, tapos sa bahay ko si Jarin..." ngumisi ng malaki si Wan

"HA?" sabay na sigaw nina Percent, Jeron at Jarin

"Wala! Wala! Biro lang! Kalimutan nyo na lang okay?!!!" nahihiya si Wan dahil napagtanto niya na kung anong lumabas sa bibig niya, yumuko na lang siya

Sandaling katahimikan sa pagitan nila. Napansin ni Jeron na nakayuko rin si Khen na nasa likod lang nila Percent, nilapit ni Jeron ang sarili kay Percent para bumulong.

"Kinakausap na ba kayo ulit ni Khen?"

Umiling lang si Percent at napalingon kay Cashmere na nasa kabilang row, natutulog lang din.

"May hindi talaga sinasabi yung dalawa sa atin..." napabuntong pa si Jeron

"Ganyan naman yan talaga sila, Kuya... Hayaan na lang muna natin sila. Malay natin magsasabi rin yan sila ng problema nila sa atin... Hintayin lang natin..." paliwanag ni Jarin sa kapatid

"Pero napansin kong andito na silang dalawa ni Cashmere kanina sa room, ang aga nila..." pagsali ni Percent

"Nakakainggit, sana ako rin maagang magising lagi noh? Hahahaha" napailing si Jeron

Lumipas ang oras at naguusap lang ang tatlo, naka-idlip na rin kase si Wan. Oras na ng lunch break, sabay rin ang apat na pumuntang cafeteria.

Samantala, umakyat na si Khen papuntang rooftop at pasunod na si Cashmere nang may humarang na babae sa kanya.

"Cashmere!" sambit ng babae at niyakap si Cashmere

"Bitawan mo nga ako!" naiiritang inaalis ni Cashmere ang mga braso ng babae sa kanya

"Namiss na kase kita! Hindi mo ba ako namiss?!" lalong humihigpit ang yakap ng babae

"Kapag hindi ka bumitaw sa akin, kahit babae ka babanatan kita dito ngayon!" bumitaw na rin agad ang babae kays nakahinga na si Cashmere ng maayos

"Bakit ganyan ka na kung magsalita sa akin? Hindi ka naman ganyan dati ah!"

"Dati yun. Ngayon hindi na ako ang Cashmere na nakilala mo, okay? Kailangan ko ng umalis—"

"Saglit! Bakit? May bago ka na ba?"

"Huwag ka ngang magsalita na parang ikaw ang biktima dito. Nakipag-break ka sa akin noon kase may iba ka ng gustong lalaki diba? Kase mayaman siya? Pwede ba layuan mo na ako!" namumuo na ang mga kamao ni Cashmere sa galit

"Narealize ko na mas mahal pala kita—"

"Pinalipas mo pa ng isang taon? Ayoko na. Hindi na kita mahal, okay?" umalis na si Cashmere at iniwan ang babae na naiiyak dahil sa nangyari

Pag-akyat ni Cashmere sa rooftop, andun lang si Khen, nakasaksak nanaman ang mga earphones sa tainga. Lumapit siyang nakangiti sa kasintahan.

"Bakit ka nakangiti?" tanong ni Khen kay Cashmere na nakangiti sa harap niya

Tinanggal ni Cashmere ang earphones ni Khen, "Yung ex ko nakasalubong ko kanina..."

Nagtitigan lang sila saglit at ibabalik na ni Khen ang earphones kaso pinigilan siya ni Cashmere

"Sabi ko hindi ko na siya mahal..." pagpatuloy ni Cashmere

"Wala akong paki-alam—"

"Kasalanan mo ito eh..."

"Bakit ako?"

"Kase ikaw na ngayon yung mahal ko..." parang ewan na nakangiti lang si Cashmere

"Okay..." tugon ni Khen at wala man lang nagbago sa ekspresyon sa mukha niya. Binalik na lang niya ulit ang earphones

Bumuntong hininga na lang si Cashmere at tumabi kay Khen.

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon