Kinabukasan, nasa library ang buong klase, nagpa-by partner activity ang teacher nila. Kasalukuyang naghahanap ng mga librong gagamitin sa research subject ang mga estudyante.
Nakaupo sa sahig si Percent habang nagbabasa at naghahanap ng mga kakailanganing ilagay sa ipapasang papel.
Napatingin siya sa katapat na bookshelf kung saan nakita niyang nagnanakaw ng tingin si Wan kay Jarin habang naghahanap rin ito ng libro.
Napabalik ang tingin ni Percent sa libro ngunit wala na ito sa konsentrasyon sa pag-intindi ng binabasa.
"Percent!" pagkuha ni Jeron sa kanyang atensyon, "Tulala ka ah!"
"H-ha? Ako?"
"Ang lalim naman ng iniisip mo hahaha! Huwag mong damdamin yang binabasa mo, kase nabasa ko dito sa book na ito ang karamihan sa mga ilalagay natin sa research" masiglang pagbalita ni Jeron kay Percent pero hindi pa din napawi ang lungkot sa mukha niya
"Ahh... Mabuti naman kung ganun" pilit na nasisiyahan si Percent
"...may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Jeron
"Marami..."
"Malungkot ka ba dahil hindi si Wan ang kapartner mo? Ayaw mo ba akong—"
"Teka teka Jay, hindi sa ganun—"
"Wait! Tinawag mo akong 'Jay'?"
"Oo? Tama naman diba? May problema ba doon?"
"Wala naman... Si Jarin at si mama lang tumatawag sa akin ng nickname ko, tsaka mga kaibigan...ko..."
"Sorry, hindi ba dapat kita tawagin sa nickname mo?"
"Hindi! Huwag kang mag-sorry! Ano kase eh... Since tinawag mo na ako sa nickname ko, kaibigan mo na rin ba ako?"
Natawa si Percent,"Bakit naman hindi?"
Ngumiti ng malaki si Jeron kay Percent, at nagpatuloy na sila sa gawain nila
Samantala, sa di kalayuang table nakikita ni Jarin ang buong pangyayari sa kapatid niya.
"Wow, sana talaga ilibre ako ni kuya mamaya pag-uwi! Haist mabuti pa siya ang saya saya niya dahil nakipagpalit ako sa kanya para lang si Percent ang maka-partner nya! Grrr kuya talaga—"
"So may gusto ang kuya mo kay Percent?" natigilan sa pagbulong sa sarili si Jarin nang magsalita ang katabi niyang si Khen, ang kapartner niya
"Ha? Ehem...Sino? Gusto sino? Ehem..." pagkunwaring hindi narinig ni Jarin ang tanong
"Wala. Ang sabi ko tapos ko na" cold na sabi ni Khen
"H-HA?!" napasigaw sa gulat si Jarin kaya napatingin sa di kalayuang table ang magpartner na sina Wan at Cashmere.
Nagkasalubong ng tingin ni Cashmere si Khen bago ilipat kay Jarin. Nakaramdam agad ng hiya si Jarin
"Gusto mo ng atensyon nya?" biglang tanong ni Khen kay Jarin
"Sinong 'niya'?'"
"Wala. Ang sabi ko matutulog muna ako, pakigising na lang ako kapag babalik na tayong classroom" utos ni Khen sabay yuko sa table
"Okay? Bakit ganun? Parang nagloloading utak ko sa mga tanong niya? Teka sandali... Kinausap mo ko? Khen? Hala!"