Chapter 22

27 8 10
                                    

Cashmere's POV

Maghahating gabi na, nasa daan na ako papuntang bahay ni Khen. May dalawang bag akong bitbit. Laman nito ay mga damit ko, tamang tama lang para sa limang araw na pagpapalipas namin ng sembreak sa lugar nina Percent.

Bukas na kase ang araw na pinagusapan naming lahat. Ito ang unang beses na makakapunta akong ibang lugar kasama ang ibang mga tao, I mean mga kaklase ko na medyo hindi ko pa ganun ka-close. Unang beses na makasama rin si Khen sa mga ganitong pagkakataon.

Lalo na ngayong... kami na.

Ay teka! Kase may usapan kami ni Khen noong araw— ay gabi pala, bago malaman ang resulta ng final exam kinabukasan.

Na kapag ang pangalan ko ang pinaka-unang nakalagay sa ranking list ng mga scores...

"Congratulations Mr. Cashmere Hazier. For the first time, ikaw ang top 1 sa ranking among all your classmates this semester... What just happened? All this time lagi kong nakikita ang pangalan mo sa hulihan, bakit ngayon... just wow nasa taas ka na bigla? Is there something that inspires you para mag-aral na ng mabuti?" yan ang eksaktong sinabi sa akin ng proctor namin.

Kaya eto, kami na. At nakarating na rin ako sa wakas sa bahay ni Khen. Kumatok ako at...

"Oh? Who are you?" teka bakit babae itong nagbukas sa akin? Mali ba ako ng bahay na napuntahan?

"Ahh... Is Khen Novellino here?" tanong ko pabalik, tingin nya ba di ko siya naiintindihan

"Yeah, he's here but I think he's already asleep—"

"No he's not..." pag-diin ko, tumawag pa ako kanina at sinagot niya, alam kong gising siya kahit di pa siya magsalita basta sinagot niya, ayos.

"He's tired and he needs—"

"Pumasok ka na Cashmere..." biglang nasa likuran na ng babae si Khen, ganun pa din, walang emosyong yung mukha

"See... Now, I excuse myself" pumasok akong ngumiti ng plastik sa babae at sumunod na kay Khen paakyat sa kuwarto niya

Pagpasok namin, nilock lang niya ang pinto tapos humiga sa higaan niya samantalang ako naiwang nakatayo at bitbit pa din ang mga bag ko sa harap niya, hindi alam kung ano ba ang nangyari at kung sino yung... Grrr

"Sino yun?" kalmado kong tanong sa kanya habang inaayos ko ang mga gamit ko, tinabi ko sa isang maletang nakatayo malapit sa cabinet niya

"..." bumuntong hininga lang siya, ang bigat nun ah

"Sino nga~?" kalmado ako, umupo na ako sa higaan niya para makita ang mukha niya

"Magpahinga ka na" tapos tinakip niya sa mukha niya ang librong katabi ng ulo niya

"Ang pangalan niya ay 'Magpahinga ka na'?" tanong ko pa din

"Cashmere..." dinig kong bulong niya sa ilalim ng librong nasa mukha niya

"Pangalan din niya 'Cashmere'?!" dumapa ako para makalapit, pinipilit kong makipag laro muna sa kanya

"Argh... matulog na tayo..." napangiti ako sa sinabi niya, lakas talaga ng tama ko sa taong ito

"Ayoko pa... Sino nga muna yung babae kanina? Babae mo?" pagkutya ko,"Hindi ka pwedeng mangaliwa Khen, huwag mo akong subukan nako...tsk tsk" ako nasasaktan sa sinasabi ko

Hindi pa din siya kumikibo. Dahan dahan kong tinanggal ang libro sa mukha niya at napagtanto ko na hindi pa siya tulog.

Umurong urong ako na naka-dapa pa rin para makita ng maayos ang mukha niya. Ganun pa din, blangko lang niya akong tinitignan sa mga mata ko. Lagi ko ring sinusubukan na basahin ang mga tingin niya kaso ang hirap, antayin ko na lang siya na magsabi kung anong tumatakbo sa utak niya.

"Mahirap bang sagutin ang tanong ko~?" kiligin ka Khen, ang lambing ng boses ko ngayon

"She is..." hayy, titig pa Khen, matutunaw na ako

"She is?..."

"She's my..."

"Hindi purket nilalambing kita ngayon ay puwede mo akong loko-lokohin Khen... Nako... kahit may tao sa labas hindi kita uurungan ngayon dito—"

"Nirereto ni Mom sa akin..." what?!!!

"Nirereto?" naguguluhan kong tanong

"Hindi mo alam!? Yung ano... parang... ahmm...parang—" I stopped him with a kiss but... he pushed me away : ( "D*mn, Cashmere!"

Tinawanan ko siya,"Sagutin mo kase ako ng maayos, ang ayos ng tanong ko simula pa lang ng una ah..."

"My mom likes her to be with me..." wow, I didn't see that coming

"Ayan! Ganyan! Sagot agad, hindi yung—" wow again, I didn't see this coming too, he pulled me for a kiss

"Okay na? Matulog na tayo..." tinulak na niya ako sabay talukbong ng kumot

"Teka lang Khen~! Kulang~! Isa pa dali~!" pang-aasar ko pero inaantok na rin naman ako.

Humiga na ako ng maayos sa tabi ni Khen pero hindi ko na siya ginulo pa. Nakatingin ako sa kisame at kung ano ano ngayon ang mga tumatakbo sa utak ko.

Katulad na lang na hindi pa din ako makapaniwala na kami na nga talaga ni Khen. Alam kong ako lang ang nagkundisyon nun pero tignan mo naman ngayon, kahit hindi siya umo-oo halatang halata ko sa mga galaw niya.

Kahit hindi niya sabihin alam ko na gusto niya rin ako noon pa man. Pakiramdam ko kase na mukhang kailangan ko na talaga na gumawa ng unang hakbang para lang maging sigurado na kami sa isa't isa.

Nagsimula lang ang lahat ng ito pagkatapos ng gabing yun. Nang dahil sa halik niya. Alam kong maliit na bagay yun na maging dahilan kung bakit ganito na nga ako naadik kay Khen at sa mga halik niya.

Simula noong gabing yun, nagkaroon na ako ng dahilan para pumasok araw araw, kung minsan sobrang aga. Gusto ko na siyang makita lagi. Gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang mayakap. Gusto ko siyang halikan.

Hindi ako nagsasawa. Hindi ako nauumay. Hindi ako naiinis sa tuwing hindi niya ako pinapansin, mas lalo nga akong nabubuhayan na kulitin siya dahil alam ko... Alam ko na gusto niya rin ako...

"Goodnight, Cashmere" narinig kong bulong niya sa loob ng kumot. Hayy mukhang masaya akong matutulog ngayong gabi ah

6th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon