Isang normal na araw nanaman para sa mga estudyante. Nasa kalagitnaan na ng semester, marami nanamang gagawin at paniguradong paspasan na rin ang pasahan ng mga requirements.
Sa isang paaralan, sa isang silid kung saan nagaganap ang iba't ibang mga pangkaraniwang gawain ng bawat guro at estudyante.
Iba't ibang senaryo mula sa iba't ibang estudyante at kanya kanyang grupo ng magkakaibigan.
"Khen... Gising... Tawag ka ni Mr.Yonson sa harap" kalabit ng isang kaklase sa lalaking nakatungong natutulog
"Mr. Novellino, alam kong last subject mo ako, alam kong pagod na rin kayo, ako man rin, nakakawalang respeto naman sa akin—" natigilan ang guro nang biglang tumayo si Khen sa kinauupuan nya at lumakad papuntang harap
"Ito po ba ang sasagutan ko?" walang emosyong tanong ng binata kay Mr. Yonson
"Ahh.. oo ayan nga" at inabot sa binata ang white board marker, agad rin namang tinanggap ni Khen at sumagot na sa pisara
"Tapos na po" walang emosyong sambit ni Khen at bumalik na sa sariling upuan. Hindi na siya tumungo at diretsong nakatingin na lamang siya sa harap
"Magaling Mr. Novellino, tama nga ito" nagpalakpakan ang ilang mga kaklase sa kanya
Natapos na ang klase. Halos wala ng mga estudyante sa corridor at mga classrooms. May mga naiwan pa dahil cleaners.
"Haist, grabe naman talaga tong si kuya, hindi man lang ako hintayin saglit para sabay na kami umuwi" pagmamaktol ng isang dalaga habang nagmomop ng sahig, "Hoy, aba ang galing mo naman po pala, ano?" pag-sita nya sa lalaking nagce-cellphone na nakaupo lang sa desk.
"Tinawag mo akong 'hoy'?" maangas na tanong niya sa dalaga
"Tumakas ka na lang dapat, Cashmere. Andito ka nga, hindi ka rin naman pala maglilinis"
"May naitutulong naman ako sa'yo dito, Jarin" ngumiting may halong pang-aasar si Cashmere kay Jarin
"Maglinis ka!" inabutan ni Jarin si Cashmere ng mop
"Anong gagawin ko dito?"
"Titigan mo lang"
"Okay, fine..." sinandal ni Cashmere ang mop sa desk at dahan dahang lumakad patungong pinto
"Hoy! Saan ka pupunta?"
"Tapos ka na diba?"
"Sabi mo may natulong ka sa akin? Wala ka namang ginawa dito!"
"Meron, binantayan kitang maglinis" ngumiti si Cashmere at tuluyan na ngang nilisan ang silid
Naiwan namang hindi makapaniwala si Jarin.