Chapter 35

16 4 10
                                    

Umuwi na si Cashmere sa apartment niya. Binagsak niya ang sarili sa higaan at bumuntong hininga.

Wala naman siyang ginawa pero parang pagod na pagod siya ngayong araw.

Iniisip niya si Khen. Kung anong ginawa niya ngayong wala siya sa tabi nito. Iniisip niya kung ano ba talagang plano ni Khen. Iniisip niya kung babalik pa ba sila sa mga sandaling masaya silang magkasama, na kahit silang dalawa lang...

Araw araw na nakikita ni Cashmere si Khen, madalang na lang silang mag-usap. Pakiramdam ni Cashmere ang layo layo ni Khen. Parang may harang nanaman sa pagitan nila.

May tiwala naman si Cashmere sa kasintahan kaya hinahayaan niya na lang muna si Khen sa mga bagay na gustong gawin ni Khen. Pero hindi maalis ni Cashmere ang pakiramdam ng pangungulila at pagkamiss kay Khen.

Sobrang namimiss niya si Khen. Gusto niyang pagtripan si Khen. Asarin, inisin, kausapin, yakapin. Gusto niya yung pakiramdam na, na kay Cashmere lang ang buong atensyon ni Khen. Nasa kanya lang at walang ibang iniisip.

Nagising sa pagkakaidlip si Cashmere nang marinig niya ang nagriring na phone niya. Dali dali siyang bumangon at sinagot ang tawag, inaasahang si Khen iyon pero hindi...

Hindi niya napansin ang contact ay isang unknown number.

"Sino ka?" mariing tanong ni Cashmere sa kabilang linya

"Mr. Cashmere Hazier?..." babaeng boses

"Tinatanong ko kung sino ka? Hindi ko sinabing sabihin mo ang pangalan ko—"

"Matabil na bata. Ako ang Mom ni Khen..." parang may edad na nga rin ang boses

Hindi muna nagsalita si Cashmere.

"Bakit natahimik ka? Natatakot ka ba?"

"Hindi ako natatakot. Anong kailangan mo?"

"Gusto kong makita at makausap ang pinagmamalaki ng anak ko sa akin..."

-----

"Sabihin mo nga sa akin, anong pinakain mo sa anak ko?" sabay inom ng tsaa ang Mom ni Khen

Nasa isang tea shop ngayon si Cashmere at si Mrs. Novellino. Magkaharap sa isang table.

"Anong klaseng tanong yan? Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ng anak mo sayo?" ngumisi lang si Cashmere

"Kilala ko ang anak ko. At naniniwala ako sa lahat ng mga sinasabi niya... pero ngayon alam kong may mali..."

"Anong mali? Na sabihin niyang mahal niya ako? Isang lalaking katulad ko?" matapang si Cashmere, matapang siya

"Bakit? Mali naman talaga ang namamagitan sa inyong dalawa ng anak ko ah? Ano bang kailangan mo? Pera? Okay fine, I'll lend you some and stay away from my son—"

"No. Hindi ko kailangan ng pera nyo at lalong hinding hindi ko lalayuan si Khen..."

"Nakakadiri kayo! Si Khen ang magmamana ng kompanya at hindi ko hahayaan na madumihan ng madumi nyong relasyon ang pinaghirapan ko para sa anak ko..."

"I know... Mrs. Novellino... mahal ka ng anak mo, mahal mo rin ba siya? Kase kung mahal mo siya hindi mo siya pipigilan sa lahat ng gusto niya"

"Mahal ko ang anak ko Mr.Hazier! Don't even judge me kung paano ko ipinapakita iyon sa kanya... Ikaw ba? Mahal ka ba ng mga magulang mo? Oh wait, may mga magulang ka pa ba?" ang sarcastic ng tono ng Mom ni Khen.

Namumuo na ang kamao ni Cashmere," You don't know me, Mrs. Novellino. Kahit Mom ka pa ni Khen, kaya kong gawin ang lahat, kaya kong banggain pati yang kompanyang pinagyayabang mo sa akin..."

"Oh huwag mo akong madaan daan sa salita lang... Show me what you've got..."

"Nagkamali ka ng kinakalaban Mrs. Novellino..."

"Hindi ako natatakot sayo, Cashmere. Hindi kita gusto para sa anak ko kaya hiwalayan mo na siya, sa ayaw at sa gusto nyo. Kung mahal mo ang anak ko, hindi mo sisirain ang future nya!"

"Ikaw ang sumisira sa future ni Khen—"

"Hiwalayan mo na siya o ako na mismo ang maglalayo kay Khen sa'yo. Hinding hindi mo na ulit kami makikita if you continue this dirty relationship with him!" hinablot na ni Mrs. Novellino ang bag niya at umalis na sa tea shop.

Maulan na nilisan ni Cashmere ang shop at naglalakad na balisa sa ilalim ng malakas na pag-iyak ng langit.

Ang bawat pag-patak ng ulan sa katawan ni Cashmere ay para siyang sinasaksak ng patalim sa sobrang lamig.

Nakauwi siya sa apartment niya na basang basa ang buong katawan.

Tumungo siyang banyo at doon na bumuhos ang luha sa mga mata niya dala ng galit at lungkot.

Gusto niyang ipaglaban ang relasyon nila ni Khen ngunit natatakot siya na baka hindi siya ipaglaban ng kasintahan. Baka siya lang ang lumalaban samantalang si Khen hindi.

Ang akala ng lahat na matapang na Cashmere, ay mahina ngayon at nagsusumamo sa galit at lungkot dahil lang sa pagmamahal na yan.

Halos dalawang oras na nakababad sa basang damit si Cashmere. Kahit nanghihina, nag ayos pa din siya at muling binagsak ang sarili sa higaan.

Blangko ngayon ang isipan niya at nakatulog na.

Kinaumagahan, wala namang pasok kaya parang ayaw pa muna ni Cashmere na iwan ang higaan.

Sinilip niya ang phone niyang maraming natanggap na missed calls at texts mula kay Khen sa buong magdamag.

Sa lungkot, galit at sakit na nararamdaman ni Cashmere, binato niya kung saan man ang phone niya at natulog na lang ulit.

Lumipas ang maulang maghapon, nanghihinang tumayo si Cashmere sa higaan at hinanap ang phone niya, nasa lapag lang ito at may kaunti ng basag ang screen.

Nag-dial siya ng number.

"Percent? Nasaan ka? Kailangan kitang maka-usap!" nanghihinang bungad ni Cashmere sa tawag.

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon