Chapter 24

23 4 0
                                    

Jarin's POV

Tapos na kaming kumain sa hapagkainan sa loob ng bahay nina Percent. Kitang kita ko sa mga ngiti ni Percent na masaya siyang nakauwi siya at makita ngayon ang mama niya.

Ang kuya ko din, masaya.

Tahimik lang akong pinapakiramdaman ang mga tao sa paligid ko. Gusto kong mabasa ang mga kinikilos ni Cashmere.

Galit pa din ako sa ginawa niya sa akin noong gabing iyon, hindi ko pa siya napapatawad. Hindi naman siya nagso-sorry na parang nakalimutan na niya ang atraso niya sa akin.

Ang weird kase ng kinikilos niya. Sobrang napapalapit na nga siya sa amin lalo na kay Khen na nakakapanibago dahil hindi naman siya ganun dati. Galit na galit sa mundo yun lagi eh.

Isa pa itong si Khen, tahimik lang din siya. Tapos ang weird na biglang kino-close si Percent... kaya nagseselos ang kuya ko eh hayys

Anong meron sa mga taong ito kaya...

"Jarin, anak?" hala kanina pa ata ako tulala

"Bakit po Mrs. Azense?" nagpatuloy ako sa pag aasikaso ng mga pinagkainan namin

"Kahit ako na riyan anak, mag linis ka na lang muna ng sarili at maghanda sa pagtulog. Alam kong pagod kayong lahat sa byahe..."

"Ahh... s-sige po" nahihiya akong hindi kumilos syempre babae pa rin naman ako

"At sa kuwarto ko ikaw matutulog hm? Ako ang katabi mo, hayaan mo na ang mga lalaki sa kuwarto ni Percent, kasya naman silang lima doon" tapos ay ngumiti si Mrs. Azense

Nag-ayos na ako at tumungo na ng kuwarto, gusto ko na rin magpahinga, ayako na muna ngang makisali sa mga lalaking iyon, moment na rin iyon ni Kuya hehe. Bukas na lang ulit ako mag oobserba

Nagbabasa muna ako ng mga articles sa newsfeed ko tapos ay pumasok na rin si Mrs. Azense sa kuwarto. Nakangiting tumabi siya sa akin.

"Ayos ka lang ba diyan anak?" ang bait ng mama ni Percent...

"Ay opo sobra po"

"Hindi ka pa ba matutulog?"

"Maya-maya po, inaantok na rin naman po ako"

"May gusto lang akong itanong tungkol sa anak kong si Percent..." humiga ng maayos si Mrs. Azense at nakatitig sa kisame

"Sige lang po, ano po ba iyon?"

"Kamusta naman ang performance niya sa klase?"

"Hmm ayos lang po, mabait na estudyante po si Percent sa totoo lang. Hindi naman po siya pasaway, madalas po siyang tahimik"

"Meron ba siyang sinasabi sa inyo na mga sekreto niya? O humihingi ba siya ng payo sa inyo kapag malungkot siya?"

"Wala pa naman po, masayahin po si Percent eh. Hindi ko pa po siya nakikitang malungkot sa klase. Ngayon ngayon lang rin po kase kami naging magka-close" nakakahiya yung sagot ko, parang wala akong kwentang kaibigan

"...noong isang gabi kase tumawag siyang umiiyak sa akin... tungkol sa taong mahal na mahal niya" tumawa ng bahagya si Mrs. Azense,"Alam kong malaki na ang anak ko, normal na makaramdam siya ng ganun sa isang tao... pero pakiramdam ko may mali... hindi niya kase sinabi ng buo ang problema niya, basta ang sabi niya mahal na mahal niya ang taong yun pero kakayanin niyang magparaya na lang, gusto lang raw niyang sabihin sa akin para raw gumaan ang pakiramdam niya..." halata kay Mrs. Azense na nag aalala siya sa anak niya pero hanggat ayaw magsalita ni Percent parang ayaw niya muna pag-usapan ganun

"Siguro po, kahit hindi niyo alam yung buong problema ni Percent, bigyan niyo pa rin po siya ng suporta... Sabihin niyo pong kahit anong mangyari, andyan lang po kayo, lumapit lang siya sa inyo..." tapos ngumiti ako para macomfort rin si Mrs. Azense

"Salamat anak ah..."

Pagkatapos nun ay natulog na kami, sana ay magandang umaga ang sasalubong sa amin bukas

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon