Chapter 51

17 4 5
                                    

Jeron's POV

Ang saya ko.

Kase maayos na ang lahat. Nakapag-usap na sina Jarin at Wan, bati na sila. Tapos nakuwento sa'kin ni Percent na nagka-ayos na rin raw sina Cashmere at Khen.

Ang saya ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong sakin ng napaka-cute kong boyfriend

"Oo naman" sabay kinurot ko ang pisngi niya, kagigil

"Weh?"

"Oo nga~"

"Eh? Parang hindi naman..."

"Bakit ba? Anong meron?" ang kulit kase talaga

"May iniisip ka kase ata, para kang baliw na ngumingiti diyan sa kawalan hahaha" tinawanan ako ni Percent

"Hindi ako baliw— ay baliw sayo yieee" hehehe

"nye nye nye, kakakilig yun?"

"Ay bakit? Kiss kita dyan eh" hehehe :'>

Di niya na ako kinulit, pinagpatuloy niya na lang ang ginagawa niya. Ako din, nagpatuloy na.

Sabay kaming gumagawa ng final portfolio namin sa isa sa mga subject namin, tapos kailangan din namin magsulat ng mga notes kase requirement din ang notebook.

Kulang kulang dalawang Linggo na lang tapos na ang school year namin, napaka-bilis ng panahon, graduating naman na kami next school year.

"Percent?" sabay kaming napatingin ni Percent sa pinto, pamilyar yung boses

"Ako na magbubukas" tumayo na si Percent para pagbuksan yung tao sa pinto

"K-khen?" medyo nagulat ako, bakit siya nandito?

"Uy hello Jeron, ano... sorry... magkasama pala kayo ni... Percent" nahihiya ba siya?

"Hala ayos lang Khen, kung may kailangan ka kay Percent hindi ako mangingi-alam—"

"Wala naman, gusto ko lang sana sumabay din gumawa ng mga ipapasa hehehe ayaw kong gumawa kasama si Cashmere baka hindi ko ito matapos eh" ngumiti siya, minsan lang talaga mangyari toh

"Ahh ganun ba? Oh siya sige gumawa lang tayo"

Malapit na akong matapos, hindi namin namalayan ang oras, medyo madilim na pala sa labas.

"Tapos na akooooo~" masayang nag-unat unat pa si Percent

"Teka hala ako malapit na din, waitt!!" sinubukan kong bilisan magsulat

"Ahahaha nauna ako yehey~" parang bata nanaman siya, nanggigigil nanaman ako

Ay wait, andyan pala si Khen hehehe, behave lang

"Huwag nyo akong iiwan ah..." biglang nagsalita si Khen kahit nagsusulat pa din siya

"Huh? Oo aantayin ka namin, Khen" pagsagot ni Percent

"... kapag umalis na si Cashmere, huwag nyo rin akong iiwan ah" inangat niya ang ulo niya tapos tinignan kaming nakangiti, hala Khen :"(

"Oo naman! Hinabilin ka niya sa'kin di'ba?! Ayaw kong mayari kay Cashmere kaya babantayan kita para kay Cashmere hehehe" umakbay si Percent kay Khen

Ayos lang naman

"Tss, takot ka dun? Takot sa'kin yun si Cashmere, huwag kang magpapauto dun ha?" natawa ako

"Eh? Mas nakakatakot si Cashmere kaysa sa'yo Khen, lagi maiinit ulo nun eh"

"Sumbong kita ah hahaha mainit ulo pala ah hahaha" napapailing ako sa usapan ng dalawa, komportable talaga si Khen kay Percent

Masaya ako, dahil hindi lang pala ako ang napapasaya ni Percent. Para siyang happy pill ng lahat eh, nakakahawa yung pagka-good vibes niya lagi.

Ang swerte ko, kase ako ang boyfriend niya. Nakuuu, iingatan ko talaga siya. Hindi ko na siya pakakawalaaan

"Huy Jeron!" kinalabit ako ni Percent

"Huh?" ang dami kaseng natakbo sa utak ko eh

"May tinatanong kami sayo!"

"A-ano ba yun?" lah sorry, lutang eh

"Takot ka ba sa'kin?" tanong ni Percent

"Takot? Bakit naman ako matatakot sayo?" sagot ko

"Ahahaha okay, wala ka pala kay Jeron eh" anong sinasabi ni Khen?

"...okay" hala parang nalungkot yung baby kooo :"<

"Huy! Bakit? Ano bang meron?"

"Wala wala, binibiro ko lang kayo hahaha uy Percent joke lang naman eh" sila lang nagkaka-intindihan, yan kase Jeron lutang ka eh

"Percent..." kinalabit ko siya

"Hindi ka naman takot sa'kin eh" nakapout siya :"( tapos inaayos niya na yung mga gamit niya

ANONG NANGYAYAREEE?!!

"Hala nagtampo na" naiiyak ako Khen, wag naman

"Percent naman eh..." hinihila ko na laylayan ng damit niya

"...hindi ka naman takot sa'kin eh" bulong nanaman niya tapos akma na siyang tatayo dala yung mga gamit niya

"Teka!" hinigit ko yung braso niya para mapa-upo siya ulit, "Isa lang ang ikinakatakot ko sayo... natatakot akong mawala ka..."

Okay, okay, okay, kitang kita sa mukha niya na unti unti na siyang ngumingiti hehehe

Marupok naman po pala

"Yiee ngumingiti na siyaaa~" pang-aasar ko

"HEH!" tapos tumayo na talaga siya tapos tumakbo sa kuwarto niya

"Kinikilig yun" sabi ni Khen,habang inaayos na rin ang mga gamit niya

"Nakakahiya ako!!" nagtakip agad ako ng mukha ko

"Loko hahaha ang cute nyo kaya, ganyan ba kayo lagi? Hahahahaha" patuloy lang sa pag-tawa si Khen

Nakakahiya talaga, nakalimutan kong andyan pala si Khen, nakakainis ka Jeron! Marupok ka din pala?

Takot ka lang kay Percent eh! Grrr!

----------
Uy filler chapter ulit 🤗
I'm sooo happy naka-50 chaps na pala akoo ><

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon