Chapter 41

20 4 0
                                    

"K-kamusta si... Cashmere?" tanong ni Wriz sa katabing si Khen

"He's fine..." tipid na sagot lang ni Khen

"Kamus...ta kayo?" muling tanong ng dalaga, pero mas mahina ito sapat para marinig pa rin ni Khen

"Hindi ko alam..." tapos bumuntong hininga naman si Khen,"...Masyado siyang padalos dalos sa mga plano niya pero... kailangan ko siyang pagkatiwalaan"

"Don't worry, Khen... Kaya nating lampasan itong set up na ito... Nasabi mo na ba sa kanya na engaged na tayo?"

Tinignan ni Khen si Wriz sa mga mata nito.

"No... Hindi niya na pwedeng malaman..." mariing sambit ni Khen

"I'm sorry kung pumayag ako... Sabi ko tutulungan kitang hindi ito ituloy ng mga magulang natin pero..."

"Ayos lang sa akin... hanggang engaged lang... Kapag may lalampas pa dito, Wriz... hindi na rin kita matutulungan sa gusto mong mangyari" namuo ang mga kamao ni Khen

"Ginawa ko naman na ang lahat. I told my Mom and Dad na hindi kita gusto, pati ang Mom mo, but they still want us together..."

"Ako, ayaw ko, Wriz... baka ikaw gusto mo? Sinabi ko na sayo kung ano ako para may dahilan kang tumanggi, bakit naman ganito?"

"I-I'm sorry, Khen... You can't blame me... Biktima rin lang naman ako dito... I can't have the man that I love, I'm s-sorry... I think it's unfair... if we can't win this deal, Khen... you can't have Cashmere as well. Ayokong ako lang ang talo—"

"What the heck, Wriz? May usapan na tayo!" pinipigilan ni Khen ang galit niya,"Akala ko ba matalino ka? Kung totoo mong mahal yung lalaking mahal mo, hindi ka panghihinaan ng loob ilpaglaban siya kahit magulang mo pa yan!"

"Pinaglaban ko siya, Khen! Ang problema siya yung hindi ako pinaglalaban. My parents gave him money and now I can't even find any traces of him! Hindi niya talaga ako... m-mahal..." nagsimula ng umiyak si Wriz

Pinanood lang siya ni Khen na nagpipigil pa din ng galit.

"I'm so jealous of you... tama ka nga, hindi ako tulad mo na kayang banggain ang sarili kong mga magulang, why? Cause Cashmere also fights for you. Alam mong ginagawa rin niya ang lahat para sa inyo kaya ka matapang, Khen..." pinunasan ni Wriz ang mga luha niya,"I'm sorry, Khen... Hindi pwedeng ako lang ang talo dito..."

Mabilis na hinila ni Wriz ang kwelyo ni Khen para hilahin sa isang halik.

Ilang segundo lang rin tinulak na ni Khen si Wriz papalayo sa kanya.

"WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING, WRIZ?!!" napatayo si Khen makalayo lang sa dalaga

"... Engaged na tayo, Khen. Walang masama na halikan kita" nagbago na ang presensya ni Wriz sa paningin ni Khen

"Oo, engaged man tayo pero hinding hindi ako papayag na ipakasal sayo—"

"Wala ka ng magagawa. Pareho kayong lalaki, sa tingin mo may tatanggap sa inyo?"

"Wala akong pake-alam kung hindi man kami tanggapin ng mundo. Basta wala kaming tinatapakang tao makuha lang ang gusto namin. Mahal ko si Cashmere, tandan mo yan. Kaya ko ring talikuran lahat ng meron ako ngayon... dahil kayo ang hinding hindi katanggap-tanggap" akma nang lalabas si Khen sa pinto ng sarili niyang pamamahay

"Where do you think you're going? Kay Cashmere? I'll tell your Mom—"

"Gawin mong gusto mong gawin" pagsambit ni Khen sa mga huli niyang sinabi, nilisan na niya ang bahay

Isang tao lang ang alam niyang matutulungan siya ngayon. Si Percent.

"K-khen?!..." sobrang gulat ang naramdaman ni Percent nang makitang totoo ngang si Khen ang pinagbuksan niya ng pinto,"A-anong ginagawa m-mo dito? Gabi na ah!"

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon