Khen's POV
Nasa loob na kami ng apartment ni Cashmere.
Pangawalang beses ko pa lang na makapasok dito.
Kabaliktaran ko si Cashmere, sobrang organized at linis ng apartment niya kahit hindi ganun kalaki at kaluwag.
Tahimik lang akong nakaupo sa higaan niya. Dito ako dumiretso sa kuwarto.
I observe his room. When you enter the main door there is another door at the right side which is the bathroom. Tatlong hakbang, hawiin mo lang ang kurtina, you will see his mini sala, a couch and a led tv and mini kitchen at the opposite corner. May dining table? Pero walang mga upuan sa bandang sulok. May pinto ulit, his mini bedroom, pero sa loob is malaki niyang higaan ang bubungad sayo, kung saan ako naka-upo ngayon. Sa right side, cabinet para sa mga damit niya ata. Sa kanan, may maliit na drawer na may mga action figures tapos maliit rin na shelf, mga libro namin sa school.
An apartment that is for an independent student like him. Mas malaki ng kaunti ang kuwarto ko dito, kuwarto ko pa lang.
"Anong tinitingin tingin mo sa paligid? Sabihin mo na ang kailangan mo..." nakatayo sya sa pinto ng kuwarto, he's sarcastic, what's wrong with him?
"Dito ako matutulog—"
"Hindi pwede, masyadong masikip ang bahay ko para sa ala-master na kagaya mo" I hate his tone
"Nakatulog na ako dito dati kaya ayos lang..." I stated
"Okay fine, doon ulit ako sa sofa—"
"No. You're going to sleep here... with me" I hate saying things like this, really
"Wow... ang lakas naman ng loob mong matulog dito. Bakit hindi ka na lang sa bahay mo o kaya sa bahay ng babaeng kasama mo kanina noh? Ang saya saya nyo kaya kanina..."
"So sinusundan mo kami?" tanong ko
"H-hindi ah! Sakto lang na pumunta rin akong mall tapos nakita ko kayo tss... Huwag ka ngang mag-assume..." don't play with me
"And you're... jealous..." I chuckled
"I'm not jealous, I'm Cashmere..."
"See, nagseselos ka lang eh"
"Huwag mo nga akong baliktarin!"
"...ayaw mo ba na makasama ako ngayon?" geez, I cringed
"Mas pinili mong makasama yung babaeng yun, bakit ka ba andito?"
"I kissed you and you let me in..." pang-aasar ko, I can see that he's irritated
"Oo nga, nanghahalik ka lang kapag alam mo na guilty ka kase may ginagawa kang kalokohan"
"Yes, I'm guilty. Pero hindi yun kalokohan..."
"May kasama kang babae, hindi ba panloloko iyon?"
"It's a favor from my mom..." is this the right time to tell him?
"Favor? Na i-date mo yung babae?"
"Yeah... Kase kung hindi, she will force me to break up with you..." iniwas ko ang tingin ko sa kanya
"What? Alam na ng mom mo... na... tayo?" I really hate his tone
"I told her... Akala ko makakatulong yun na hindi niya na ako itulak sa iba kapag alam na niyang I'm in a relationship..."
"Tapos?..."
"Sabi ko may boyfriend na ako, pero hindi ko sinabi kung sino, alam kong papake-alaman ka na rin niya if she will know..."